32: GOOD NEWS OR BAD NEWS

37 1 0
                                    

"Sana ay pinatay mo na lang din ako," aniya habang nakatingin nang masama kay Don Guillermo.

Hilam pa rin ng luha ang kanyang mga mata. Matagal siyang nakatulala bago naka-recover sa pagkasindak sa nangyari kay Leo. Nakahiga na naman siya sa kama at ipinoposas na nito ang kanyang mga kamay at iginapos ang mga paa. Nagpupumiglas siya pero imposible na siyang makawala pa. Nanakit lamang ang kanyang pulso dahil sa pagkaskas ng posas sa kanyang kamay.

"Not yet, Lorraine. I have more plans to you," nakangising sambit nito pagkatapos siyang posasan. "May kailangan pa ako sa'yo. Kailangang sabihin mo sa akin kung saan mo itinago ang ebidensiyang ibinigay sa iyo ni Selena?"

"Wala akong alam sa sinasabi mo!" mariin niyang sagot. Ilang beses na itong iginigiit sa kanya ni Don Guillermo pero kahit sabihin niya rito na hawak niya ang susi ay hindi naman niya alam kung nasaan ang kahon na paggagamitan nito. Ngunit mamamatay muna siya pero hindi nito mapapasakamay ang ninanais na ebidensiya. Hindi niya ipapahamak si Gavin na may hawak ngayon ng susi.

Umupo ito sa gilid ng kanyang kama at hinaplos ang kanyang mukha. Umiwas naman siya pero nagawa pa rin nitong pisilin ang kanyang mukha gamit lamang ang isang kamay nito.

"Talagang matigas ka. Tingnan natin kung hanggang saan ang katigasan mo. Hindi magtatagal, sasabihin mo rin sa akin ang nais kong malaman."

"Manigas ka rin pero hinding-hindi mangyayari iyon." Nakipagtagisan siya ng tingin sa mga mata ng don. Ngumisi naman ito sa kanya bago binitiwan ang kanyang mukha.

"I will make you obey with me. Whether you like it or not."

"Makuha mo man ang katawan ko pero hindi ang isip, puso at kaluluwa ko. Mamamatay ako pero hindi mo makukuha ang gusto mo." matigas na turan niya.

"I don't need your heart and soul. I just need your body and your knowledge to the evidence. Hanggang hindi ako nagsasawa sa katawan mo, magiging alipin kita at hanggang hindi ko nalalaman ang totoo, mabubuhay kang miserable sa piling ko!"

"Maniac ka! Hayop! Demonyo!" mariing sambit niya.

"Yeah I know." Biglang sinunggaban ng kamay nito ang kanyang dibdib at mariing pinisil iyon. Napadaing siya sa sobrang sakit.

"It's your charm's fault. Kung hindi ka biniyayaan ng ganyan kagandang mukha at katawan at karismang ubod ng lakas, baka hindi kita pinag-interesan."

"Sadyang malibog ka lang! Kahit siguro poste na pinaldahan papatulan mo!"

Malakas na sampal ang ibinigay nito sa kanya. Halos tumabingi ang kanyang mukha sa lakas niyon. Agad namula ang kanyang pisngi at humapdi iyon. Kinagat niya ang kanyang labi para pigilan ang luhang nais na namang pumatak sa kanyang mga mata. Ininda niya ang hapdi niyon at nakipagsalubungan ng tingin kay Don Guillermo.

Hindi siya natatakot kahit na patuloy siyang sinasaktan nito. Mas mabuti nga ang magalit ito sa kanya para patayin na siya nito, oramismo!

"You have no right to insult me! You are just my slave!" Tumaas ang boses nito dahil sa galit.

Tumayo ito at may kinuhang isang syrange at bote na may lamang likido. Kahit hindi sabihin ng don kung ano iyon, sigurado siya na drugs iyon at balak itong gamitin sa kanya.

Alam na niya ang matinding epekto sa kanyang isip at katawan ng gamot na iyon. Matagal na itong ginagawa sa kanya ni Don Guillermo at hindi niya mapigilan ang sarili sa oras na naiturok na ito sa kanya. Hindi niya makontrol ang sariling isip at katawan. Para siyang isang robot na sumusunod sa bawat bulong nito sa kanya.

Nagpumiglas siya nang tangka nang iturok sa kanya ng don ang syrange pero hindi niya nagawang pigilan ito. Mas malakas ito sa kanya at nakaposas pa ang kanyang mga kamay at paa. Ramdam niya ang pagtusok ng karayom sa kanyang braso at ang pagpasok ng likido sa loob ng kanyang katawan.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon