Mhica's Pov
Hindi ko nakita si Kyle o nakausap man lang hindi siya lumalabas ng kuwarto niya sigurado ako na galit siya sa akin ngayon.
Wala naman akong magagawa ang mga magulang niya ang nagsabi.
Pumunta na ako sa kuwarto ko dito tinuro sa akin kanina ni tita diane at tinuro din niya akin kung saan ang kuwarto ni kyle kaya alam ko na.
Inayos ko na ang mga gamit ko pagkatapos ay lumabas na pumunta ako sa kitchen at nagluto ng pagkain namin tanghali na din kasi.
Marunong akong magluto mabuti na lang kumpleto ang mga gamit at mga kailangan sa pagluluto dito pagkatapos kung magluto ay hinanda ko na sa mesa at pumunta ako sa tapat ng kuwarto ni kyle para kumatok sa pintuan.
Pero walang sumasagot kaya kumatok ako ulit.
Wala pa din.
Hindi talaga siya kakain?
Bahala siya ako na lang ang kakain mag-isa titirhan ko na lang siya.
Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko ang mga pinagkainan ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya lumalabas.
Bahala siya kung ayaw niyang kumain edi wag ang mabuti pa maglilinis muna ako ng bahay ilang minuto ang lumipas natapos ko na ako sa paglilinis pero hanggang ngayon hindi pa rin lumalabas ng kuwarto niya si kyle.
Ano bang gusto niya hindi magpapakita sa akin?
Hindi naman puwede yun.
Bahala siya matutulog muna ako pumunta ako sa kuwarto ko at humiga sa kama ang aga kong nagising kanina kaya matutulog muna ako.
"Sunog! May sunog!"
"Saan? Saan ang sunog?" tanong ko
Nahulog ako sa kama dahil sa taranta ko.
Ang sakit ng pagkakahulog ko.
"Aray ko po. Ang sakit" sabi ko
May tumatawa
Sino yun?
Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si...
Kyle?
Siya ang tumatawa first time ko siyang makitang tumatawa parati ko siyang nakikita na cold sa school iba pala kapag kami lang dalawa.
Lalo siyang guma-guwapo kapag tumatawa.
Nawala bigla ang sakit sa pagkakahulog ko.
Ang guwapo niya talaga.
"Pfft. Ang epic talaga ng mukha mo hindi ko talaga ma-imagine HAHAHAHAHA" cold niyang sabi
Habang tumatawa pa din.
Teka, paano siya nakapasok?
Ay oo nga, pala nakalimutan kong i-lock yung pinto.
"Bakit ka nandito?" tanong ko
Inayos ko na ang sarili ko.
"Bakit bawal ba? Sa amin itong bahay kaya puwede akong pumasok kung saan ko gusto" cold niyang sabi
Bumalik na naman siya sa pagiging cold niya.
"Bakit mo naman ginawa yun? Wala namang sunog ah?" tanong ko
"Ano bang pakialam mo? Malaya kong gawin kung ano man ang gusto ko" sabi niya ng cold
Urghhh. Naiinis na ako.
"Puwede bang lumabas kana" sabi ko
"Ba-"
Pinutol ko kung anuman ang sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
100 Days with My Badboy Crush (Completed)
Teen FictionWhat if magkasama ang dalawang tao sa iisang bubong na hindi man lang magkakilala. Paano kung malaman ng lalaki na may gusto sa kanya ang babae. Ano ang kanyang gagawin? May mabuo ba na love sa pagitan nila o matapos ang 100 days na hindi man lang m...