Chapter 60: Last Day, Swimming Competition

38 4 1
                                    

Mhica

Lumabas na ako ng C.R pagkatapos kong magbihis pagkalabas ko hindi ko na nakita si Chloe baka lumabas na siya napatingin agad sa akin si Gel.

"Susuotin mo ba yan Mhics?" ngiting tanong niya

"Hindi at wag mo akong pilitin sa hindi ko gusto" sabi ko tumango naman siya

"Okay, sabi mo eh pero sayang dahil bagay na bagay yan sayo Mhics ang sexy mo diyan at ang puti-puti mo pa"

"Ayoko nga"

"Okay, ikaw ang masusunod. Mabuti na lang talaga kinunan kita ng picture suot ang swimsuit na yan" sabi niya. Hay, hindi pa rin siya titigil sa swimsuit.

"Lumabas na tayo, Gel" sabi ko tumango naman siya

"Anong ginawa ni Chloe dito?"

"Pupunta sana siya sa C.R kaya lang nandun ka pa sa loob kaya sa labas na lang siya" sagot niya tumango naman ako.

Nakakahiya kay Chloe binuksan ko na ang pinto at lumabas na kaming dalawa at pumunta kami sa dining table sabay kaming naglakad nakikita ko na ang mga likod nila ang iba nakaupo sa sofa ang iba sa upuan sa mesa naunang maglakad sa akin si Gel. Nakasalubong ko si Matt napatingin ako sa mga mata niya at nagkatitigan kami.

"Matt"

"Mhie"

Nagulat ako dahil sabay kaming nagsalita at tinawag niya pa rin ako sa nakasanayan niyang tawag sa akin.

"Matt, gusto sana kitang makausap" nakayukong sabi ko hiyang-hiya pa rin ako at nalulungkot at nagagalit sa sarili ko dahil sa ginawa ko sa kanya kagabi.

"Ang mabuti pa kumain ka muna naghanda ako ng sopas sa hungover mo. Mamaya na tayong mag-usap" sabi niya napatingala ako sa kanya at napatango.

Hindi ko malaman kong ano ang iniisip niya ngayon. Nakita kong maga ang mata niya kagaya sa akin umiyak nga siya. I'm really really sorry Matt parang gusto ko ulit umiyak dahil kay Matt nasaktan ko siya. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko dahil sa ginawa ko sa kanya sabay kaming naglakad at nandito na kami sa harapan nilang lahat napatingin naman silang lahat sa akin hindi ko nakita si Kyle napahinga naman ako ng maluwag kaharap ko si Gel katapat ko siya sa mesa hindi siya kumain tapos na siguro siya nasa cellphone niya siya nakatutok at bakante ang katabi kong upuan. Si Matt nasa sofa umupo at katapat ko din nakatingin siya sa akin umiwas na ako ng tingin sa kanya.

I'm really sorry, kasalan ko at totoong kasalan ko I'm really sorry Matt.

Nakita ko nga sa tabi ng pinggan ko ang isang mangkok at may laman ngang sopas at mainit pa. Niluto niya ba to para sa akin? Tiningnan ko si Matt na nakatingin pa rin pala siya sa akin.

"Thank you" sabi ko sa kanya ng walang boses tumango naman siya napangiti naman ako at nagsimula ng kumain inuna kong kinain ang sopas na niluto ni Matt para sa akin at ang sarap ng luto niya inubos ko ang sopas at kumain na ako ng kanin ang ulam ay adobong manok. This is one of my favorite at naubos ko ang pagkain ko sa harap ko pero nagugutom pa ako.

Bakit naman sobrang nagugutom ako? Hindi ko naman naramdaman to kanina habang kausap ko si Gel.

"Gel, bakit sobrang gutom ko naman ngayon?"

"Ewan ko sayo. Ay, oo nga pala hindi ka kumain ng hapunan kagabi" sabi niya tumango naman ako. Umalis sina Jake at Trishia sa mesa at pumunta sila sa sofa at doon umupo dalawa na lang kami ang nandito ni Gel sa mesa.

Oo nga naalala ko dahil sa kagagawan ni Kyle nawalan ako ng ganang kumain kagabi. He makes me jealous kaya ayon nawalan ako ng ganang kumain at dahil dun naiinis ako sa sarili ko. Kaya naman pala gutom na gutom ako ngayon gusto ko pang kumain kaya lang wala na talagang natira at wala ng ulam at wala na ding kanin.

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon