Chapter 30: Returning of the Witch

52 6 1
                                    

Kyle's Pov

Kumakain ako kanina ng biglang tumawag si Jake para sabihin na nakita ni Stephen si Chloe sa park kaya dali-dali akong umalis at binilisan ang pagmamaneho narinig ko palang ang pangalan niya bumilis agad ang tibok ng puso ko.

Bumalik ang mga alaala namin ni chloe noong kami pa habang nagmamaneho ako tumawag ulit sa akin si jake kaya dali-dali kong sinagot.

"Bro, hindi ka maniniwala sa sasabihin ko sayo" agad niyang sabi

"Ano yun?" cold kong tanong

"Si-" putol niyang sabi

"Ano nga yun?" cold kong tanong sa kanya

"Bro, nakita ko din si chloe" sagot niya

"Talaga? Saan?" ngiti kong tanong

Nawala ang pagiging cold ko sa narinig.

"Nasa mall siya pero-" putol niyang sabi

Kaya napakunot-noo ako.

"Pero ano?" tanong ko

"Pero may kahalikan siyang lalaki sa mall" sabi niya

Biglang nawala ang ngiti ko sa labi.

"Ano?" cold kong tanong

"Totoo ang sinasabi ko bro hindi ako nagbibiro kitang-kita ng dalawang mata ko siya at ang lalaking kahalikan niya" sabi niya

"Wag kang gagawa ng kuwento tungkol sa kanya!" cold kong sigaw

"Ako? Gagawa ng kuwento? Hindi ako marunong gumawa ng kuwento kilala mo ako kyle. Totoo ang sinabi ko" sabi niya

"B*llshit!" cold kong sigaw

At binilisan ang pagmamaneho nasasaktan pa rin ako ang sakit sakit ng sinabi niya.

"Wag mo kong pinagloloko alam kong gagawa ka ng kuwento dahil hindi mo siya gusto para sa akin kahit noon pa" cold kong sabi

"Hindi kita niloloko kyle at ito ang dahilan kong bakit ayaw ko sa kanya noon pa. Kung ayaw mong maniwala pumunta ka dito sa mall at ikaw mismo ang makakasaksi ng ginagawa niya" sabi niya

"B*llshit! B*llshit!" galit kong sigaw

Hindi na ako nakapag-isip pa habang ang bilis ng takbo ng kotse ko at nakita ko na may kotse na makakasalubong ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagpreno hinayaan ko lang ang kotse ko na mabangga.







***BOGSHH-BOGSHHH-BOGSHH***






Tumilapon ang sasakyan ko at nawalan ako ng malay.

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom ang sakit ng katawan ko inikot ko ang paningin ko nandito ako sa hospital at biglang dumapo ang tingin ko sa natutulog na babae na nasa tabi ko.

Nakaupo siya sa upuan at ang ulo niya nasa kama ko teka si desperate girl to ah tiningnan ko ng maigi ang mukha niya.

Siya nga.

Ano ang ginagawa niya dito?

Siya ba yung nagbantay sa akin?

Ayaw ko siyang gisingin dahil nakikita ko sa mukha niya ang pagod.

Kahit nagugutom ako pero biglang nawala ang gutom ko ang dahilan ayaw ko siyang gisingin.

Tinititigan ko lang siya ang tahimik niyang natutulog ang ganda pala niya ngayon ko lang nakita at sa malapitan pa.

Kinuha ko ang cellphone ko sa katabi kong mesa at tiningnan kong ano na ang oras 5am na ng madaling araw.

May biglang pumasok yung doctor pala sumenyas ako na tumahimik na gets niya naman ngumiti siya at tumango at dahan-dahan pumunta sa akin.

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon