Nilinis nang mabuti ni Gavin ang kanyang baril na bigay rin mismo ng kanyang ama. Isa itong caliber .45 na may kasamang magazine, bala at silencer. Nakalagay ito sa isang gun box na mukhang maliit na attaché case. Nakalatag ito sa lamesa na nasa sala.
Naniningkit at matalim ang kanyang mga mata habang nakatingin sa baril. Mukha ng sariling ama ang nakikita niya mula roon. Nag-uumapaw ang galit sa kanyang puso sa nalaman kaya't walang tumatakbo sa kanyang isip kundi ang patayin ang sariling ama. Hindi niya matanggap ang katotohanan na ito ang bumaboy sa babaeng minamahal niya.
Nakatingin lang sa kanya si Zoey na nanginginig sa takot . Panay pa rin ang hikbi nito. Takot ito sa maaari niyang gawin.
"K-kung anuman ang binabalak mo Gavin, huwag mo nang gawin," pakiusap nito na halos mabulol.
Masama ang tingin na ipinukol niya kay Zoey.
"Bakit mo ako pinipigilan? Ayaw mo bang patayin ko ang lalaking bumaboy sa'yo? Nasasarapan ka ba sa romansa niya?" mapang-insultong sambit niya.
Kahit kay Zoey ay masama ang loob niya. Hindi niya akalaing maglilihim ito nang matagal sa kanya. Pinagkatiwalaan niya ito pero ginago siya nito. Sa lahat ng lalaking papatulan nito, bakit ang sarili niya pang ama? Kahit walang choice si Zoey, dapat ay hindi pa rin ito nagpagamit sa kanyang ama. Dapat ay sinabi nito sa kanya, noong una pa lang para hindi siya nagmukhang tanga. Hindi niya matanggap ang bagay na iyon kaya nagagalit siya!
"Gavin..." tanging nasambit nito.
"Ang tagal na nating nagsasama pero hindi mo man lang sinabi sa akin na ang sarili kong ama ang karibal ko sa katawan mo!"
Pabagsak niyang inilapag ang baril sa lamesa at lumapit kay Zoey. Halos magdikit na ang kanilang mukha. Nanlilisik ang kanyang mga mata samantalang si Zoey naman ay nahihintakutan sa itsura ng binata. Nanginginig ang buong katawan nito sa takot at napaatras ito. Hindi rin ito makatingin sa kanyang mga mata. Na-corner niya ito sa pader na kanina'y sinuntok niya.
Nawala ang malambing at palangiting mukha ni Gavin. Para siyang nag-transform sa isang mabangis na hayop na anumang oras ay maaaring manakmal at pumatay. Ngayon lamang iyon nakita ni Zoey. Ngayon lamang nito nakita ang galit na mukha ni Gavin.
"Tandaan mo, ito ang araw na pagbabayaran ni Guillermo ang lahat," mariing sambit niya saka binalikan ang baril at dinampot iyon. Inilagay na nito ang magazine at bala sa loob ng baril at kinasa iyon. Isinuksok nito ang baril sa likuran ng pantalon nito at dire-diretso nang lumabas ng bahay. Desidido na siya at kahit ano pang gawin ni Zoey ay hindi siya kayang pigilan nito.
Hindi naman naglakas ng loob si Zoey dahil sa labis na takot sa kanya. Para na itong natulos sa kinatatayuan habang nakatanaw kay Gavin.
Sumakay siya sa kanyang kotse at pinaharurot iyon. Isa lamang ang destinasyon niya. Iyon ay patungo sa bahay ng kanyang ama. Ilang minuto lang ay nakarating na siya roon. Sinalubong at binati siya ng mga tauhan nito pero hindi niya pinansin ang mga iyon. Dire-diretso lamang siyang pumasok sa loob ng opisina nito.
Pabalya pa niyang binuksan ang pinto. Tanging si Leo na isa sa mga tauhan nito ang nasa loob. Waring may pinag-uusapang mahalagang bagay ang dalawa tungkol sa attaché case na may lamang cocaine. Napatigil ang mga ito sa pag-uusap nang dumating siya. Gulat pa ang reaksyon ng mga ito nang makita siya.
"Oh son, I didn't expect you to come. I thought you are hapilly celebrating your birthday with your girlfriend," nakangiting sabi nito. Sinenyasan pa nito si Leo na umalis muna. Agad naman iyong tumalima.
"Happy?" Umismid siya. "The happiness wouldn't be complete if I won't kill you today."
Nilapitan niya ito at kinuha ang baril sa kanyang likuran. Agad niyang itinutok iyon sa sariling ama. Tanging ito lamang ang nakikita ng kanyang mga mata. Walang pag-aalinlangan sa kanyang isip at kahit anong oras ay maaari niyang kalabitin ang gatilyo at iputok iyon sa ulo nito.
BINABASA MO ANG
Untold Story Of The Billionaire's Escort
RomanceMatagal nang prostitute si Zoey kaya naman sanay na siyang binabastos lang ng mga lalaki. Wala lang iyon sa kanya. Sanay na siya! Kaya naman niyang ibigay ang katawan niya sa kahit sinong lalaki basta may katumbas na halaga pero nagbago ang pananaw...