Mhica
Umalis na ako dahil hindi ko na kaya ang nakikita ng dalawa kong mga mata ang mga tinginan nila ang mga ngitian nila sa isa't-isa. Ang pag-uusap nila na may kasamang mga n.giti sa labi ang pagtulong ni kyle na mabuksan ang bottled water ni chloe.
Ang pagbigay ni kyle ng panyo kay chloe ang pagyaya ni kyle kay chloe kumain at ang pagputol ni kyle kay chloe magsalita at sinabi ang sinabi din ni chloe na salita. Ang pagngiti ni Kyle kay Chloe ay nasasaktan na ako.
Ang mga ginagawa pa kaya nila? Lahat yan ay hindi ko na kaya pang tingnan nasasaktan ako si chloe lang ang makakagawa niyan sa kanya at ako ang walang magagawa nakakainggit si chloe dahil nagagawa niyang pangitiin si kyle na hindi ko man lang magawa.
Tanging si Chloe lang ang nakakapagpangiti kay Kyle kahit ang mga kaibigan niya ay hindi niya magawang ngitian nung hindi pa dumating si chloe parati siyang cold sa mga kaibigan niya.
Pero nung dumating na si Chloe ay dun lang siya kauna-unahang ngumiti na first time kong makita pero sa akin cold pa rin siya pero sa kanila hindi na mabuti na din yun na hindi na siya cold magsalita sa iba kahit tipid pero formal naman siya.
Kapag nakita ko sila na nakangiti at nag-uusap sa isa't-isa ang tanging gagawin ko na lang ang umiwas ng tingin sa kanila at kung hindi maiwasan ay pipikit na lang ako yan lang ang magagawa ko para hindi na ako masyadong masaktan pa. Tatanggapin ko na lang na ito na talaga ang kapalaran ko.
"Mhica? Lumuluha ka ba?" tanong sa akin ni Trishia. Naguguluhan ko siyang tiningnan at hinawakan ang mata ko at basa nga ang mata ko pinahid ko naman ang kanang kamay ko sa mga mata ko hindi ko namalayan lumuluha na pala ako sa sakit.
Hindi ko alam kung saang sakit ako napaluha sakit ba dahil sa mga sugat ko? O baka sakit dahil nasasaktan ako sa nakikita ko? Hindi naman masyadong masakit ang mga sugat ko sigurado ako sa nakikita ko talaga.
"Bakit ka lumuluha Mhics?" tanong ni Rhian
"Baka masakit pa ang mga sugat niya kaya siya lumuha diba Mhics?" tanong sa akin ni Gel at nagkatinginan kami at alam ko na alam niya kung bakit ako lumuluha kilala na namin ang isa't-isa wala kaming maitatago dahil nahahalata agad ng isa pinandilatan niya ako na para bang nagsasabi na sakyan ko ang sinabi niya.
Nakita kong sasampalin na sana ni bianca si gel kaya bigla ko siya tinulak ng malakas dahilan para mapaupo siya sa buhangin at ako ang natamaan ng sampal hindi ko gugustuhin na masaktan siya ng dahil sa akin. Yan lang ang tanging magagawa ko sa kanya sa kabila ng mga nagawa niya sa akin. Matapos ng nangyari ng biglang umalis si Kyle ay kinausap ako ni Gel.
"Mhics, bakit mo ginawa yun? Bakit mo ako tinulak? Para ikaw ang matamaan ng sampal?" galit niyang tanong tumingin ako sa kanya at tumango lang nakatingin lang sa amin ang iba.
"Mhics, ano ba ang pumasok sa isip mo at ginawa mo yun? Tingnan mo nga yang pisngi mong namumula bakit mo ba kasi ginawa yun?" galit niyang tanong
"Ayoko kasing masampal ka ng dahil sa akin" nakayukong sabi ko
"Ano?! Mhics, hindi ka ba talaga nag-iisip?! Sinagot-sagot ko nga siya para sayo para hindi ka masaktan at handa ako sa anumang gagawin niya kahit sampalin niya pa ako ay handa ako para labanan siya. Sasanggain ko na sana ang sampal niya ng bigla mo naman akong tinulak kayang kaya ko siyang labanan. Pero anong nangyari? Nasampal ka dahil hindi ka nag-iisip ng tama? Ano ba naman yan Mhics dapat siya ang kawawa at hindi ikaw! Bahala kana nga sa buhay mo hindi na kita tutulungan pa kahit mapahamak ka pa hindi mo naman gustong tulungan ka diba? Edi magpasampal ka ulit" galit na mahabang sabi niya. Galit na galit talaga siya.
BINABASA MO ANG
100 Days with My Badboy Crush (Completed)
Teen FictionWhat if magkasama ang dalawang tao sa iisang bubong na hindi man lang magkakilala. Paano kung malaman ng lalaki na may gusto sa kanya ang babae. Ano ang kanyang gagawin? May mabuo ba na love sa pagitan nila o matapos ang 100 days na hindi man lang m...