Chapter 18: Concern

69 7 0
                                    

Mhica's Pov

Pumasok na ako sa loob at nakita ko si mr. Dean at si Kyle pinapagalitan ng dad niya

"Kyle! Ano na lang ba ang gagawin namin ng mom mo sayo para tumino kang bata ka?!" sigaw ni Mr. Dean kay kyle

"Ilang beses ko bang sabihin sayo na hindi ako ang na unang sumugod sila at hindi ako. Naiintindihan mo ba?" cold na tanong ni kyle sa dad niya

Baka pinapagalitan ni mr. Dean si kyle dahil may pasa siya sa pisngi.

"Ano bang gusto mong gawin sa sarili mo? Maging ganyan ka na lang habang buhay? Maging basag ulo?" tanong ni Mr. Dean kay kyle

"Ano bang pakialam mo sa sarili ko? Hindi ko hinihingi yang opinyon mo" cold na tanong ni kyle

"Kyle! Napupuno na ako sayo! Hindi ka namin pinalaki na maging ganyan!" sigaw ni mr. Dean

Dapat may gawin ako bago pa lumala ang sitwasyon.

"Wala po siyang kasalan" biglang kong sabi

Tumingin sila sa akin.

Kung kinakailangan kong magsinungaling gagawin ko para hindi na mapagalitan si kyle.

"Hija, anong sinabi mo?" tanong ni mr. Dean

"Wala pong kasalan si kyle actually po pinagtanggol niya lang po ako kaya nagkasugat siya. Meron kasing nambastos sa akin kanina mabuti na lang po nakita ako ni kyle kaya tinulungan niya po ako" sabi ko

"Ganun ba ang nangyari hija?" tanong ni Mr. Dean

"Opo" sagot ko

"Mabuti na lang at nakita ka ka agad ni kyle dahil kung hindi baka napano kana at kasalanan pa namin yun" sabi ni mr. Dean

"Oo nga po eh mabuti na lang po" sabi ko

"Hindi naman kasi sinasabi ni kyle na tinulungan ka pala niya. Sige, aalis na ako maiwan ko na kayo" sabi ni mr. Dean

"Sige po, mag-iingat po kayo" sabi ko

Tumango lang si mr. Dean at umalis na.

Tumingin naman ako kay kyle nakita ko ang cold stare niya.

"Bakit mo yun ginawa?" cold niyang tanong

"Ayoko lang na mapagalitan ka" sabi ko

"Wala kang pakialam kung mapagalitan man ako o hindi" cold niyang sabi

"Tinulungan na nga kita yan pa ang sasabihin mo" sabi ko

"Hindi ko kailangan ng tulong mo at puwede ba wag kang mangialam sa buhay ko" cold niyang sabi

"Yan ba ang way mo ng thank you sa tulong ko?" tanong ko

Hindi man lang marunong magpasalamat.

Ano ba ang aasahan ko sa kanya?

Edi wala.

"Hindi ko hiningi yang tulong mo. Bakit ako magpapasalamat sayo?" cold niyang tanong

"Hay, diyan ka lang wag kang aalis" sabi ko sa kanya

Atsaka dumeretso sa kuwarto ko at kinuha ang first aid kit ko at lumabas.

Nasaan na yun?

Wala na siya sa kinatatayuan niya.

Hindi talaga marunong makinig ang tigas talaga ng ulo ng crush kong yun.

Hinanap ko siya at nakita ko siya nanunuod ng t.v tumabi ako sa kanya nagulat siya.

Kinuha ko yung cotton atsaka yung betadine sa first aid kit ko at pinahid sa pisngi niyang may sugat nagulat siya sa ginawa ko.

Lumayo siya sa akin.

Lumapit ako sa kanya at pinatuloy ang ginagawa ko habang ginagawa ko to tumingin lang siya sa akin nakikita ko ng malapitan ang mukha niya.

Napakaguwapo talaga niya.

Napatitig ako sa labi niya.

Ang suwerte ko talaga nahahawakan at nakikita ko pa araw-araw ang crush ko.

"Wag kang malikot" sabi ko

"Aray ang sakit" sabi niya

Natawa ako sa sinabi niya kaya dinahan-dahan ko lang.

"Bakit ka tumatawa?" cold niyang tanong

First time niyang nagtanong.

"Kasi naman biruin mo nasasaktan ka din pala" sabi ko

"Tsk. Tao din ako nasasaktan din ako" cold niyang sabi

"Oh, ayan tapos na" sabi ko

Nilagyan ko ng band aid yung sugat niya matapos kung linisan.

"Bakit mo to ginagawa?" tanong niya
sa akin ng cold pa din

"Wala lang, ayoko lang na nakikita kang ganyan" sabi ko

"Bakit?" cold niyang tanong

"Nga pala saan mo ba nakuha to at nagkasugat ka?" tanong ko

"Bakit mo kailangan malaman?" cold niyang tanong

"Nagugutom kana ba? Nagugutom na kasi ako magluluto muna ako" sabi ko

Iniba ko na ang topic baka masabi ko pa ang hindi dapat sabihin.

Kinuha ko na ang first aid kit ko at nagtungo na sa kitchen at nagluto.



































Kyle Pov

Ano ba ang nangyayari sa babae na yun?

Una, niyakap na naman ako ulit kaya nagulat ako sa ginawa niya.

Baliw na ba siya?

Itutulak ko na sana siya ulit kaya lang kinalas niya ang pagyakap sa akin at tinanong ko siya kung ano ang ginagawa niya.

Hindi ba naman makasagot itutulak ko na sana siya kaya lang biglang dumating si sir pasalamat siya dahil hindi ko siya tinulak kanina.

Pangalawa, nagsinungaling siya para tulungan ako kay dad.

At pangatlo, ginamot niya ang sugat ko.

Ano ba talaga ang dahilan niya para gawin yun lahat?

Nagkasugat lang naman ako dahil sa g*g*ng lalaking yun.

Umagang-umaga may naiisip akong plano alam kong kakatok ulit sa kuwarto ko ang babae na yun para gisingin ako kaya ayon success na naman ang plano ko.

Pagkalabas ko ng kuwarto ko hindi ko na nakita ang babae na yun.

Papasok na sana ako sa university ng may biglang humarang sa akin na mga lalaki sampu sila isang gang sila at kaaway ko sila.

Hindi pa ba sila nadadala?

Tsk.

Pinalibutan nila ako.

Akala ba nila matatakot ako sa kanila?

"What do you want?" cold kong tanong

Sa leader ng gang na to.

"Simple lang rematch" sagot niya

Tsk.

"Wala akong oras para pag-aksayan kayo ng panahon, padaanin niyo ko" cold kong sabi

"Pasensya na pare pero hindi namin magagawa yun" sabi ng isang lalaki

Tsk.

"Tsk. Hindi pa ba kayo nadadala ng binugbog ko kayong lahat last week gusto niyo na bang mamatay?" cold kong tanong

"Ang angas mo ah, simulan na natin to" sabi ng leader nila

At sinugod nga nila ako.

Suntok. Sipa. Suntok. Tadyak ang ginagawa ko at lahat sila bagsak hindi ko nakita na may susuntok pala sa akin na isang lalaki kaya nagkasugat ako sa pisngi g*g*ng yun kaya sinuntok ko din siya.

"Tsk. Sa susunod tawagan niyo ko kung kaya niyo na akong matalo" cold kong sabi at umalis.





Hindi ko alam kung may plano ang babaeng to.

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon