Kahit pagod ay bakas sa mukha ng dayuhang katalik ang satisfaction matapos niya itong paligayahin. Dumukot ito ng malaking halaga sa wallet nito at inilagay sa kanyang malulusog na dibdib. Agad naman niya itong kinuha at nakangiting binilang.
"20,000?" medyo gulat niyang tanong sa lalaki. Napakalaki ng tip nito sa kanya. Higit pa sa ipinusta nito kanina sa casa.
Nakuha siya nito sa halagang 20,000 pesos sa bidding na nangyari kanina sa Desire's Place at ang halagang iyon ay paghahatian pa nila ng manager at may-ari ng casa na iyon. Ilang porsyento lang ang mapapasakanya. Masuwerte na kung maka-walong libo siya sa halagang pinusta sa kanya.
"You deserve it. You are extra ordinary. I think my pet wants more," nakangising sabi ng lalaki na nakahawak pa sa matigas na ari nito. Mukhang gusto pa nga yata ng round two oramismo. Hindi naman siya tatanggi basta ba iba na ulit ang bayad. Sanay na siyang palaging mapuri dahil sa galing niya sa pagpapaligaya ng costumer. Maraming beses na niya iyong naririnig sa mga iyon at sa totoo lang sawa na siya kaya balewala na sa kanya ang ganoong mga salita. Para sa kanya, trabaho lang at walang personalan. Kung magpapadala siya sa ganoong mga salita, siya lang ang magiging talo.
"Sure! Kung ganito ka ba kagalante, tiyak na uulit ka," sabi niya kahit alam niyang hindi iyon naintindihan ng lalaki.
"What?" tanong pa ng lalaki pero hindi na niya ito pinansin sa halip ay inalis niya ang nakapulupot na braso nito sa kanyang bewang at saka tumayo. Isa-isa niyang dinampot ang kanyang mga saplot at madaling isinuot. Kinuha niya ang kanyang shoulder bag at inilagay ang perang binigay ng customer.
"I think, we are settled now so I have to go. Bye." Kumaway pa siya at nag-flying kiss bago tuluyang lumabas ng pinto. Wala nang nagawa ang lalaki nang iwan niya ito.
Awtomatikong nagbago ang reaksiyon ng kanyang mukha pagkalabas niya ng pintuan ng kuwartong pinanggalingan. Ang ngiti na kanina'y ipinakita niya sa dayuhang kasama ay napalitan ng simangot. Hindi talaga niya gusto ang kanyang ginagawa pero wala siyang pagpipilian. Malalim siyang napabuntong hininga bago muling inihakbang ang mga paa paalis sa lugar na iyon.
"Oh, tapos na agad kayo? Na-solve ba?" tanong ni Chelsea sa kanya. Nakasalubong niya ito na paakyat pa lamang sa kuwartong iookupa nito at ng lalaking kasama nito ngayon.
"Solve na solve!" nakangiting sambit niya saka iwinagayway ang perang inabot ng costumer niya kanina.
"Wow! Ang laki ng tip mo a!" may halong inggit na sabi nito.
"Naman!" Mas inilapit pa niya sa mukha nito ang malaking halaga saka muling ipinasok sa loob ng bag.
"Give me a lot of tips too, okay?" sabi naman ni Chelsea sa kasama nitong costumer.
"Of course. Just do a mind blowing job," nakangising sabi naman ng lalaki. Napailing na lang siya. Halata sa mukha ng lalaki na sabik na sabik na itong makatalik ang kanyang kaibigan. Napakahigpit na ng hawak nito sa bewang ni Chelsea na halos ayaw na itong pakawalan. Bumababa pa nga ang kamay nito sa puwetan ng kanyang kaibigan na wala namang reklamo sa ginagawa niyon. Tila kilig na kilig pa ito.
"Hindi lang sasabog ang utak mo pati ang puson mo," biro naman ni Chelsea at sumiksik pa sa dibdib ng lalaking costumer bago siya binalingan ulit. "Oh siya, magtatrabaho muna ako."
"Sige," aniya sabay tango.
Muling napawi ang ngiti sa labi niya nang makalayo na ito. Ka-plastikan lang ang mga ngiting ipinapakita niya sa ibang tao. Ang saya na makikita sa kanya ay nababalot lang ng purong kalungkutan. Malalim siyang bumuntong hininga bago inihakbang ang mga paa palabas ng casa na iyon.
Nagpara agad siya ng taxi. Kinuha niya ang kanyang press powder na may maliit na salamin at doon tiningnan ang kanyang sarili habang komportableng nakaupo sa taxi. Nabura na ang lipstick niya sa tindi ng labanan nila ng kanyang customer sa kama kanina. Nagulo rin pati ang kanyang buhok.
BINABASA MO ANG
Untold Story Of The Billionaire's Escort
RomanceMatagal nang prostitute si Zoey kaya naman sanay na siyang binabastos lang ng mga lalaki. Wala lang iyon sa kanya. Sanay na siya! Kaya naman niyang ibigay ang katawan niya sa kahit sinong lalaki basta may katumbas na halaga pero nagbago ang pananaw...