Kyle's Pov
Bakit kaya wala ang desperate girl na yun?Tsk.
Bakit ko ba siya naiisip? Tsk.
Nandito ako sa mansion kasama ang mga kaibigan ko hindi ko naman sila tinawagan pero ito nandito na naman manggugulo na naman sila dito.
"Bakit ba kayo nandito?"
"Bakit bawal ba?" tanong ni Stephen
"Hindi pero nagtanong ako at tanong din ang isasagot mo"
"Bakit, bro hindi mo na ba kami love?" tanong ni Jake at nagpout pa.
Tsk.
"Hindi" agad kong sagot umarte naman siya na naiiyak.
Tsk.
"Bro. Steph, hindi pala tayo love ni Kyle ang mabuti pa umalis na lang tayo" sabi niya
Tsk.
"Puwede ba tigilan mo na yan"
Pero ang siraulo nilakasan pa ang pag-arte na naiiyak hindi na natiis ni Stephen ang kalokohan na naman ni Jake kaya binatukan niya ng malakas.
"Aray! Bakit ka naman nambabatok? Ang sakit ah" pout niyang sabi
Tsk.
Too childish.
At binatukan ko din siya nakakairita ang mukha niya.
"Puwede ba? Tumahimik ka ang ingay mo" inis na sabi sa kanya ni Stephen
"Bakit mo naman ako binatukan, Kyle?" tanong niya ngumisi lang ako.
"Una ang ingay mo. Pangalawa wag kang magpout hindi bagay sayo. Pangatlo tumahimik ka"
Nainis naman siya sa sinabi ko.
Tsk.
"Edi tatahimik na. Tss" sabi niya at tumahimik nga siya.
"Good"
"Bro, bakit ka natulala kanina? Wag mong sabihin yung babae pa rin yun ang dahilan?" tanong ni Stephen. Tama ka siya naman talaga. Bakit niya alam?
Tsk.
"Siya nga bakit ba?" inis kong tanong
"Bro, ipakilala mo nga sa amin ang babaeng yan kung may oras ka para makilala na din namin siya" sabi niya
"Tsk. Sa tingin mo gagawin ko yun? Nag-iisip ka ba?"
Ako ang tipo ng tao na hindi nakikipagkilala kahit sino nagsimula lang ito ng iwan ako ni Chloe.
Noon naman ay may mga kaibigan ako at mabait hindi ganito ang ugali ko pero nagbago ako nung nakilala ko si Chloe ay mas naging masaya akong tao pero nung iwan niya ako doon na nagsimula ang pagbabago sa akin sa buong buhay ko. Hindi na ako lumalabas ng bahay nagkukulong na ako sa kuwarto ko halos hindi na ako malapitan nina Mom at Dad at hindi na din ako makakain ng maayos dahil sinasaktan ko ang lumalapit sa akin doon na ako natuto na makipag-away kaya binansagan ako na badboy.
Gusto ko ng away at gulo dahil doon ko nilalabas lahat ng galit sa loob ko lahat ng sakit na nararamdaman ko lahat ng gulo napasok ko na. Hindi na alam nina Mom at Dad ang gagawin sa akin pero sila naman ang dahilan ng lahag ng to. Ang pagbabago ko kung bakit ako naging basag ulo sina Mom at Dad ang dahilan kong bakit ako nagbago kasalan nila ang lahat.
"Edi sabihin muna lang sa amin ang pangalan niya para kami na lang ang maghahanap sa kanya para makita at makilala na namin siya" sabi niya
Tsk.
BINABASA MO ANG
100 Days with My Badboy Crush (Completed)
Teen FictionWhat if magkasama ang dalawang tao sa iisang bubong na hindi man lang magkakilala. Paano kung malaman ng lalaki na may gusto sa kanya ang babae. Ano ang kanyang gagawin? May mabuo ba na love sa pagitan nila o matapos ang 100 days na hindi man lang m...