Chapter 8: Discipliner

74 7 0
                                    

Mhica's Pov


Nandito na ako sa loob ng office ng Dean nakita ko ang Dad nakaupo sa shivel chair sa sariling table niya.

"Pinapatawag niyo po daw ako?" agad kong tanong.

"Maupo ka muna, hija" sabi ng dad ni Kyle tumango ako at umupo ako sa kaharap niya.

"I'm sorry hija, pinatawag kita dahil gusto kong humingi ng paumanhin sa ginawa sayo ng anak kong si Kyle kahapon sa pagtulak niya sayo at kahapon sana kita gustong makausap kaya lang ay wala ka" sabi niya. Ang bait ng Dad ni Kyle.

"Ganun po ba? Wala po yun kasalan ko naman po nagulat lang siya kaya naitulak niya ako" ngiting sabi ko

"Pero mali pa rin hija ang ginawa niya hindi dapat siya nanunulak at babae pa? At ako pa ang ama niya kaya hindi ako papayag sa maling ginawa niya pasensya na talaga sa kanya hija. Ako na ang humihingi ng paumanhin sayo" seryosong sabi ni Dean. Ang bait talaga ng dad ni Kyle.

"Okay lang po" ngiting sabi ko ngumiti siya at hindi na siya nagsalita pa pero nakatingin siya sa akin ng mabuti at parang may iniisip.

"Okay, lang po talaga Dean, puwede na po ba ako umalis?" tanong ko

"Sandali lang hija, may sasabihin pa ako" sabi niya kumunot ang noo ko. Ano pa ang sasabihin niya?

"Ano po yun?" tanong ko ngumiti siya

"Hija, I want a deal to ask on you. Puwede ka bang maging isang discipliner ng anak ko? Gusto kong madisiplina mo siya dahil sa nakikita ko ay ikaw lang ang nag-iisang babae na yumakap sa kanya. Isang dahilan yun para maisip ko to. Hindi na talaga namin alam ng Mom niya kung ano ang gagawin namin sa batang yun" sabi niya nagulat naman ako.

Ako magiging discipliner ni Kyle?

Ako? Si Mhica Javier?

Teka...

"Ano po? Mukhang hindi ko yata kaya yun nakita niyo naman po tinulak niya ako kaya baka ano pa ang gawin niya sa akin" sabi ko hindi dahil gusto ko si Kyle pero kasi baka ano ang gawin niya sa akin ulit. Natatakot lang ako.

"Pero diba hija, ang sabi mo nagulat lang si Kyle kaya nagawa niya yun? Alam ko na magagawa mo to hija. Nagtitiwala ako sayo ng malaki. Wag kang mag-alala kapag pumayag ka ay dadagdagan ko ng mas malaki ang allowance mo na tinatanggap at full scholar ka na dito hanggang sa makapagtapos ka ng pag-aaral dito. Wala ka ng babayaran" sabi niya nagulat ako at nag-isip ng mabuti. Ang ganda sana ng offer ni Dean kaya lang hindi ko talaga magagawa ang pinapagawa niya kahit gustong-gusto ko si Kyle.

"Ang laki naman po ng tiwala niyo sa akin" sabi ko ngumiti lang siya.

Teka nga, bakit ako? Hindi ko maintindihan.

"Ang ganda sana ng offer niyo po kaya lang hindi ko po talaga magagawa" sabi ko tumango lang siya.

"Hija, pag-isipan mo muna ng mabuti ang sinasabi ko atsaka pati na din ang dalawa mong kapatid ay magiging full scholar at makakatanggap din ng malaking halaga" sabi niya. Ano? Ganun kalaki at pati sina kuya makakatanggap? Bakit pa ako aayaw dito?

"Pag-iisipan ko po muna" sabi ko tumango lang siya.

"Kung magbago ang isip mo ay pumunta ka lang dito. Makakalabas ka na hija" ngiting sabi ni Mr. Dean mgumiting tumango lang ako atsaka lumabas.

Pinag-iisipan ko ang sinabi niya. Kung papayag ako baka ano naman ang gawin sa akin ni Kyle.

Pero gusto ko naman siyang makasama kanina sa sinabi ni ng Dad niya ang saya ko.

Ano ba ang gagawin ko? Maganda ang offer niya at hindi ako aangal pero kasi. Bumalik na ako sa classroom at umupo agad.

"Mhics, ano ang pinag-usapan niyo?" tanong agad ni Gel hindi halatang atat siya.

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon