Chapter 64: Big Announcement

46 4 2
                                    

Mhica


Nakakahiya talaga sina kuya. Ano naman ang gagawin nila dito sa university? Nakakainis silang dalawa. Nandoon ako sa harap nila pero ang dami nilang sinabi tungkol sa akin. Nakakainis. Sinabi na nila lahat. Bakit ba kasi naisipan nilang puntahan ako dito? Hay. Naiinis ako sa kanila.

Paano nila nakilala sina Kyle at Christian?

Paano nakilala ni Christian sina kuya? At tinawag pa niya sa nickname sina kuya. Alam niya ang palayaw ng pinsan ko. Paanong nangyari yun? Hindi naman nila kinuwento sa akin yun noon bigla na lang sila nanggugulat. Marami silang alam na hindi sinasabi sa akin. Pinsan din naman nila ako ah? Nakakainis sila.

Bumalik na kaming dalawa ni Gel sa dressing room at umupo sa harap ng salamin magkatabi kami mabilis naman kaming inasikaso ng mga make-up artist dito sa loob. Wala na dito sina Chloe, Trishia at Rhian baka nasa fitting room na sila kanina pa sila siguro natapos na.

"Mhics, hindi naman yan maipinta ang mukha kunot na kunot yang noo mo pagbalik natin dito" sabi ni Gel lumingon ako sa kanya inaayos ang buhok ko ng isang babae na sa tingin nasa 30's na ang edad.

"Kasi naman Gel, sino ba ang hindi maiinis sa dalawa kong pinsan na kambal? Nakakainis sila. Sinabi na nila lahat tapos meron pa silang hindi sinasabi sa akin" inis kong sabi

"Oo nga naman may karapatan ka naman mainis at biruin mo Mhics ah kilala din nila ang dalawang magpinsan na sina Kyle" sabi niya

"Yun na nga eh. Paano nila nakilala? Hindi naman nila sinabi sa akin yun"

"Baka may dahilan naman sila Mhics kaya hindi nila sinabi sayo" sabi niya

"Ewan ko sa kanila Gel. Ano namang dahilan kung ganun? Hindi ko pa rin maisip eh kung bakit hindi nila sinabi"

"So, nagtatampo ka sa mga pinsan mo? Ngayon mo lang sila ulit nakita hindi mo ba sila na miss? Pinuntahan ka pa nila dito sa Cebu lumuwas pa sila galing Manila" sabi niya

"Na miss ko sila siyempre pero kasi nakakagulat ang mga pinagsasabi nila kanina dun ako naiinis"

"Mhics, may dahilan sila para ilihim sayo yun. Hintayin mo na lang sila na sila mismo ang magsabi sayo dahil ako naiintindihan ko sila" sabi niya bumuntong-hininga na lang ako at tumango

Tumingin na ako sa harap ko sa salamin tiningnan ko ang hitsura ko medyo kulot ng konti ang buhok ko nung hindi pa nila inayos pero ngayon naging straight na si Gel naman nakabun ang buhok niya pataas at sinimulan na nila kaming ayusan sa mukha nilalagyan na kami ng makeup na dalawa.

"Mhics, napapansin ko lang hindi kana talaga tumitingin kay Kyle ngayong hapon" sabi niya hindi ako makalingon sa kanya dahil nakapikit ako nilalagyan ako ng eyeshadow. Magsusuot talaga kami ng gown ngayon.

"Yun naman ang dapat eh"

"Hay, hindi na talaga yan magbabago? Pinapahirapan mo lang ang sarili mo eh" sabi niya

"Mahirap nga Gel, at talagang mahihirapan ako pero gagawin ko talaga to"

"Pero Mhics, hindi ba—" pinutol ko ang sasabihin niya

"Gel, puwede bang suportahan mo na lang ako?"

"Sarili mo naman yan eh kaya desisyon mo yan nandito lang ako para suportahan ka" sabi niya tumango lang ako

"Gel, kamusta na pala kayo ni Stephen?"

"Bakit mo naman natanong?" tanong niya nagsasalita lang kami pero hindi kami nakatingin sa isa't-isa dahil inaayusan pa kami

"Masama bang magtanong tungkol sayo Gel? Dapat ba palaging tungkol lang sa akin ang pag-uusapan natin?"

"Hindi naman sa ganun Mhics. Nagulat lang ako sa tanong mo" sabi niya

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon