Chapter 83: Airport Scene

14 2 0
                                    


Mhica


Buo na ang desisyon kong umalis na dito at walang sinuman ang makakapagpigil pa sa akin and its final. United States hintayin mo ko dahil sa pag-alis ko dito magiging bago na ang buhay ko sa panibagong mundong gagalawan ko. Makakamove-on din ako ng unti-unti at hanggang sa wala na.

Nanatili ako sa hospital para magpagaling pa at hanggang sa araw na aalis kami ng bansa. Hindi na ako nagpa-discharge pa at umuwi ng bahay dahil baka maulit na naman ang nangyari na may sakit ako dalaw siya ng dalaw kahit hindi ko hinaharap.

Ayoko na kaya tama na. Tama na to'ng kabaliwan ko sa kanya dahil sobrang-sobra na to at ubos na ubos na ako sa totoo lang. Pagod na pagod na ako sa lahat ng nangyayari sa buhay ko gusto ko naman magpahinga. Physically and emotionally pagod ako. Gusto ko sa panibagong buhay na tatahakin ko ay sarili ko naman ang iisipin ko at magpapahinga ako ng mabuti ng walang iniisip na problema.

Sa pag-alis ko dito iiwan ko dito ang masasakit na alaala at ang mga nangyari sa akin na hindi ko na dapat maalala pa. Ang mga pinagdaanan ko na nakakapagod dahil paulit-ulit lang akong nasasaktan. Ang tanga lo eh nagpakatanga ako. Iiwan ko dito ng tuluyan ang lahat at magpapaalam na sa lahat ng mga hindi magandang nangyari sa akin at sana hindi na mangyari sa akin ulit to. Specially including him. I want to leave him here without goodbye. Bakit pa? Para saan pa? I will never ever talk to him again.

Nung dumalaw sa akin si Gel ng hapon ay kinamusta niya ako at kinausap ko siya ng seryoso. Nakaupo ako sa hospital bed at kumakain ng binalatan niyang mga prutas para sa akin habang siya nakaupo sa tabi ko.

"Gel, don't tell him. Please."

"I can't promise that" sabi niya habang ngumunguya ng mansanas

"Gel, naman eh. Nangako kana diba? Bakit mo binabawi?" inis kong tanong

"I'm just kidding. I won't tell him for now" sabi niya

"Just don't ever tell him that I will leave. I don't want him to know." seryoso kong sabi at inirapan niya ako

"Fine. Okay? What's more important is magpagaling ka ng maayos ngayon. Sarili mo nga ang isipin mo Mhics wag muna siya puro ka na lang siya ng siya kahit nandito ka sa hospital" inis niyang sabi

"I'm just want to clarify things nothing more nothing less. Gusto ko lang maintindihan niyo ang gusto kong mangyari dahil baka may madulas sa inyo."

"We won't do that. I'll promise but remember promises are meant to be broken" sabi niya napakunot noo ako.

"What?"

"Wala. Ubusin mo na yan mabuti yan para sayo lalo na nandito ka pa sa hospital. Wala ka na bang nararamdaman na kahit na ano?" tanong niya

"Meron."

"Ano? Saan? Mhics, naman bakit hindi ka nagsasalita—"

"Ang mga turok ng karayom at kinukuhanan ako ng dugo yun lang naman ang masakit. Wag kang OA, Gel."

"Akala ko naman kung ano. Pinakaba mo pa ako sa wala. Kamusta pala sina Tita, Tito? Hindi ba sila galit sayo? Sa naging desisyon mo?" tanong niya

"Wala naman silang magagawa kaya—"

"Oo nga naman, kapag ikaw na ang nagsabi ng damdamin mo lahat gagawin nina Tita at Tito para sayo" sabi niya

"Susuportahan naman nila ako sa lahat ng bagay kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanilang lahat."

"Paano ang mga kuya mo?" tanong niya

"Sina kuya naman, napag-usapan na namin to. Sina Mama, Papa lang ang sasama sa akin paalis dito at silang lahat ay maiiwan kapag na-operahan na ako doon saka lang nila ako pupuntahan lahat."

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon