Mhica
Kinabukasan ay masaya ako dahil nandito si Matt ngayon sa bahay hindi tulad kahapon na wala akong gana buong araw. Ginising ako ni kuya Cee kaya nagmamadali akong maligo at magbihis ng black denim short at white spaghetti strap dahil mainit naman at pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba ako sa baba at naabutan ko si Matt kausap ni kuya Vie.Nalaman kong wala siya ngayong umaga hindi siya pumunta kaya napahinga ako ng maluwag at mas mabuti yun dahil wala siya. Awkward lang kapag nandito siya kumain kami ng breakfast ng wala siya kung tahimik ako pagkatapos kumain kahapon ay iba na ngayon ang daldal ko na at tumatawa pa ako dahil kay Matt dahil sa pangungulit ko sa kanya. Mas komportable pa akong kasama si Matt sa isang bubong kesa sa kanya dahil mas close kami ni Matt at ang tagal na ng pinagsamahan namin kumpara sa kanya.
So what if he is my first crush and first love? Wala naman siyang nagawa.para mapangiti ako ngayon hindi tulad ni Matt na palaging nariyan sa up and downs ko mas inintindi niya pa ako lalo at hindi iniwan kaya malaki ang pasasalamat ko dahil dumating siya sa buhay ko. Magkaibigan kami at kalaunan ay nagtapat siya ng nararamdaman niya para sa akin pero binasted ko lang. Tinanggihan ko dahil hindi siya ang taong tinitibok nitong lintik kong puso.
Mas pinili ko pa ang taong dahilan kung bakit ako umiiyak madalas at kung bakit ako sinasaktan at nasasaktan. Sinaktan ko siya pero nandito pa rin siya sa tabi ko kahit umayaw o tinanggihan ko siya. Nanatili pa rin siya sa tabi ko at hindi ako iniwan kailanman at hindi ako sinaktan sa halip pinapangiti pa ako madalas. Do I deserve someone like him as my bestfriend?
Nasa living room kaming dalawa sumabay sa amin si kuya Bry sa kwentuhan namin at sina kuya JayJay at kuya Drake ay umalis na para sa trabaho nila kanina kaya si kuya Bry at kami na lang ang naiwan nang iwan kami ni kuya ay nagkaroon kami ng oras para mag-usap.
"Matt, can I ask something?"
"Yes, you may. What is it?"
"Do you not regret that I am you're first crush and first love? Hindi ka ba talaga nagsisi na nakilala ako?" seryosong tanong ko ngumiti lang siya at ginulo ng bahagya ang buhok ko at binalik din sa pagkakaayos.
"No. Not even once and I never think of that Mhie. But you still ask then I must answer your questions honestly" nakangiti niya pang sabi
"Nagsisisi? Saan naman? Hindi pumasok sa isip ko ang salitang yan at hindi ko kailanman naisip na nagsisi akong makilala kita kaya nagtataka ako ngayon kung bakit natanong mo yan. Ikaw ang swerteng dumating sa buhay ko at hindi ko yun ipagpapalit kahit kanino. You're the best person came to my life and your the only person I want to love until my last breath" seryosong sabi niya at ngumiti
"Matt, naman eh. Mas lalo akong nagi-guilty dahil hindi ko man lang maibalik ang mga nagawa mong tulong at mabuti para sa akin. I'm really really sorry. I really don't deserve you. Hindi ko nga magawa na ibalik sayo o tugunan ang nararamdaman mo para sa akin. I'm sorry."
"Hey, what are you sorry for? I said it's alright and I really understand you Mhie. We already talked about this, right? Don't be sorry you do nothing wrong. It was me who fallen for you deeply. Kahit isang beses hindi ko inisip na magsisi dahil ikaw ang minahal ko at patuloy kong mamahalin" seryosong sabi niya
Iiyak na naman ba ako dahil ako ang nasasaktan para sa kanya? How can he be so selfless? Bakit ako? Hindi ko siya deserve. May mas deserving para sa kanya at hindi ako yun dahil hindi ko kailanman masusuklian ang pagmamahal niya.
"Wala kang kasalanan Mhie. You don't have to be sorry and guilty for me. So please itigil mo na ang pagsisisi mo sa sarili mo dahil lang sa akin. Ayokong makita kitang nasasaktan dahil sa akin. Ayokong sinisisi mo ang sarili mo hanggang ngayon. I'm okay with this. Hayaan mo lang akong makasama kita ng matagal ng ganito. Masayang-masaya na ako dun" sabi niya at ngumiti
BINABASA MO ANG
100 Days with My Badboy Crush (Completed)
Teen FictionWhat if magkasama ang dalawang tao sa iisang bubong na hindi man lang magkakilala. Paano kung malaman ng lalaki na may gusto sa kanya ang babae. Ano ang kanyang gagawin? May mabuo ba na love sa pagitan nila o matapos ang 100 days na hindi man lang m...