Mhica's PovTinawagan ko si gel sinagot naman niya agad.
"Hello. Mhics, saan tayo?" tanong niya agad
"Sa hospital" sagot ko sa kanya
"Ha? Bakit dun? May nangyari ba sayo? Anong nangyari sayo? Sabihin mo mhica" alalang tanong niya
"Wag ka ngang O.A nakalimutan muna ba na nadun si papa?" tanong ko sa kanya
"Hindi. Bakit ko naman kakalimutan si tito? So, ano nga ang gagawin natin dun?" tanong niya
"Hindi mo pa rin ba kuha? Pupunta tayo ng hospital bakit? Siyempre bibisitahin si papa. May tanong ka pa ba?" tanong ko din sa kanya
"Yun lang pala mhics eh, bakit hindi mo agad sinabi?" tanong niya
"Sinabi ko na diba ang slow mo lang talaga. Bilisan mo na diyan papunta na ako sa hospital magkita na lang tayo dun" sabi ko sa kanya
"Sige." sabi niya
At pinatay ko na ang tawag. Sinabi ko kay stephen kung saang hospital si papa naka-admit ilang minuto lang nandito na kami sa labas ng hospital.
Pumasok na ako sa loob ng hospital sumunod lang si stephen sa akin nandito na kami sa tapat ng kuwarto ni papa.
"Stephen, pasok na tayo" sabi ko sa kanya
"Ah, sige" sabi niya
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok sa loob sumunod naman si stephen sa akin.
Nakita ko sa loob sina kuya, mama si papa nakaupo sa kama niya na tumatawa napangiti ako dahil sa nakita ko ang saya nilang nagkukuwentuhan.
Nakita naman nila ako napatingin sila ng lahat sa akin at napatingin din sila kay stephen. Nagpapalit-palit ang tingin nila sa akin.
"Ah. Ma-"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita sina kuya.
"Boyfriend ka ba ng kapatid namin?" tanong ni kuya drake kay stephen
Halata sa mga mukha nina kuya ang seryoso.
"Saan kayo nagkakilala?" tanong naman ni kuya bryan
"Bunso, bakit hindi mo man lang sinabi sa amin na may boyfriend kana pala? Nauna ka pa sa amin. Sana sinabi mo mhica na may nanliligaw sayo edi sana nakilatis pa namin hindi yung pupunta kayo dito na kayo na pala. Hindi naman kami magagalit bunso eh sana hindi ka nagsinungaling sa amin tatanggapin naman namin yun eh. Ang sakin lang naman sana nagsabi ka ng totoo. Bunso, hindi ka namin pinabayaan alam mo yan pero yung maglihim sa amin ng ganito hindi kita mapapatawad" seryosong sabi ni kuya drake
"Kuya, kuya. Teka lang naman oh hindi niyo pa nga ako pinatapos sa pagsasalita dada kayo ng dada diyan. Wag nga kayong O.A nakakahiya kayo kuya alam niyo ba yun? First of all hindi ko po siya BOYFRIEND kaibigan ko lang po siya yan kung makahusga kasi kayo wagas na wagas. Iba iba yung pumasok sa mga utak niyo hindi niyo man lang kami pinasagot tanong kayo ng tanong. Paano kami makakasagot sa inyo puro kayo tanong? Kung ano-ano pa yung mga pinagsasabi niyo totoong nakakahiya talaga kayo kuya" sabi ko kina kuya
BINABASA MO ANG
100 Days with My Badboy Crush (Completed)
Teen FictionWhat if magkasama ang dalawang tao sa iisang bubong na hindi man lang magkakilala. Paano kung malaman ng lalaki na may gusto sa kanya ang babae. Ano ang kanyang gagawin? May mabuo ba na love sa pagitan nila o matapos ang 100 days na hindi man lang m...