Mhica's Pov
Today is saturday isang linggo na ako dito sa bahay ni kyle pero wala pa rin pinagbago hindi ko muna siya tinuruan maghugas at magluto ako muna ang gumawa nun ng one week.
Pero simula bukas tuturuan ko na siya ng dapat niyang matutunan.
Nagluto na ako marami-rami yung niluto ko ngayon ewan ko nga ba kung bakit ang dami.
Eh, kami lang naman dalawa ang kakain nito at pagkatapos kong magluto inihanda ko na sa mesa.
Pumunta na ako sa kuwarto ni kyle kumatok ng malakas.
"Mr. Cold. Gumising na kayo!" sigaw ko
Binuksan niya ang pinto ng kuwarto niya nakita ko ang mukha niyang hindi maipinta ngumiti lang ako sa kanya.
"Umagang-umaga bunganga muna naman ang naririnig ko. Puwede ba at once itikom mo yang bibig mo" cold niyang sabi
"Eh, ano bang problema mo sa bibig ko? Ako na nga yung nagpapakahirap na gisingin ka magagalit ka pa." sabi ko na naiinis
Naiinis na talaga ako sa ugali niya hindi man lang marunong mag-appreciate.
Ganito ba talaga ang naging crush ko?
Siguro may dahilan siya kung bakit siya nagkakaganito.
"Sino ba ang nagsabi sayo na gisingin mo ako? Sinisisi mo ako? Sino ba ang gumagawa lahat ng yan? Diba ikaw?" cold niyang tanong
"Ano bang problema mo?!" sigaw ko sa kanya
"Ikaw!" cold niyang sigaw
Naku naman talaga ang lalaking to baka hindi ako makapagtimpi mababatukan ko talaga siya ng malakas.
"Anong-"
Naputol ang sasabihin ko ng biglang may kumatok sa pintuan.
Sino naman kaya ang dumating?
Baka ang mga magulang ni kyle.
Pumunta ako sa pintuan at binuksan at pagbukas ko nakita ko ang dalawang lalaki.
Sino naman sila?
Pero ang guwapo din nilang dalawa.
"Kyle!"
Sabay na sigaw ng dalawa.
At tumakbo papasok sa loob.
Huh?
Kilala nila si kyle?
Nakita ko naman si kyle na nagulat sa pagsigaw ng dalawa.
At yumakap ang dalawang lalaki sa kanya.
Pumunta ako sa kanila.
"Ano ba?! Bitawan niyo nga ako!" cold niyang sigaw sa dalawa
Kilala din ni kyle ang dalawa.
Bumitaw naman ang dalawa sa yakap.
"Pasensya na bro, Na-miss ka lang namin" sabi ng isa
Siya naman parang serious na may black hair.
"Tsk" cold na sabi ni kyle
"Bro. Hindi mo ba kami na-miss?" tanong naman ng isa
At nag pout pa ang cute niya ito naman parang childish at brown hair.
"Tsk. Hindi. Bakit ba kayo nandito?" cold niyang tanong
"Ano bang tanong yan? Edi, siyempre para dalawin ka at kamustahin" sabi ng brown hair
BINABASA MO ANG
100 Days with My Badboy Crush (Completed)
Teen FictionWhat if magkasama ang dalawang tao sa iisang bubong na hindi man lang magkakilala. Paano kung malaman ng lalaki na may gusto sa kanya ang babae. Ano ang kanyang gagawin? May mabuo ba na love sa pagitan nila o matapos ang 100 days na hindi man lang m...