Chapter 77: The Changed

19 2 0
                                    

Kyle


I won't believe her and I will never believe her. The way she said those words in front of me it's hurt me so bad. Ang sakit maramdaman ng mga salitang binitawan niya na galing mismo sa kanya. Ngayon alam ko na. Ganito siguro kasakit ang nararamdaman niya kapag sinasaktan ko siya. I really regret doing all those things I did to her. I regret it.

Ganito siguro kasakit ang nararamdaman niya kapag sinasaktan ko siya sa pamamagitan ng pagsigaw ko at pagtulak ko sa kanya ng ilang beses. Sa mga masasakit na salitang binitawan ko sa kanya. Nagsisisi ako ng lubos. Nagkaroon na ako ng pag-asa dahil nakilala ko siya ulit sa loob ng halos apat na taon na nagkahiwalay kami. Pero ang pag-asa na meron ako biglang naglaho ng itanggi niya na kilala niya ako. Yung pakiramdam na naalala ko siya pero hindi niya ako naaalala. Yung kilala ko siya pero ako hindi niya kilala. Ang sakit maramdaman nun.

Ang sakit lang dahil binaniwala niya ako. Ang sakit lang dahil tinanggi niyang kilala niya ako noon. Ang sakit lang dahil parang nakalimutan na niya yung dating pinagsamahan namin noong mga bata pa kami. Ang g*go ko eh. Bakit ako nagrereklamo ngayon? Sino ba ang may kasalanan ng lahat ng to? Walang ibang sisisihin kundi ako at ako lang.

Hindi ako naniniwala na hindi niya ako kilala dahil nakikita ko sa mga mata niya na hindi siya nagsasabi ng totoo. Iba ang sinasabi ng mata niya kesa sa sinasabi ng bibig niya. Iba ang lumalabas na salita mula sa kanya. Kailan ko ba siya pinaniwalaan sa kasinungalingan niya? Kahit anong sabihin niya hindi ko siya paniniwalaan.

Naramdaman ko na iba ulit ang pakikitungo niya sa akin ng magising siya sa hospital. Parang yung dating ako. Isang tanong isang sagot lang siya sa akin. Kaya nga nakaramdam agad ako ng mali. Mali na naman sa kinikilos niya.

I missed her. Yes, I admit that I really missed her so much. When those memories when we we're in elementary days is such a wholesome to remember it again. How come I forgot those treasure memories of mine? How stupid I am. I'm self centered back then. Now I believe that regrets are always in the end. So, here I am. I regret everything I done to her. This is all my fault.

Sino ba ang nang-iwan sa kanya noon? Sino ba ang taong walang ginawa para hanapin siya? Sino ba ang walang kwentang tao para kalimutan siya? Sino ba ang nakalimot sa kanya dahil nakahanap lang ng ibang babae? F*ck my self for being self centered. Nakakainis. Nakakag*go. Sino ba ang g*go sa buhay niya? Ako!

Nang makarating kami sa bahay nila agad siyang inalalayan ni Matthew pababa at pinaupo ulit sa wheelchair at pumasok sila sa loob ng bahay habang ako nakatayo sa labas ng sasakyan na nakatingin lang sa kanila. Hindi nga siya tumingin sa akin ng pumasok siya sa bahay nila.

Nakaupo ako sa sofa sa loob ng bahay nila dahil pinilit ako ni tita at tito na pumasok. Habang ang dalawa nasa kawarto na ni Mj. Naghintay ako ng halos isang oras hindi lumabas si Matthew sa loob ng kwarto niya. Tsk. Hindi na siya lalabas dun.

"Kyle hijo, intindihin mo na lang si Mj." sabi ni tito Arnold tumango lang ako at ngumiti ng konti. Nakapalibot silang lahat na nakaupo habang ako sa gitna at sa akin sila nakatingin.

"Hijo, pagpasensyahan mo na kung hindi ka niya naalala kanina. Makakalimutin lang siya minsan kaya ikaw na ang umintindi at maraming salamat dahil nahanap mo siya agad kung hindi dahil sayo baka ngayon hindi pa namin siya nahanap. Salamat talaga hijo." sabi ni tita Bea na parang luluha na naman ulit.

"Wala pong anuman, tita."

"Ma, naniwala naman po kayo kay Mj na hindi niya kilala si Kyle?"

"Drake, heto ka na naman eh. Pwede ba kung ano man ang gusto ng kapatid mo. Hindi ba pwede na hayaan mo muna siya? Wala tayong alam kung ano ang napagdaanan niya sa mga babaeng may kagagawan nito sa kanya. Baka nga na trauma si Mj sa nangyari sa kanya kaya nga ngayon wag kayong aalis sa tabi niya at bantayan niyo siya ng maigi at kung may makita man kayong kakaiba sa kilos niya." sabi ni tito napatango ako

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon