Kinaladkad si Zoey ni Dancel pabalik sa loob ng building ng Glorioso. Halos madapa na siya sa pagkaladkad nito sa kanya. Nananakit na rin ang braso niya sa sobrang higpit ng pagkakahawak ni Dancel roon.
"Dancel, nasasaktan ako," daing niya. Pilit niyang inaalis ang pagkakahawak ni Dancel sa kanyang mga kamay.
Madilim ang mukha na tiningnan siya ni Dancel. Salubong ang kilay nito at naniningkit ang mga mata.
"What do you think you're doing?" galit na tanong sa kanya ni Dancel. "You are about to marry me soon. Bakit sumasama ka sa lalaking hindi mo kilala?"
"Hindi ko nga ba siya kilala, Dancel?" mapanuring tanong niya.
Natigilan naman ito sa tanong niya. Hindi agad ito nakasagot. Umiwas pa nga ito ng tingin sa kanya.
"Bakit hindi ka makasagot? Totoo ba ang sinasabi ng Gavin na iyon na siya ang totoong kasintahan ko?"
"He is a crazy man. Don't believe whatever he says."
"Bakit hindi ako makikinig sa kanya kung totoo ang mga sinasabi niya at ang sa'yo ang hindi?" giit niya. Tumaas na rin ang kanyang boses.
"You think I am a liar?" Tumaas na rin ang boses nito. Nagkaroon nan g tensiyon sa pagitan nila. Ang ilang tao na napapadaan ay napapatingin na rin sa kanila. Nagtataka ang mga ito sa komusyon na nangyayari sa kanila. Napansin iyon ni Dancel kaya agad siyang dinala sa isang private room na naroon din sa building na iyon. Pinaupo siya sa silya nito at umupo rin ito sa silyang harap niya.
"Look, Candice. I understand that you have a memory loss but you don't have to believe everything that you heard. Ako lang ang dapat pakinggan mo," mahinahong sabi nito. Hawak nito ang mga kamay niya at nakatingin sa mga mata niya ngunit wala siyang makitang katotohanan sa mga sinasabi nito. Puno pa rin siya ng pagdududa.
"Kung gusto mong pakinggan kita, then tell me the truth. Totoo at walang halong kasinungalingan," mariing sabi niya.
"Everything I told you is true," sabi pa nito.
"Bakit niya ako tinawag na Zoey?" tanong pa niya. Gusto niyang masagot ang mga katanungan sa kanyang isip kahit pa magalit si Dancel. Nilakasan na niya ang kanyang loob.
"I told you, he is a crazy man."
"I don't believe you," diretsahang sabi niya.
"What?" Muling nagsalubong ang kilay nito.
"Hindi mo sinasabi sa akin ang totoo. Hindi mo sinabi sa akin na totoong kilala ko ang Gavin na iyon. Sinabi mo sa akin na hindi mo siya kilala pero kaninang magkausap kayo, alam kong kilala mo siya at kilala ka niya!"
Hindi naman agad ito nakasagot pero halata sa mukha nito na naiinis na ito sa itinatakbo ng kanilang usapan.
"Okay fine. Sasabihin ko na. He was really your boyfriend before." Idiniin nito ang huling salita. "Magkasintahan kayo pero niloko ka niya kaya nagkahiwalay kayo. Then I came into picture and I save your heart from him. I help you to move on. I love you more than he loves you."
"Niloko niya ako?" hindi makapaniwalang sambit niya.
"Yes. Hindi lang naman ikaw ang babaeng niloko niya. Marami na."
Hindi siya nakasagot. Tumatakbo pa rin sa isip niya kung paano siya tingnan at kausapin ni Gavin kanina. Ramdam niya ang pagnanais nito na mailayo siya kay Dancel. Ramdam niya ang pagprotekta at pagmamahal nito.
"Please Candice, stop overthinking. Hindi iyon makakabuti sa'yo," sabi naman nito.
"You can't blame me. Ang dami kong nadidiskubre na nagpapagulo sa isip ko. Pagdating palang natin dito sa Maynila, may nagsabi sa akin na tinakasan daw kita. Hindi ako naaksidente noong nawala ako. Ayoko raw magpakasal sa'yo dahil hindi naman talaga kita mahal."
BINABASA MO ANG
Untold Story Of The Billionaire's Escort
RomanceMatagal nang prostitute si Zoey kaya naman sanay na siyang binabastos lang ng mga lalaki. Wala lang iyon sa kanya. Sanay na siya! Kaya naman niyang ibigay ang katawan niya sa kahit sinong lalaki basta may katumbas na halaga pero nagbago ang pananaw...