49: THE BEAST

31 1 0
                                    

Halos wala na siyang pahinga dahil sa wedding preparation nila ni Dancel. Kung saan-saan sila napunta ni Dancel. Madalas silang naroon sa opisina ng wedding coordinator para i-discuss ang mga nais nila sa kanilang wedding. Sa totoo lang, wala naman siyang mai-suggest talaga patungkol dito at halos ang wedding coordinator din ang nagsa-suggest ng mga kailangan sa wedding tulad ng motif, venue, gown at kung ano-ano pa. Wala naman siyang ginagawa kundi ang sumang-ayon.

"Miss Candice, anong gusto ninyong motif, red, yellow, purple, pink or fuschia?" May ipinakita itong mga sample sa kanya galing sa catalogue na may iba't ibang disenyo at kulay ng mga gowns para sa mga abay. Binubuklat nito iyon sa harap niya.

"Kahit ano," walang ganang tugon niya.

"Pili po kayo ng gusto mo, para ma-finalize na natin."

"Sige fuschia na lang," napipilitang sabi niya.

"Okay, final na po ang fuschia." Inilista nito iyon sa planner notebook nito. Pagkatapos ay ibinigay sa kanya ang isang wedding gown catalogues. "Marami pong design na pagpipilian diyan. Tell me kung anong gusto mo."

"Ano ba sa tingin mo ang maganda dito?" aniya na binuklat-buklat ang hawak na catalogue.

"Lahat naman po iyan ay magaganda at bagay na bagay sa'yo."

"E di kahit ano na lang dito okay na sa akin." Ibinalik niya dito ang catalogue. "Bahala ka nang pumili ng pinakamaganda," aniya pa.

"Wala ka bang sariling desisyon?" inis na sabi ni Dancel nang mapansin nitong wala siyang ganang makipag-usap sa wedding coordinator.

Lagi niyang kasama si Dancel. Hindi ito pumapayag na mag-isa lang siyang lumalakad at nag-aasikaso ng kanilang kasal. Sa totoo lang, ayaw lang nitong masalisihan ni Gavin. Bantay-sarado ito sa kanya.

Mula naman ng itaboy niya si Gavin ay hindi pa ulit ito nagpapakita sa kanya. Hindi niya alam kung tinanggap na lang ba nito ang desisyon niya na layuan siya nito? Parang hindi niya naman matanggap sa sarili na basta na lamang isinuko ni Gavin ang pagmamahal sa kanya dahil lang itinaboy niya ito.

"Magaganda naman ang suggestion niya kaya okay naman para sa akin," sagot niya kay Dancel.

"It seems that you are not interested in our wedding," sabi pa nito. Bahagyang tumaas ang boses at nagsalubong ang mga kilay. Napatingin naman ang wedding coordinator at tila natakot sa namumuong tensiyon sa pagitan nilang dalawa.

"Of course not. Interesado ako."

"Hindi ganyan ang itsura ng isang interesado at excited ikasal sa taong mahal niya," sabi naman nito na kinontra ng kanyang isip.

"Hindi naman talaga kita mahal," naisaloob niya.

Sa halip na sumagot ay yumuko lamang siya.

"Let's go!" Bigla nitong hinila ang kanyang kamay na ikinagulat niya.

"P-pero..." Napatingin siya kay Noriel na nakatingin lang din sa kanila. Halatang gulat rin ito sa inaakto ni Dancel.

"Noriel, do all the works. Don't ask this lady. Tell us if all things are settled," anito sa bakla. Hindi na nito hinayaan pang makapagsalita iyon at tinalikuran na agad nila ito. Dire-diretso silang lumabas sa opisina nito at dinala siya sa kotse nito at sapilitang pinapasok. Pinaharurot nito ng walang sabi-sabi ang kotse nito. Mahigpit siyang napakapit sa kanyang kinauupuan. Wala siyang ideya kung saan siya dadalhin ni Dancel.

Hindi na niya nagawa pang magtanong. May sumibol na takot sa kanyang puso nang sulyapan niya si Dancel. Salubong ang mga kilay nito na waring walang pakialam kahit abutan sila ng aksidente sa daan dahil sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nito. Pumikit na lamang siya para hindi makita kung sakaling may mangyari mang masama sa kanila habang naglalakbay.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon