Mhica
Ang ganda talaga ng mga naiisip niya. Pinaghandaan niya siguro to? Handang-handa eh. Sana siya na lang ang leader nitong grupo bagay naman sa kanya mas bagay pa sa kanya kesa sa akin."I will read the members of this-" pinutol ko ang sasabihin niya
"Gel, sana ikaw na lang ang naging leader mas bagay pa sayo" sabi ko napatingin naman silang lahat sa akin. Bakit?
"Nagsisisi ka ba na ikaw ang leader namin Mhics?"
"Hindi naman sa ganun, ang ibig kong sabihin mas magaling ka mas bagay sayo"
"So, nagsisisi ka nga?"
Bakit ba paulit-ulit siya ng tanong?
"Hindi nga yun ang ibig-"
"Yun nga ang gusto mong sabihin Mhics, kahit pa tanungin mo sila yun ang naiisip namin na dahilan kung bakit mo yun nasabi"
"Oo ako din yun din ang naiisip kong posibleng dahilan mo Mhica" sabi ni Rhian
"Bakit mo yun biglang nasabi Mhica?" tanong ni Tristan
"Baka naman kasi may dahilan si Mhica" sabi ni Trishia
"Kagaya ng ano, Ate?" tanong ni Tristan
"Kung ako sa inyo guys, puwede naman tayo magpalit ng leader" sabi ni Jake
"At sino naman ang ipapalit?" tanong ni Trishia
"Sino pa ba? Lalayo pa ba kayo? Edi ako" sagot ni Jake at binatukan siya ni Trishia
"Aray ko naman babe" sabi ni Jake sabay kamot ng ulo niya. Ang gandang pakinggan ng endearment nila.
"Ikaw? Wala kaming makuhang matinong sagot mula sayo maging leader pa kaya? Ewan ko sayo" sabi ni Trishia sa kanya
"Grabe ka naman, nagbibiro lang ako eh masyado kasi kayong seryoso" sabi ni Jake kailangan ko ng sumagot para depensahan ang sarili ko.
"I'm just compliment you Gel, I'm not regret to be your leader you all vote me. Bakit ako magsisisi kung kayo mismo ang nagboto sa akin? Wala ako dito kung hindi kayo naniniwala sa kakayahan ko. Sinabi ko na bagay sayo maging leader dahil may potential ka din maging isang leader and most especially I'm doing my very best part to be your worth leader kahit may hindi sumusunod. Follow what I say or not I'm just doing my part to be your leader" nakangiting sabi ko sa kanila. Ito ang hindi nila maintindihan iba ang iniisip nilang dahilan.
"And the best leader" sabi ni Rhian
"Agree ako" sabi ni Tristan
"Talo tayo english yun" sabi ni Jake
"Proud batchmate here" sabi ni Trishia
"Proud classmate here" sabi ni Rhian
"Best leader talaga" nakangiting sabi ni Matt parang gusto kong matawa sa mga sinasabi nila.
"Hindi tayo nagkamali na si Mhica ang leader natin" sabi ni Rhian
"And that's my best friend" ngiting sabi ni Gel. Ewan ko sa kanila.
"Hindi pa ba tayo magsisimula?" tanong ni Jake
"Thank you sa inyo dahil napa-speech ko si Mhica sa tulong niyo" nakangiting sabi ni Gel
"Ano?" taka kong tanong
"Ano ang ibig mong sabihin Angel?" tanong ni Jake
"Gusto ko lang may sabihin si Mhics sa atin" sabi ni Gel. Alam ko na kaya naman pala tanong siya ng tanong gusto niya lang pala magsalita ako para may sabihin ako sa kanila pero sana hindi na siya nagtanong ng iba pa dahil ako ang nahihiya.
BINABASA MO ANG
100 Days with My Badboy Crush (Completed)
Teen FictionWhat if magkasama ang dalawang tao sa iisang bubong na hindi man lang magkakilala. Paano kung malaman ng lalaki na may gusto sa kanya ang babae. Ano ang kanyang gagawin? May mabuo ba na love sa pagitan nila o matapos ang 100 days na hindi man lang m...