Chapter 68: He said Sorry

31 3 0
                                    

Mhica


Anong nangyayari? Paano? Bakit? Bakit nakita ko siya sa labas ng kwarto ko? Bakit nandito siya ngayon sa bahay? Bakit nalaman niya na lang kung saan ako nakatira? Ang nakakagulat dahil tinutuo niya ang sinabi niya sa akin sa tawag na hahanapin niya ako at nahanap niya nga ako. Nakakainis.

Ang napakalaking tanong paano niya nalaman kung saan ako nakatira? Sina kuya, Matt at Gel lang naman ang may alam ng tirahan ko at wala ng iba. Sino ang nagsabi sa kanya? Nakakainis kung sino man ang nagsabi sa kanya.

Wala akong alam na nandito din ngayon sa bahay ang dalawang kambal kong pinsan. Anong trip nila ngayon? Bakit iniwan nila ang pinsan namin sa Cebu para umuwi dito? Ewan ko sa kanilang dalawa. I feel like they're hiding something that they know already. Hay. Ano ba ang iniisip ko tungkol sa kanila?

Anong gagawin ko ngayon? Bakit kasi siya pumunta dito sa bahay? Mr. Cold paano mo ba nahanap kung nasaan ako? Nakakainis bakit kasi niya ko hinanap pa? Alam naman niyang ayaw ko siyang makita at makausap pero nandito pa siya mismo sa bahay ko. Teka, base sa sinabi niyang sagot sa akin kanina sa harap ng pinto ko ay parang nag-aalala siya eh. Ang seryoso niyang magsalita. Baka naman guni-guni ko lang. Ang tanga ko din eh. Nagmomove-on na nga ako kung ano-ano pa ang iniisip ko.

Isa pa hindi ko makakalimutan ang ginawa kong nakakahiya sa harap niya mismo kanina. Nakakainis na sarili to. Bakit hindi ko muna tiningnan ang ayos ko bago ko buksan ang pinto? Nakakahiya. Most embarrassing moment in my life as harapan niya pa. Nakakainis. Ano ba kasi ang ginagawa niya sa labas ng kwarto ko? Nakakainis siya at naiinis din ako sa sarili ko. Nakakahiya talaga isipin.

Bakit yun pa ang suot ko? Sino ang nagpasuot sa akin nun? Hay, baka si mama dahil siya ang palaging nagpapabihis sa akin kapag ganito ang sitwasyon at isa pa hindi ko napansin na yun ang damit ko dahil sa sunod sunod na katok na ginawa niya. Akala ko sina kuya ang kumakatok pero ang siya pala na hindi ko din inaasahan. Nakakainis at nakakahiya sinabunot ko ang buhok sa inis.

Nakakahiya kapag sina kuya ang nakakita sa akin nun kanina pero mas nakakahiya kay Kyle. Bakit siya pa ang nakakita? Ang sarap magmura. Hay. Nakakainis na sarili at naiinis din ako sa kanya. Bakit kasi manipis ang sando na pinasuot sa akin ni Mama? Nakakahiya talaga gusto kong maiyak sa kahihiyan at idagdag pa ang pajama kong manipis din nakakahiya talaga isipin lahat. Kahit gusto kong sumigaw pero hindi pwede dahil maririnig nila ako sa baba at ayokong pumunta silang lahat dito sa kwarto ko. Nakakainis.

Kanina nung kumatok si Kyle ay nakahiga ako kaya siyempre binuksan ko agad ang pinto na hindi man lang tinitingnan ang sarili ko gulong-gulo pa ang buhok ko at ang baho ko pa dahil ilang araw akong hindi nakapaligo at nung sinabi ni Kyle na palitan ko ang suot ko ay nagulat ako at nakakahiya dahil nakita niya wala pa akong bra nun at manipis ang sando ko edi nakita niya talaga nakakahiya talaga kaya dali-dali akong nagbihis ng maayos na damit at lumabas ng kwarto ko pero nandun pa rin siya nakatayo sa labas ng pinto pagbukas ko.

Bakit hindi pa siya umaalis? Pilit kong winaksi ang kahihiyan na nararamdaman ko sa harap niya kanina at biglang sinabi ang hindi ko maintindihan at bumaba ako sa baba at nakita ko silang lahat sina kuya at yung kambal kong pinsan.

Please, I don't want to see you sick again. Anong nangyayari sa kanya? Bakit niya yun sinabi?

Hinawakan niya ang noo ko kanina kahit hanggang ngayon naramdaman ko pa rin ang pagdampi ng kanang kamay niya sa noo ko. Hay, malala na talaga to. Nagulat ako sa ginawa niya at mas lalo pa akong nagulat dahil hinawakan niya ako sa bewang at sinalo dahil nawalan ako ng balanse sa gulat ko sa ginawa niyang sa paghawak sa noo ko. Ayoko man isipin ulit to pero kasi first time niyang gawin yun lahat kaya nakakagulat.

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon