Mhica
Hindi ako makasagot sa lahat ng mga sinasabi at sa mga tanong niya kaya napayuko ako. Wala akong maisasagot sa kanya. Natatakot ako kung ano ang lumabas sa bibig ko dahil baka masabi ko sa kanya ang hindi ko dapat sabihin. Masabi kong gusto ko siya. Ayokong mapahiya sa harapan niya. Ayokong mangyari ang kinatatakutan kong mangyari.Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya sa akin. Naninibago ako sa mga pinagsasabi niya dahil unang-una sa lahat hindi siya ganito sa akin noon. Hindi ko aakalain na iiyak siya sa harap ko. Na tutulo ang luha niya at hindi niya man lang pinunasan. Hindi ko inaasahan na iiyak siya. Para bang nasasaktan siya. Nasasaktan siya sa gagawin ko. Bumalik nga ang Blake na kilala ko noon. Ang kababata ko noon.
Ako pa rin hanggang ngayon? Parang ang hirap paniwalaan ng sinabi niya. Ang hirap hirap na ngayon magtiwala. Noon siguro maniniwala pa ako sa kanya dahil totoo ang mga nararamdaman namin noon pero iba na ngayon dahil nakatali na siya kaya mahirap na sa akin na magtiwala sa kanya. Akala ko noon ako lang? Akala ko lang pala.
Halong-halong emosyon ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kanya. Bakit pakiramdam ko totoo ang mga sinasabi niya sa akin? Pero hindi ko pwedeng ibalewala ang katotohanan na may fiancee na siyang naghihintay sa kanya. Hindi ako selfish at ayokong maging martir at desperada para sa kanya. Ayokong magmukhang tanga. Napabuntong-hininga ako.
Buo na talaga ang desisyon ko at desidido na ako sa gagawin ko. Masaya ako na nakita at nakilala ko ulit siya ang kababata ko noon ang first love ko hanggang ngayon. Masakit na masakit pero pinapangako ko sa sarili ko ito na ang huling araw na iiyak ako at masasaktan ng sobra.
"Kyle, please. Let me go. Ayoko na... A-ayoko ng makita pa kita." pigil hiningang seryoso kong sabi at yumuko dahil baka tumulo ang luha ko. Ayokong makita niya na maiiyak ako dahil baka pigilan niya pa ako lalo.
Please. Blake, bitiwan mo na ako dahil kapag kasama pa kita nasasaktan lang ako lalo. Mabuti ng ganito. Hindi na namin makikita pa ang isa't-isa. Malilimutan na naming ng tuluyan ang isa't-isa.
"P-please, Mj. Don't leave me alone." bumasag ang boses niya. Tumalikod na ako sa kanya hawak ang mga maleta ko at bag at humakbang ako ng isang beses pero napatigil ako sa gulat at natulala ako sa ginawa niya.
Niyakap niya ako sa likod ang mukha namin ang lapit na sa isa't-isa ngayon nakapatong ang ulo niya sa balikat ko.. Bumilis ang pagtibok ng puso ko sa ginawa niya. Hindi ako makagalaw sa gulat pa rin. Ang init ng katawan niyang nakayakap sa akin.
"C-can you let me hug you for the first and last time?" hikbi niyang tanong habang yakap ako galing sa likod. Humigpit ang pagkakayakap niya na para bang hindi niya ako kayang bitawan. Para bang ayaw niyang umalis ako.
Konting-konti na lang iiyak na din ako pero pilit kong pinipigilan. Ayokong makita niyang umiiyak din ako. Na nasasaktan din ako sa gagawin ko. Hinayaan ko siyang yumakap sa akin dahil gusto ko din ang ginawa niya. Gusto ko din to gawin sa kanya na mayakap siya ng mahigpit at para iparamdam sa kanya na nandito lang ako at siya lang ang gusto. Bakit kasi napaka-unfair ng mundo?
"P-please, tell me honestly. Do you really want to go?" utal niyang tanong tumango ako bilang sagot.
Tumagal ng mahigit isang oras ang pagyakap niya sa akin dahil ang tagal bago niya ko bitawan at ilang sandali lang naramdaman kong lumuwag ang pagyakap niya kumalas na siya at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinaharap niya ako sa kanya tiningnan ko siya. Hindi ako makapaniwala sa mukha niya ngayon. Patuloy sa pagdaloy ang luha niya na para bang ayaw tumigil.
"K-kung anong gusto mong gawin rerespetuhin ko. Kahit masakit titiisin ko para sayo. Kung gusto mo talagang umalis na dito sa bahay papayagan kita wala akong problema dun pero wag naman ganito oh. Hindi ko to kakayanin. Please, naman oh. Wag ganto. Ayoko nito." sabi niya habang basag ang boses.
BINABASA MO ANG
100 Days with My Badboy Crush (Completed)
Teen FictionWhat if magkasama ang dalawang tao sa iisang bubong na hindi man lang magkakilala. Paano kung malaman ng lalaki na may gusto sa kanya ang babae. Ano ang kanyang gagawin? May mabuo ba na love sa pagitan nila o matapos ang 100 days na hindi man lang m...