Mhica
One month had passed and the pain are always the same everytime. The summer vacation are now over just like that. Ang bilis lumipas ng panahon. Ngayong taon ay first year college na ako parang kailan lang high school pa lang ako. Nagsimula na ang new school year kahapon hindi ako pumasok dahil ayoko pa. Ayoko kasi nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon. Yung pakiramdam na sariwa pa ang lahat sa isip at puso ko. Ang hirap-hirap tanggapin ng lahat pero ngayong araw ay papasok na ako."Mhics, my pretty best friend. Let's go?" tanong ni Gel ng pumasok siya sa kwarto ko nakaupo ako sa kama at nakabihis na ng uniform ganun din siya nakabihis na din siya. Hindi ako pumasok kahapon kaya hindi din siya pumasok. Sinamahan niya ako buong araw.
"Wala na ba talaga siya?" diretso kong tanong sa kanya na tahimik siya at nakatingin lang sa akin.
"Hindi na ba talaga kami sabay na papasok? Hindi ko na ba siya makikita ulit?"
"M-Mhics, kailan ba kita makikita na hindi nasasaktan ng sobra? Kailan ko ba yun makikita sayo? You been this before. You've sacrificing yourself to the man who doesn't like you back and now you're hurting because your best friend are not with us anymore. Kailan ka ba sasaya ng lubusan?" sabi niya at gumaralgal ang boses nilapitan niya ako at niyakap ng mahigpit
"Gustong-gusto na kitang makitang maging masaya" she said while started to cry kaya napaluha din ako at niyakap siya pabalik
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa aming dalawa at pinakalma muna namin ang mga sarili namin bago kami lumabas ng kwarto ko. Hindi ako sumagot sa huling sinabi ni Gel.
"Oh, bakit namamaga yang mga mata niyong dalawa?" kunot noong tanong ni kuya Bry ng makita kami ni Gel pababa ng hagdan
"Edi umiyak. Ano pa ba sa tingin mo kuya?" piloso kong tanong kay kuya.
Pilosopo na kung pilosopo I don't care anymore. Hindi ko pa silang lahat napapatawad. Hindi ko pa nga sila nakakausap tungkol sa problemang yun.
"Let's go?" Blake asked at pinuntahan ako at kinuha ang dala kong bag at siya ang nagdala. Kunot noo akong nakatingin sa kanya. Ano yun?
Wala akong nagawa kundi ang sumakay sa kotse niya dahil pinagtulakan ako ni Gel papasok sa front seat ng kotse ni Blake. Nakakainis na babaeng yun. Tahimik kami pareho habang nasa byahe at hanggang dumating na kami sa university niya. Nauna akong lumabas ng kotse niya ilang sandali lang sumabay na siya sa akin sa paglalakad kahit bilisan ko pa naabutan niya pa rin ako sa haba ng binti niya kesa sa akin. Nasa kanya ang white shoulder bag ko. Siya ang nagdadala sa kanang balikat niya sa kaliwa ang black bag niya. Hindi ko na siya pinuna pa dahil hindi niya din naman ibibigay ang bag ko.
"Girl, hindi ba sila yung arranged marriage? Yung anak ng may-ari ng school natin" rinig kong bulong ng isang babae sa kasama niya at sabay turo sa amin kaya napahinto ako sa paglalakad. Napahinto din si Blake sa paglalakad at tiningnan ako.
"Oo nga, sila yun. Sina Kyle at Mhica yan. Biruin niyo ha naging sikat silang dalawa dahil sa engaged announcement ng Dean natin"
"Swerte ng Mhica na yan. Nakasungkit ba naman ng anak ng owner ng school natin ang mapapangasawa? She's the one lucky girl"
"Hindi. Ang sabihin mo napagtiyagaan niya ang ugali ng Kyle na yan. Basagulero kaya yan last year kung natatandaan mo pa"
"Please, MJ. Don't mind them." seryosong sabi niya at tinakpan ng dalawang kamay niya ang magkabilang tenga ko para lang hindi ko marinig ang mga bulungan tungkol sa amin pero dahil sa ginawa niya mas dumami ang napapansin sa amin at sa amin na ang lahat nakatingin.
BINABASA MO ANG
100 Days with My Badboy Crush (Completed)
Teen FictionWhat if magkasama ang dalawang tao sa iisang bubong na hindi man lang magkakilala. Paano kung malaman ng lalaki na may gusto sa kanya ang babae. Ano ang kanyang gagawin? May mabuo ba na love sa pagitan nila o matapos ang 100 days na hindi man lang m...