Chapter 46: Group Picture

23 4 0
                                    

Mhica

Ang dami talagang alam ni Gel. Tahimik lang kami sa sasakyan. Marunong pa lang magmaneho si Matt ngayon ko lang nalaman.

"Matt, marunong ka pa lang magmaneho ng sasakyan?"

"Mhics, hindi ba obvious? Kanina pa kaya tayo nakaalis" sabi ni Gel. Tumingin ako kay Gel. Hindi talaga tumitigil ang bibig niya kanina pa siya.

"Gel, alam ko pero ang sa akin lang ngayon ko lang nalaman na marunong pala si Matt magmaneho"

"Siyempre, lalaki eh. Malamang marunong magmaneho ng sasakyan" sagot niya

Hay.

"Gel, hindi ikaw ang kinakausap ko" sabi ko

Sagot siya ng sagot hindi naman siya ang kinakausap ko.

"Mhie, matagal na akong marunong at nagmamaneho ng sasakyan dahil may sarili akong sasakyan. Binigay yun ni Dad sa akin last year nung mag-birthday ako" sabi ni Matt na nakatingin sa daan.

"Ah, kaya pala. Ngayon ko lang kasi nalaman" sabi ko

"Hayaan mo Mhie, kapag nakauwi na tayo isasakay kita sa kotse ko" sabi niya at alam kong nakangiti siya.

"Naku, Mhics. Alam ko na ang balak mo. Tinanong mo si Matthew kung marunong siya magmaneho para isasakay ka niya sa kotse niya" ngiting sabi ni Gel

Saan niya ba kinuha ang pinagsasabi niya? Nakakahiya kung siya hindi nahihiya ako nahihiya. Binibigyan niya ng ibang meaning ang sinabi ni Matt sa akin.

"Gel, saan mo ba napulot yan? Wag mo ngang lagyan ng malisya ang sinabi ni Matt at nagtanong ako dahil ngayon ko lang talaga nalaman. Masama bang magtanong?"

"Okay. Okay. Ito talaga si Mhics, hindi na mabiro" ngiting sabi niya

Ewan ko talaga sa kanya.

"Matthew, baka inaakala mo na nag-aaway kami. Hindi kami nag-aaway ah. Ang sarap lang talaga inisin ni Mhics" ngiting sabi niya

"Hindi naman" sabi ni Matt

Kinurot ko ang tigiliran niya kanina pa talaga siyang nang-iinis.

"Aray ko naman, Mhics!" sigaw niya

"Tumahimik kana, Gel. Please, lang" bulong ko sa kanya

Nakangiti naman siyang tumango. Masaya ako na siya ang kaibigan ko ang kulit lang talaga niya at iniinis ako. Marami talaga siyang iniinis sa akin madaya siya dahil hindi ko siya mainis dahil hindi ko pa kilala Ang gusto niyang lalaki. Madaya talaga siya.

Nandito na kami sa loob ng cottage. Nakaupo ako sa sofa katabi ko si Gel at Matt nandito din ang lahat kong mga kasama kompleto na kaming sampu. Sinabi ko na sa kanila na magaling na ako at wala ng lagnat. Ang mga sugat ko pagagalingin ko na lang may binigay sa akin si Doc Wil na ointment para sa mga sugat ko.

Ay, oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan tanungin kung sino ang nanalo kahapon sa laro.

"Sino ba ang nanalo kahapon sa laro niyo?" tanong ko

Tumingin naman silang lahat sa akin kaming dalawa lang naman ni Kyle ang walang alam kung sino ba ang nanalo.

"Sayang hindi ka nakasali, Mhica" sabi ni Trishia

"Oo nga" sabi ni Rhian

"At ang masaya pa si Bianca, hindi maipinta ang mukha niya nang sabihin ni sir kung sino ang nanalo"

Ano?

Bakit kaya?

"Matthew, ikaw na ang magsabi kay Mhics, kung sino ang nanalo. Baka hindi siya maniwala kapag ako ang nagsabi eh" sabi ni Gel

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon