Mhica's Pov
Umaga na naman at kailangan ko naman gisingin ang crush kong cold guy dapat ngayon pa lang gumawa na ako ng paraan para gumising siya ng maaga.
Nilakasan ko ang pagkatok.
Binuksan niya ang pinto.
Nakita ko ang mukha niyang parang mangangain ng tao gulo-gulo ang buhok niya pero ang guwapo niya pa din ganito pala siya kapag bagong gising."Ano ba! Bakit ka ba nambubulabog ng tulog?" cold niyang tanong at masamang nakatingin sa akin
Hindi niya ako matatakot sa mga tingin niya.
"Kasi naman po umaga na at kailangan niyo ng gumising at baka ma-late na naman kayo katulad ng ginawa niyo kahapon" mahinahong sabi ko
"Ano bang pakialam mo? Puwede ba wag mo akong guluhin. Naiinis na ako sayong babae ka" cold niyang sabi
"Mr. Smith! Naiinis na din ako sayo. May pakialam ako dahil inutusan ako ng dad mo na madisiplina ka ginagawa ko lang kung ano ang sinabi niya. Sa ginagawa mo ngayon paano ka matututo maging responsable?" tanong ko sa kanya
Inuubos niya ang pasensya ko.
"Tsk. Hindi ko kailangan ng disiplina mo" cold niyang sabi
"Sa ayaw mo man o sa gusto wala kang magawa kaya pumasok kana sa c.r at maligo" sabi ko
Kinaladkad ko siya papunta sa C.R.
"Teka. Ano ba ang ginagawa mo?" cold niyang tanong
"Wag ka ng matulog maligo ka at dapat nakabihis ka na din dahil kong hindi makakatikim ka talaga sa akin" sabi ko at umalis
Nagtungo ako sa kitchen at nagluto ng almusal pagkatapos kong magluto nilagay ko nasa mesa umupo na ako.
Ilang minuto pa ay nakita ko na siya papunta dito mabuti naman dahil sinunod niya ang sinabi ko naligo na siya at naka-uniform na din.
Natawa na lang ako sa isip ko.
Takot din pala siyang mabatukan.
Napangiti ako.
"Umupo kana at kumain" sabi ko
Hindi siya sumagot umupo na lang siya at kumain nagsimula na din akong kumain tahimik lang kami pagkatapos namin kumain lumabas kami pumunta siya sa kotse niya.
Sumunod ako sa kanya hahawakan ko na sana ang pinto ng kotse niya ng magsalita siya
"Anong ginagawa mo?" cold niyang tanong
"Papasok sa kotse mo" sagot ko
"At sa tingin mo papayag ako? Ang suwerte mo naman kung ganun. Wala kang karapatan na sumakay sa kotse ko. Tumabi ka nga diyan" cold niyang sabi
Tinulak niya ko ng mahina at pumasok siya sa kotse niya at magmaneho paalis.
Naku naman talaga ang cold-hearted na lalaki na yun.
Sumakay na lang ako ng taxi at nandito na ako sa university bumaba na ako sa taxi at pumunta ng classroom.
Pagpasok ko nakita ko agad ang cold-hearted na lalaki na yun nakaupo na siya sa upuan niya at as usual nakaheadset.
Hindi obvious na mahilig siya sa headset.
Umupo na din ko sa upuan ko hindi ko na lang pinansin ang lalaking yun kahit crush ko pa yun. Nakita ko naman si gel busy sa pagsusulat
Ano ba ang sinususulat niya?
Hindi na niya ako napansin
"Hoy!" sigaw ko
BINABASA MO ANG
100 Days with My Badboy Crush (Completed)
Teen FictionWhat if magkasama ang dalawang tao sa iisang bubong na hindi man lang magkakilala. Paano kung malaman ng lalaki na may gusto sa kanya ang babae. Ano ang kanyang gagawin? May mabuo ba na love sa pagitan nila o matapos ang 100 days na hindi man lang m...