Walang ibang nasa isip si Gavin kundi ang mahabol at patayin si Don Guillermo. Labis-labis na galit at pagkapoot ang nararamdaman niya para sa ama-amahan. Punong-puno na siya sa kademonyohang ginawa nito kay Zoey at sa kanyang sariling ina. Panahon na para pagbayarin niya ito.
Gigil na diniinan niya ang hawak sa manibela ng kotseng minamaneho habang ang mga mata ay nakatutok pa rin sa hinahabol na sasakyan. Gabing-gabi na at halos wala nang sasakyan sa lugar na iyon kaya't malaya ang kanilang mga sasakyan na maghabulan sa kahabaan ng kalsadang iyon.
Idiniin niya ang yapak sa silinyador ng sasakyan kaya lalong bumilis iyon. Bahagya na niyang naabutan ang sasakyan ni Don Guillermo. Kaunting dangkal na lamang at abot na niya ang likurang bahagi ng sasakyan nito.
Mas binilisan pa niya kaya naman nasalpok ng unahang bahagi ng kotse niya ang likurang bahagi niyon.
"Fuck you!" gigil at malakas na sambit ni Don Guillermo. "Leave me alone, son of a bitch!"
Tumapat ang kotse niya sa sasakyan nito at tiningnan niya nang masama si Don Guillermo.
"Sumuko ka na!" malakas na sabi rito.
"I will not surrender! Mamamatay muna ako bago nila ako mahuli!" sabi nito saka muling binilisan ang takbo ng sasakyan.
Hindi naman sumuko si Gavin. Sinundan pa rin niya ito. Napayuko siya nang bigla itong magpaputok ng baril at sumablay sa unahan ng kanyang kotse.
"Damn you!" mura rin niya saka kinuha ang baril na inilapag niya sa passenger's seat. Pinaputukan rin niya iyon ngunit dumaplis lamang.
Narinig niya ang serena ng mga pulis na papalapit na rin sa kinaroroonan nila. Bahagya siyang napanatag na may back up na siya ngunit naroon pa rin ang matatag niyang paninindigan na hulihin sa sarili niyang mga kamay ang lalaking itinuring niyang tunay na ama noon.
Binilisan pa niya ang pagpapatakbo ng sasakyan hanggang sa muling maabutan ang sasakyan nito. Sinubukan niyang unahan ito upang maharangan niya ang daraanan nito ngunit sadyang mabilis ito at panay ang pagpapaputok ng baril sa kanya. Mabuti na lamang at hindi siya natatamaan ng bala na dumadaplis lang sa kanyang sasakyan.
Pinaputukan din niya ito at sa pagkakataong iyon ay sinubukan niyang patamaan ang kotse nito. Nagtagumpay naman siya at agad na pumutok ang gulong ng sasakyan nito. Umikot ang kotse at biglang tumigil sa gitna ng daan. Agad rin naman niyang itinigil ang kanyang kotse at nilapitan ang nakatigil na kotse ni Don Guillermo. Tinutukan niya ng baril ang tila nagulat pang lalaki.
"Baba!" maawtoridad na utos niya rito.
Ngumisi lang ito bago bumaba ng sasakyan.
"Do you really think that you already captured me?" Tumawa pa ito.
Hindi naman pinansin ni Gavin ang pang-aasar nito. Kinuha niya ang hawak nitong baril at pinatalikod ito. Hinawakan niya ang dalawang kamay nito sa likod pero bigla itong nagpumiglas at mabilis siyang sinuntok sa mukha. Sa lakas niyon ay na-out of balance siya. Bumagsak siya sa sahig. Mabilis na inagaw nito ang baril sa kanya at itinutok iyon.
"Hindi ka namatay sa pagsabog pero ngayon titiyakin ko nang hindi ka na mabubuhay!"
Isang putok ng baril ang pumailanlang sa paligid. Ang akala ni Gavin ay patay na siya ngunit pagdilat niya ay nakita niyang nakabulagta sa sahig si Don Guillermo. Nang lingunin niya kung sino ang nagtangkang bumaril dito ay nakita niya ang amang si Alvin na may hawak ng baril at nakatutok pa rin. Hindi niya akalaing nakasunod na sa kanya nang mabilis ang mga ito.
Inagaw ni Sgt. Martinez ang baril sa kanyang ama saka lumapit sa kinaroroonan niya. Kasunod rin nitong tumatakbo si Zoey palapit sa kanya. Agad siyang niyakap nito nang mahigpit na ginantihan rin niya ng yakap at halik sa noo.
BINABASA MO ANG
Untold Story Of The Billionaire's Escort
RomanceMatagal nang prostitute si Zoey kaya naman sanay na siyang binabastos lang ng mga lalaki. Wala lang iyon sa kanya. Sanay na siya! Kaya naman niyang ibigay ang katawan niya sa kahit sinong lalaki basta may katumbas na halaga pero nagbago ang pananaw...