Mhica's Pov
Nakakahiya talaga nahuli pa ako ni Kyle pero ang ganda ng boses niya.
"Mhics, tara sa cafeteria nagugutom na ko" sabi ni Gel
"As always, parati kana lang nagugutom" sabi ko sa kanya. Inirapan niya ako at nauna ng maglakad kahit kailan talaga napakatampuhin niya kaya tumakbo ako papunta sa kanya.
"Ito naman joke lang yun. Peace na tayo" ngiting sabi ko ngumiti naman siya at tumango
"Pero totoo talaga ang sinabi ko. HAHAHAHAHAHA!" sabi ko sa kanya na natatawa at tumakbo na ako sa cafeteria nakita ko naman ang mukha niya na inis na inis siya. Bumili na ako binilhan ko rin siya matakaw pa naman ang babaeng yun. Umupo na ako sa bakanteng mesa dito sa cafeteria at nilapag ang mga dala ko. Nakita ko si Gel na pumasok sa cafeteria tinawag ko siya.
"Gel!" sigaw ko napatingin naman ang mga tao sa akin. Nakakahiya. Nag-peace sign lang ako sa kanila tumingin naman sa akin si Gel sinenyasan ko siya na lumapit ng makalapit na siya ay umupo siya agad sa kaharap kong upuan bakas pa rin sa mukha niya ang inis.
"Gel, binilhan na rin kita" sabi ko. Hindi naman siya nagsalita pero nagsimula na siyang kumain kaya kumain na rin ako.
"Gel, naiinis ka pa rin ba sa a—"
Pinutol niya ang sasabihin ko.
"Wag kang mag-alala hindi na ako naiinis sayo at salamat pala sa pagkain" sabi niya ng nakangiti. Sabi ko na nga ba basta pagkain lang ang pag-uusapan magbabati kami agad ngumiti lang ako.
"Gel, nagpakilala nga pala ako kanina kay Kyle" sabi ko. Nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Oh, tapos?" tanong niya habang kumakain
"Pinansin naman niya ako kaya lang ang sabi niya ay 'he's not interested" sabi ko bigla namang siyang humagalpak ng tawa.
"Pffttt. HAHAHAHAHAHAHAHAHA HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Ano naman ang nakakatawa sa sinabi ko? Baliw na ba siya? Binatukan ko siya ng malakas para tumigil napapatingin na ang ibang estudyante sa kanya. Akala siguro nila baliw na siya.
"Aray ko naman ang sakit ah. Bakit ka naman nambabatok?" tanong niya at nagtatanong pa siya?
"Baliw kana ba? Ano ba ang nakakatawa sa sinabi ko?" inis kong tanong sa kanya. Tatawa na naman sana siya ng pandilatan ko siya ng mata.
"It was hilarious. Nakakatawa ka talaga Mhics, kasi naman biruin mo hindi interesado sayo ang crush mo HAHAHAHAHA!" sabi niya ng natatawa at ano naman ang nakakatawa dun? Bored akong tumingin sa kanya.
"Mhics, payong kaibigan lang ha. Yan na ang sign para tumigil kana sa pagkagusto kay Kyle at isa pa Mhics, maganda ka. Marami naman ang nanliligaw sayo kagaya ng kaklase natin na si Andrew na nagtapat ng feelings niya sayo dahil may gusto siya sayo pero binasted mo lang. Kaya kung ako sayo itigil mo na yan hindi ka papansinin nun at humanap ka naman ng matino hindi kagaya ni Kyle na maraming gulong pinapasukan" mahabang sabi niya. Napaisip naman ako sa sinabi niya may point naman siya pero hindi ko talaga gusto si Andrew.
"Gel, anong sign na ititigil ko na ang pagkagusto kay Kyle ang pinagsasabi mo? Kung sign na yun sign na siguro yun na unti-unti na niya ako mapapansin at isa pa wala akong gusto kay Andrew. Eh, ano naman kung hindi matino si Kyle? Guwapo naman. Siya kaya ang ideal man ko" sabi ko ng nakangiti. Napangiwi naman siya.
"Mhics, naman hindi nga interesado sayo ang tao. Ano pa ang gagawin mo? Edi, mag move-on ka na lang at humanap ng iba. Tama ka nga guwapo nga siya basag ulo naman" sabi niya at umiling-iling
"Ayokong magmove on. Ito na ang simula ng lovestory namin. Kakalimutan ko lang ba siya ng basta basta na lang? Ayoko" sabi ko bumuntong-hininga na lang siya.
"Sige, kung yan ang gusto mo pero may dare ako sayo" sabi niya napakunot-noo ako.
"At ano naman yun?" tanong ko
"Kung kakausapin ka niya ng hindi ikaw ang unang kakausap sa kanya ay hindi na ako mangingialam sayo na gustuhin siya. Pero may malaking pero, kung hindi ka niya kinausap ay ititigil muna ang pagkagusto mo sa kanya at kapag may nanligaw ulit sayo hindi mo na iba-basted. Deal?" tanong niya. Napaisip ako sa sinabi niya.
"Kailan naman ang dare mo?" tanong ko sa kanya
"Isang linggo lang ang ibibigay ko sa iyo para kausapin ka niya at magsisimula bukas ang dare mo. Oh, ano deal?" sagot niya
"Pero kung kinausap niya ako ay ililibre mo ako dito sa cafeteria ng kahit anong gusto ko at isang linggo din" sabi ko
"Okay. Deal?" tanong niya
"Deal." sabi ko at nagshake hands kaming dalawa.
"Alam kong mapapansin niya rin ako at kakausapin" sabi ko
"Impossible ang sinasabi mo" sabi niya
"Posible yun at magagawa ko to" sabi ko. Nagkibit balikat lang siya.
Sana magawa ko. Inaamin ko na medyo mahirap pero para sa kanya gagawin ko ang lahat at para malibre na rin ako ni Gel. Magagawa ko to.
Uwian na kaya lumabas na kami nag-commute na kami sumakay kami ng bus naunang bumaba sa akin si Gel.
"Una na ako sayo, Mhics" sabi niya
"Sige. Bye" sabi ko
"Ingat. Bye" sabi niya kumaway ako kumaway din siya nakababa na din ako at pumasok na ng bahay.
"Mama!" sabi ko kay Mama at humalik sa pisngi niya.
"Hija, kamusta?" tanong ni Mama
"Okay, lang naman po" sagot ko
"Nagugutom kana ba?" tanong ni Mama
"Hindi po kumain na po ako kanina magpapahinga na lang po ako" sabi ko tumango naman si Mama
"Hi, bunso" sabi ni kuya Drake. Tatlo kaming magkakapatid dalawang lalaki at ako ang nag-iisang babae si kuya Drake ang panganay sumunod naman sa kanya ay si kuya Bryan at ako ang panghuli hindi ko siya pinansin tiningnan ko lang siya at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
"Bakit hindi namamansin si bunso? May nangyari ba?" tanong niya
"Wala lang po ako sa mood kuya" sabi ko pumasok na ako sa kuwarto ko nagbihis na ako ng pambahay at humiga sa kama ko. Nagsinungaling ako kay Mama. Ang totoo ay wala akong ganang kumain iniisip ko pa rin ang dare ni Gel. Magagawa ko ba? Pero may tiwala naman ako sa sarili ko kayang-kaya ko to. Ako pa? Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.
--------
Enjoy reading! ^‿^
BINABASA MO ANG
100 Days with My Badboy Crush (Completed)
Teen FictionWhat if magkasama ang dalawang tao sa iisang bubong na hindi man lang magkakilala. Paano kung malaman ng lalaki na may gusto sa kanya ang babae. Ano ang kanyang gagawin? May mabuo ba na love sa pagitan nila o matapos ang 100 days na hindi man lang m...