10: PROSTI LIFE

81 1 0
                                    

Isinama siya ni Chelsea sa bar na pinapasukan nito. Nag-aalangan pa siyang ihakbang ang mga paa papasok sa loob niyon. Nanlalamig ang kanyang pakiramdam at abot-abot ang kanyang kaba. Pakiramdam na una niyang naramdaman nang dalhin siya ng kanyang tiyahin sa casa at ipagbili kay Cordelia.

Napaatras siya nang malapit na sila sa entrance ng bar.

"May problema ba?" tanong sa kanya ni Chelsea nang mapansin ang kanyang pagkabalisa.

Umiling naman siya at sinubukang ihakbang muli ang mga paa. Nilakasan niya ang kanyang loob. Nahihiya siya kay Chelsea kung aatras pa siya. Narito na sila at kailangan niyang panindigan ang pagsang-ayon niyang magtrabaho sa lugar na iyon bilang waitress.

"Dito ka magtatrabaho bilang waitress. Madali lang iyon kasi magse-serve ka lang ng inumin sa mga customers," sabi sa kanya ni Chelsea nang tuluyan na silang nakapasok sa loob. Dinala siya nito sa may counter.

"Teka at ipapakilala kita kay Ate Aloha."

"Sino iyon?" tanong naman niya.

Luminga-linga si Chelsea sa paligid at nakita nito ang babaeng hinahanap. Nilapitan nila iyon. Naka-dress ang babae na labas ang boobs at maputing legs nito. May hawak itong sigarilyo at hinihithit iyon. Tumaas pa ang kilay nito nang makalapit na sila.

"Sino iyang kasama mo?" tanong nito kay Chelsea.

"Siya si Zoey, Ate. Ipapasok ko sanang waitress dito. Kailangan niya ng trabaho e."

"Bakit waitress pa? Bakit hindi na lang prostitute?"

"Ayaw daw po niyang magbenta ng katawan."

"Arte naman," sabi pa nito sabay irap. Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa. "Sayang ang ganda niya kung magwe-waitress lang siya."

Lumapit naman si Chelsea at bumulong sa tinawag nitong Aloha. "Sagot ko na siya, Ate. Pagbigyan mo na. Pasasaan ba at mapapapayag mo rin iyan."

Tumango naman ang babae at muli siyang tiningnan. "Sige na nga, puwede ka nang magsimula ngayon."

"Talaga po?" Nagliwanag ang kanyang mga mata sa tuwa. Hindi niya akalaing matatanggap siya agad para magtrabaho roon.

Hindi naman nito pinansin ang sinabi niya sa halip ay binalingan ang lalaki na nakatayo sa counter.

"Billy," tawag nito sa lalaki.

"Yes, Ma'am," sagot naman nito at itinigil ang ginagawa at tumingin sa kanila.

"Siya si Zoey, bago nating waitress," pakilala nito sa kanya. "Siya naman si Billy. Waiter siya dito at siya ang makakasama mo dito. Siya ang magtuturo sa'yo nang dapat mong gawin."

Nginitian lang niya ito.

"Maiwan na kita at kailangan ko nang mag-ayos," paalam ni Aloha sa kanya. "Billy, ikaw na ang bahala sa kanya."

"Sige po, Ma'am," sagot naman ni Billy.

Tinalikuran naman na sila ni Aloha at dire-diretsong nagtungo sa isang silid.

"Ako rin, kailangan ko nang magtrabaho. Maiwan ko na kayo," paalam naman ni Chelsea sa kanya.

"Teka!" Bigla siyang kinabahan nang malamang iiwan siya ni Chelsea.

"Relax ka lang. Kaya mo iyan!" Kinindatan pa siya nito bago tuluyang tinalikuran.

Wala siyang nagawa kundi ang sundan na lang ito nang tingin hanggang sa makapasok ito sa isang silid na naroon.

Ibinaling ang tingin kay Billy na ngayon ay kinakausap na pala siya.

"Kukunin mo lang ang order ng mga customers saka ise-serve iyon sa kanila isa-isa," sabi nito sa kanya. "Kapag tinawag ka nila, lapitan mo agad."

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon