Chapter 86: Necklace

7 2 0
                                    

Mhica


Humingi ako ng ilang ulit na sorry kay Matt dahil sa ginawa ko at sa aksidenteng nangyari na paghalik ko sa pisngi niya. Hindi naman yun sadya eh. Nakakahiya talaga ang ginawa ko. Nginitian lang ako ni Matt at ayos lang daw pero sa akin hindi yun okay. May chocolate cake na handa para sa akin. Nagpasalamat ako sa lahat na nagbati sa akin at pumunta ngayon sa pagbabalik ko at kainan na ulit.

Mabuti na lang nawala sa isipan ng lahat ang nangyari at hindi na pinag-usapan. Pagkatapos ng thank you speech ko sa lahat ay pinuntahan agad ako ni CJ.

"Welcome again because you're finally home MJ. Parang kailan lang nung umalis ka pero ngayon tingnan mo nga naman nandito kana ulit. Mabilis lang ang panahon. Anyway, susundan ko lang ang pinsan ko MJ para hindi kana masyadong mag-alala diyan" sabi niya

"Huh?"

"You can't fake your feelings and you're emotions. Ako na ang bahala sa pinsan ko, okay? Mag-enjoy kana lang muna dito sa welcome party mo at wag na mag-isip ng kung ano. Kakausapin sana kita ngayon eh pero mas kailangan ko muna siyang unahin at sa susunod na lang tayo mag-usap" sabi niya at agad na umalis hindi niya man lang ako pinagsalita

Si CJ lang ang sumunod sa kanya umalis dahil sina Jake at Stephen hindi nila maiwan ang mga girlfriend nila dito samantala si CJ next week pa darating ang girlfriend niyang si Kayezheiah at sa darating na birthday ko ay kompleto na kaming lahat.

Hindi na nga siya bumalik sa bahay hanggang sa gumabi na hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hinahanap ko pa siya at hinihintay na bumalik. Nung 8PM ay umalis na ang lahat ng nga bisita ang mga kaklase ko isa-isa ng nagsialisan kaya kami na lang ang natira sa bahay sina tita at tito ay umalis na kanina pa dahil may gagawin pa sila.

Kinabukasan ay nagulat ako dahil nakita ko siyang nasa kitchen at may niluluto na kung ano. Gulat na gulat ako kagigising ko lang at sabog pa ang mukha ko ng makita ko siyang nagluluto kasama sina kuya JayJay tatlo silang nagluluto. Dito natulog ang dalawang kambal kahapon.

Nang tumingin siya sa akin ay nginitian niya ako at dali-dali akong umakyat sa taas papunta ng kwarto at naligo ng mabilis at nagbihis ng up shoulder white top at black leather skirt at nagsuklay at naglagay ng konting pulbo at lipbalm. Bakit kasi siya nandito sa bahay? Napaayos agad ako ng wala sa oras. Nakakainis naman. Nakita niya akong nakapajama lang kanina at gulo-gulo pa ang buhok ko. Iinom sana ako ng tubig eh pero hindi natuloy. Ang aga-aga pa 8AM pa lang ng umaga. Ano naman ang gagawin niya dito?

"Kuya Vie, why his here early in the morning?" tanong ko ng pababa ako sa hagdan at ng dumaan si kuya. Huminto siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa at ngumisi.

"Sanay na kaming lahat na pumupunta siya dito at nagluluto ng kung anong gusto niya kaya dapat masanay ka din at wag ka ng magulat kapag makita mo siyang nandito sa bahay" sagot ni kuya

"What? Why? Wala ba siyang bahay?"

"Princess naman, ganyan ka ba trumato ng bisita? Nandito talaga siya araw-araw kahit hindi ka pa umuuwi. Teka, nga bakit naligo at nakabihis kana ngayon? Nakita mo lang siya nagmadali ka agad maligo. Ikaw ha" ngising sabi ni kuya inirapan ko siya

"Kuya, don't start ang aga-aga wag kang mang-inis. Hindi nakakatuwa."

Iniwan ko na si kuya Vie at pumunta sa dining table at kumuha ng baso at nilagyan ng tubig sa pitsel at uminom dahil uhaw na uhaw na ako ng biglang nabuga ko ang iniinom kong tubig dahil lumabas siya galing sa CR namin dito sa baba ng walang damit pang-itaas. Ang lakas ng loob niyang mag-topless dito na para bang wala ako.

Nabulunan pa ako ng dahil sa kanya sa biglang paglabas niya. Nakakagulat. Ang aga-aga at hindi pa ako nakaka-almusal ang topless niyang katawan ang una kong nakita. Ang laki na ng katawan niya ngayon bagay sa kanya at six packs abs pa rin. Pumupunta ba siya ng gym? Ano bang pakialam ko? Nanadya ba siya? Ubo na ako ng ubo sa tubig. Ang sakit sa lalamunan.

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon