Mhica
Nakatingin ako kay Kyle hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon."That's explain your false information" cold na sabi ni Kyle naguguluhan si Christian at ako din biglang ngumiti si Christian nagulat naman ako sa reaction ng mukha niya
"Dahil pa rin ba to sa sinabi ko? Anong masama sa sinabi ko?" tanong ni Christian
"G*go ka!" sigaw ni Kyle
Susugurin na naman sana ni Kyle si Christian ng hawakan ko sa kamay si Kyle pinigilan ko siyang sugurin ang pinsan niya dalawang kamay ko ang pumigil sa kanya. Hindi na siya madadala sa pailing-iling ko.
"Kyle, walang magagawa ang pagsugod mo sa kanya at yang galit mo. Mag-usap kayo" sabi ko sa kanya nakatingin siya sa akin at ganun din ako sa kanya binitiwan ko na siya
"Tsk"
"Pinsan, tama si Mhica. Ano bang problema mo sa akin at bakit sinuntok moko?" tanong ni Christian tumingin ako sa kanya walang bahid na galit sa mukha at pananalita niya. Hindi siya galit sa ginawa ng Kyle sa kanya?
"You're just a b*stard" cold na sabi ni Kyle
"Ano bang problema mo? Bakit nandito ka ngayon eh, wala naman kayong gagawin dito. Bakit mo ako sinuntok? Dahil ba sa sinabi ko sayo kaninang umaga? At dahil tinawagan kita kanina? Sinabi ko naman sayo na nagkamali din ako nagkaparehas lang ng pangalan. Akala ko din si Ma'am Galvez nga at dahil sa San Leonardo Street nakatira si Ma'am doon kita pinapunta pero hindi ko naman sinabi sayo na maghanap ka agad ng ebidensya" sabi ni Christian
Tinawagan niya pala si Kyle kanina kaya naman pala ang tagal ni Kyle sa labas. Naiintindihan ko na ngayon ang lahat.
"Tsk"
"Mhica, sorry alam kong alam mo na hindi ba? Tita mo si Ma'am Chelsea Galvez?" tanong niya kilala niya si Tita tumango ako. Paano niya nalaman?
"Paanong—" pinutol niya ang sasabihin ko
"It's easy to find out" sabi ni Christian
"G*go ka! Sana hindi kita pinaniwalaan" galit na sabi ni Kyle tiningnan ko siya. Galit pa rin siya.
"Anong sabi mo? Teka, mukhang may ideya na ako kung bakit ka nagkakaganyan ngayon. May ginawa ka ba?" tanong ni Christian kay Kyle nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila hindi sumagot si Kyle
"May ginawa ka nga" sabi ni Christian
"Ito ang tandaan mo hindi na kita paniniwalaan pa kahit ano pang sabihin mo" galit na sabi ni Kyle sa pinsan niya at nagsimula ng maglakad pa alis nilapitan ko naman si Christian.
"Ayos ka lang? Hindi ba masakit?" tanong ko ngumiti naman siya
"I'm fine, biruin mo Mhica ang sakit niya pa lang sumuntok" ngiting sabi niya kahit sinaktan na siya ng pinsan niya nagagawa niya pang ngumiti at hindi siya galit.
"Gamutin—"
Naputol ang sasabihin ko ng biglang may humablot sa kamay ko napalingon ako sa gulat nakita ko Kyle na seryosong nakatingin sa akin hinigit niya ang kamay ko napalakad naman ako. Akala ko nauna na siyang lumabas? Nilingon ko si Christian.
"Christian, pasensya na sa ginawa niya ako na ang humihingi ng sorry at gamutin mo yang sugat mo" mabilis kong sabi dahil hinihigit ni Kyle ang kamay ko nakita kong tumango na nakangiti si Christian
Nakalabas na kami ng student council room at nakahawak pa rin si Kyle sa kamay ko at malayo na din ang nilalakad namin napangiti ako at naramdaman ko naman ang parang daloy ng kuryente sa buo kong katawan. Kinikilig talaga ako at napapangiti kapag magkadikit ang mga balat namin na hindi naman sinasadya. Bigla siyang huminto sa paglalakad at napahinto din ako at bigla niyang winaksi ang kamay ko na hinahawakan niya malakas masyado ang puwersa niya kaya sumakit ang braso ko sa kamay at hinarap ako napawi ang mga ngiti ko sa labi sa hitsura ng mukha niya. Galit na naman ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
100 Days with My Badboy Crush (Completed)
Teen FictionWhat if magkasama ang dalawang tao sa iisang bubong na hindi man lang magkakilala. Paano kung malaman ng lalaki na may gusto sa kanya ang babae. Ano ang kanyang gagawin? May mabuo ba na love sa pagitan nila o matapos ang 100 days na hindi man lang m...