3: DEVIL'S SURNAME

112 2 2
                                    


Natatawa si Zoey habang pinagmamasdan ang bugnot na itsura ng lalaki. Wala kasing ibang pagpipiliian ito kundi hintaying matuyo ang damit. Hindi naman ito makapagpabili sa kanya ng isusuot dahil sabi niya, mas mahal pa ang gagastusin nito sa bagong damit kaysa sa kakaltasin niyang 500 pesos sa pagpapalipas pa nito ng ilang oras sa bahay niya.

Ewan ba naman niya sa sarili kung bakit naisipan niyang kupkupin ang lalaking ito. Kung tutuusin, puwede naman niyang pabayaan na lang niya ito sa lansangan pero naawa naman siya. Hindi maatim ng konsensiya niya na gawin iyon sa lalaki.

"Okay ka lang?" pang-aasar pa niya rito. Tinabihan niya ito sa kama at hinawakan sa hita. Mabilis naman itong umiwas na parang napaso sa hawak niya. Pinigil niya ang sariling matawa dahil sa reaksyon nito. Lumayo na lang siya rito at naupo sa silya malapit sa mesa at kinuha ang isang sigarilyo sa loob ng pakete at sinindihan iyon. Hinithit niya at binuga ang usok niyon.

"Gusto mo?" alok pa niya sa binata. Umiling naman ito saka inilapag na lang niya ulit sa mesa ang pakete ng sigarilyo at muling humihit-buga. "Hindi ka naninigarilyo?"

"Dati ngayon hindi na, inom lang."

"Wow, good boy," pang-aasar na papuri niya rito.

"Not really. Actually, they call me rebel," sabi nito sabay kibit-balikat.

"Talaga? Kaya ka ba lasing na lasing kagabi dahil nagrebelde ka? Wow ha? Bakit naman kailangan mong magrebelde? Masaklap ba ang buhay mo sa pamilya mo?"

"Unfortunately yes. Sinusumpa ko ang pamilya ko lalo na ang ama ko." Halata sa mga mata ang galit sa taong tinutukoy nito.

"Wow!" tanging naitugon niya.

"Alam mo, hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa'yo. Mabait ka ba o manggagantso?" sabi naman nito sa kanya.

"Grabe ka naman sa manggagantso." Nagsalubong ang kilay niya at sumimangot. Na-offend siya nang kaunti sa sinabi nito. "Tinulungan na nga kita, ganyan pa ang tingin mo sa akin."

"Tulong ba iyong paniningil mo sa akin sa pagtuloy ko dito sa bahay mo?"

"Kasasabi ko lang 'di ba? Wala nang libre sa panahon ngayon. Aba! Hindi naman ako mayaman para magpatira ng libre. Mura na nga ang singil ko sa'yo e. 500 lang. Kung sa isang motel ka tutuloy, tatlong oras o dalawang oras mo lang, 700 na. Ubos agad ang isang libo sa wallet mo. Wala ka pang libreng pagkain."

"Iba ka!" sabi nito na naiiling.

"Compliment ba iyan? Kung ganoon, thank you," sabi niyang nakangiti.

"Ikaw lang ba mag-isa rito?" pagkuwan ay tanong nito. Luminga pa ito sa paligid na waring sinasaliksik ang kabuuan nito. Wala naman siyang maipagmalaki sa maliit at magulong bahay niya. Nagsisisi tuloy siyang pinatuloy niya ito. Baka malait pa nito ang kanyang maliit na bahay.

"May nakikita ka bang kasama ko?" pilosopong tugon niya.

"Malay ko ba kung may ka-live in kang boyfriend."

Tumawa naman siya sa sinabi nito. "Boyfriend? Baliw ka ba? Kung may boyfriend akong ka-live in dito, hindi na kita pinatulog dito at saka hindi damit ko ang ipapasuot ko sa iyo."

Napakamot naman ito ng ulo. Na-realize ang pagkakamali sa tanong nito.

"Kung wala kang boyfriend, bakit parang expert ka na sa pang-aakit?" nagtatakang tanong nito.

Ngumisi siya. "Bakit? Naaakit ka ba sa akin?"

Pinamulahan ito ng mukha at umiwas nang tingin. "Wala namang lalaking hindi maaakit sa'yo. You are beautiful and has a gorgeous body. Hindi ka ba natatakot na mapagsamantalahan dahil mag-isa ka lang dito?"

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon