Chapter 4: The Bad Boy

88 9 0
                                    

Kyle's Pov

Nagulat ako sa ginawa ng babaeng yun. Yumakap ba naman.

Anong karapatan niya?

Sino ba siya?

Baliw na ba siya?

Naiinis na talaga ako sa kanya dahil palagi na lang tumititig sa akin araw-araw at walang araw na hindi siya nakatingin sa akin kaya sa inis ko kinausap ko siya tapos bigla na lang niya ako niyakap nagulat ako kaya tinulak ko siya. Nung nagpakilala siya wala akong pakialam sa kanya.

Tsk.

Desperate girl.

"Oh, bro, anong mukha yan?" tanong sa akin ni Stephen kaibigan ko

"Wala, naiinis lang ako sa babaeng yun" cold kong sabi

"Wow. Bro, ngayon lang kita narinig na babae ang problema mo" sabi naman ni Jake at ngumisi pa

Tsk.

Hindi ko na sila kaklase dahil pina-tranfer ako ni Dad sa section na yun. Noon kaklase ko sila kaya lang may nagawa akong hindi maganda kaya pina-transfer nila ako lahat naman ng gagawin ko ay mali sa kanila at hindi maganda. Tsk

"So, what?" inis kong tanong

"Ano ba ang nangyari? At bakit ka naiinis sa kanya?" tanong ni Stephen

"Biruin niyo niyakap ba naman ako? Sa gulat ko tinulak ko siya. Tsk. Desperate" cold kong sabi

"Another wow bro, first time na may yumakap sayo" sabi ni Jake ngumisi pa rin siya kaya sa inis ko tinapon ko sa kanya ang unan na katabi ko sapul ang mukha niya.

Pagkatapos kong itulak ang babaeng yun ay umuwi na ako dito sa mansion nakaupo ako ngayon sa sofa at kaharap ko ang mga kaibigan ko tinawagan ko sila kanina pagkatapos ng nangyaring yun na pumunta dito dumating naman sila agad.

"Kanina ka pa" inis kong sabi sa kanya

"Bro, naman joke lang" sabi niya

"Hindi nakakatawa" cold kong sabi

"Bro, mukhang hindi naman tama ang ginawa mo" sabi ni Stephen

Sa aming tatlo si Stephen ay seryoso sa lahat ng bagay pero minsan ay sumasali rin sa kalokohan ni Jake. Si Jake naman ay makulit at parati kaming iniinis.

"Bagay lang yun sa kanya" cold kong sabi

"Bro, babae yun. Bakit mo pinatulan? Sa lakas mong manulak ay tiyak ako na masakit ang katawan niya babae yun bro. Bakit mo sinaktan?" seryosong tanong ni Stephen

"Wala akong pakialam sa kanya at ayaw ko sa babae alam niyo yun" cold kong sabi

"Bro, dahil pa rin ba to sa kanya? Wala na siya. Sana naman wag mong idamay ang ibang tao dahil lang sa kanya. Hindi ko aakalain na pati babae ay sasaktan mo" seryosong sabi ni Stephen

"Dahil nga sa kanya. Ano naman? Hindi ko naman sinasadya nagulat ako sa ginawa ng babaeng yun"

"Bro, iba-iba ang mga babae. Nang dahil lang sa kanya hindi ka na nakikihalubilo sa ibang babae. Iba na talaga ang tama mo sa kanya" seryosong sabi ni Stephen

"Wala akong pakialam sa ibang babae siya lang ang nag-iisa sa puso ko" cold kong sabi sasagot pa sana siya ng dumating sina Mom at Dad.

"Bro, mauna na kami" sabi ni Stephen tumango lang ako

"Tita. Tito, mauna na po kami" sabi ni Jake tumango lang si Dad

"Mag-iingat, kayo mga hijo" sabi Mom sa kanila tumango naman sila. Tumayo na ako at maglalakad na sana sa taas papunta ng kuwarto ko ng magsalita si Mom.

"Hijo, puwede ka bang makausap?"

"Hindi" cold kong sabi maglalakad na sana ako ng magsalita si Dad.

"Kyle Blake Smith sa ayaw o sa gusto mo kakausapin ka namin" seryosong sabi ni Dad napabuga na lang ako sa hangin.

"Ano?" walang gana at cold kong tanong

"Ano na naman ba ang na balitaan namin na may tinulak ka daw na babae at kaklase mo pa?" tanong ni Dad na galit na

Tsk.

Ang bilis naman talaga ng balita lahat na lang ng gagawin ko nalalaman nila agad.

Tsk.

"Paano niyo naman nalaman sinumbong ba ng babaeng yun?" inis kong tanong. Humanda talaga siya.

"Hindi siya ang nagsumbong hijo, sinabi ng mga kaklase mo sa Dad mo" sabi ni Mom

Tsk.

"Ano naman ang pakialam niyo?" cold kong tanong

Sila ang dahilan kong bakit ako nagkaganito nagrebelde ako sa kanila. Sila ang dahilan kong bakit ako hiniwalayan ng girlfriend ko simula nun hindi ko na sila kinausap ng matino. Because I hate them so much.

"Kyle, bakit ka ba nagkakaganyan? Kung kausapin mo kami parang hindi mo kami mga magulang" mahinahong sabi ni Mom. Alam kong pinipigilan lang ni Mom na pagtaasan ako ng boses.

"Alam niyo naman ang dahilan kong bakit ako nagkakaganito" walang emosyon kong sabi

"Kyle, dahil lang sa babaeng yun magkakaganyan ka na? Hindi siya bagay sayo hindi kayo para sa isa't-isa" seryosong sabi ni Dad

"Hindi kayo ang may alam kung ano ang bagay sa akin o hindi ng dahil sa inyo na wala siya ng dahil sa inyo nagkaganito na ako kasalan niyo to lahat" paiyak kong sabi sa kanila. Umiyak na ako dahil naalala ko ang ginawa nila hahawakan na sana ako ni Mom ng lumayo ako.

"Wag mo akong hawakan baka kung ano pa ang magawa ko" cold kong sabi at mabilis na umalis sa harapan nila.

"Kyle! Bumalik ka dito hindi pa tayo tapos mag-usap!" sigaw ni Dad

Tsk.

I don't care.

Pumasok ako sa kuwarto ko at ni-lock ang pinto pinunasan ko ang mga luha ko. Hindi na ako nagbihis dumapa na ako sa kama at pinikit ang mga mata inalala ko ang mga masasayang alaala namin ni Chloe.

I miss her so much.







--------

Enjoy reading! ^‿^

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon