Chapter 47: Fourth day, Running, Competition for Girls

22 4 0
                                    

Mhica

Sana walang ma-aksidente sa kanila. Ayos lang na matalo kami kesa madisgrasya ang isa sa amin. Hindi na ulit ako lalagnatin dahil ayokong madamay na naman sa akin si Kyle at magalit siya sa akin. Marami na akong problema na dinadala sa kanila.

"Chloe, Good luck. Please, don't get hurt"

Napatingin ako kay Kyle magkaharap sila ni Chloe ngayon. Ang ganda talaga nilang tignan na dalawa they look good to each other. Ang suwerte ni Chloe dahil naging sila ni Kyle.

"Mhics, ikaw ang humawak nito kunan mo kami ng picture ha. Dahil wala ka namang gagawin ikaw ang magiging photographer" sabi ni Gel. Napatingin ako sa kanya binigay niya sa akin ang camera tatanggapin ko na sana ng kunin niya ulit.

"Teka, lang. Magtabi nga muna kayo ni Matthew, kukunan ko kayong dalawa ng picture" ngiting sabi niya. Mabilis namang tumabi sa akin si Matt.

"Okay, ngumiti kayo ha" Sinunod ko naman ang sinabi niya ngumiti ako.

"Wow, ang ganda ng kuha niyo"

"Teka, isa pa. Matthew, ano pang hinihintay mo? Pasko? Grab the chance na" ngiting sabi niya

Ano bang pinagsasabi niya? Bahagya akong nagulat dahil bigla akong inakbayan sa balikat ni Matt. Napatingin ako kay Matt nakangiti lang siya. Nagulat ako dahil biglang may flash ng ilaw kaya napapikit ako.

"Woah. Ang ganda niyong tingnan. Bagay kayo. Nakatingin ka kay Matthew, Mhics tapos si Matthew nakangiting nakatingin sayo. Wah!" sabi ni Gel. Kinunan niya na pala kami ng picture. Baka pangit ang kuha ko dun. Biglang lumapit si Matt sa akin.

"Mhie, this time I will take care of you. I will never leave your side and I will watch over you like a child" bulong niya at lumayo na siya sa akin. Kunot-noo ko siyang tiningnan ngumiti lang siya.

"Hawakan mo na, Mhics" sabi ni Gel sabay bigay sa akin ng camera

Nagsimula na ang laro nakalinya sila isa isa sa mga puwesto nila. Tinaas ko na ang camera para kunan sila ng litrato at tumakbo na sila isa-isa ng mabilis. Ang galing nila. Kami lang na students ng Diamond University ang nandito ngayon sa field ng Smith University. Sobrang rami kaming students at ang iingay dahil 20 sections kaming lahat sa Diamond University. Hindi ko na sila makita mula sa kinatatayuan ko ngayon. Tiningnan ko ang mga kuha ni Gel sa amin ni Matt kinunan niya pala kami nung bumulong si Matt sa akin. Ang cute. Bahagya akong nagulat dahil biglang hinawakan ni Matt ang kamay ko na nakahawak sa camera.

"Ganito ang tamang pagkakahawak ng camera, Mhie"

Nasa likod ko siya.

"Hello, Good Morning. Mhica, puwede ba kitang makausap?"

Napatingin ako sa nagsalita bahagya akong nagulat dahil nakita ko si Kiel. Binitawan na ako ni Matt at mabilis na nilagay niya ako sa likod niya nasa likod na ako ni Matt ngayon at napatingin ako sa kamay ko nakahawak siya sa kanang kamay ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Matt kay Kiel

"Si Mhica, ang gusto kong makausap"

Tumayo sina Jake, Stephen at Tristan dahil nakaupo sila sa mga upuan namin dito at pumunta sa gilid ni Matt nasa likod nilang apat ako hindi pa rin binitawan ni Matt ang kamay ko habang si Kyle nakaupo pa rin sa upuan niya at walang pakialam ang mukha niya.

"Hindi mo siya puwedeng makausap" sabi ni Stephen

"Bakit hindi?" tanong ni Kiel

"Hindi nga puwede" sabi ni Matt

"Mhica, puwede ba kitang makausap?"

Sasagot na sana ako.

"She will not talk to you starting from now on" cold na sabi ni Kyle

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon