Chapter 13: I can't wait

81 7 1
                                    

Mhica's Pov

Pagkatapos ko pumunta ng hospital at sinabi sa kanila yun ay pinauwi kami ni mama siya na naman ang magbabantay kay papa kaya umuwi kami sa bahay atsaka na tulog.

Kinabukasan nagising ako at nagtungo sa C.R naligo at nagbihis ginawa ko ang morning routine ko at pagkatapos ay lumabas na nakita ko sila Kuya kumakain sa mesa kaya lumapit ako sa kanila.

"Good Morning mga Kuya"

Bati ko sa kanila at umupo sa tabi ni kuya Bryan.

"Good Morning din" matamlay na sabi ni kuya Bryan

"Good Morning bunso" sabi naman ni kuya Drake

"Bakit ang tamlay mo kuya?" tanong ko kay kuya Bryan

"Kasi princess hindi kana namin makikita at makakasama alam mo mamimiss ka namin kapag umalis ka" sabi ni kuya Bryan

"Mamimiss ko din po kayo mahal ko kaya kayo isipin niyo na lang po na ginagawa ko ito para kay papa at para sa atin" sabi ko na nakangiti kay kuya

"Bunso, iba ka talaga mag-isip at sa halip na kami nina mama at bryan ang gumawa ng paraan para kay papa ay ikaw pa ang gumawa. Proud talaga ako sayo" sabi ni kuya Drake

"Ang drama niyo naman mga kuya lumapit nga kayo dito" sabi ko

Lumapit naman sila niyakap ko sila ng mahigpit at bumitaw na.

"Wag kayong mag-alala isang daang araw lang naman ako dun maikling araw lang naman yun at kapag nagawa ko ang gagawin ko kay kyle ng maaga baka makakauwi din ako dito ng mas maaga at isa pa magkikita pa rin po tayo sa school" sabi ko tumango lang sila.

"Basta mag-iingat ka dun bunso kung anong mangyari sayo ay sasabihin mo agad sa amin" sabi ni kuya Drake tumango lang ako.

"Princess, ayaw lang namin na masaktan ka hindi mo deserve ang masaktan hindi ka nga namin sinasaktan pero siya sasaktan ka lang? Hindi naman puwede yun" sabi ni kuya bryan

Naramdaman ko talaga ang pag-alala nila sa akin kaya hindi ko napigilan ang umiyak. Ang sarap lang kasi sa pakiramdam ng mga sinasabi nila.

"Bunso, bakit ka umiiyak?" tanong ni kuya drake

"May mali ba sa sinabi ko princess?" tanong ni kuya bryan

At pinunasan ko ang mga mga luha ko sa mukha at umiling ako.

"Wala po, ang totoo na touch ako sa mga sinabi niyo kuya pangako hindi ako masasaktan" sabi ko

"Siyempre mahal ka namin gagawin namin lahat para sayo" sabi ni kuya drake

"Hindi mo deserve masaktan deserve mong mahalin princess" sabi ni kuya bryan

Ngumiti lang ako at umiyak na naman.

"Ang sabi mo kanina ay kami ang madrama ikaw naman pala" sabi ni kuya drake

Na natatawa.

"Eh, kasi kayo pinapaiyak niyo ko" sabi ko

At pinunasan ulit ang luha ko.

"Ang mabuti pa kumain na tayo lumalamig na pagkain natin" sabi ni kuya Drake

Kaya nagsimula na kaming kumain pagkatapos namin kumain ay pumunta na kami ng university.

Hinatid na naman nila ako sa classroom nag paalam na ako sa kanila umalis naman sila pumasok na ako at dumeretso sa upuan ko nandito na din si Gel.

"Mhics, ano na? Anong pinagusapan niyo ni mr. Dean?" tanong agad sa akin ni gel ng makaupo ako.

Atat na atat talaga siya.

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon