88: THE RECKONING

40 1 0
                                    


"Gavin!" paulit-ulit niyang sambit kahit alam niyang hindi na siya maririnig nito. Patuloy ang pag-agos ng masaganang luha sa kanyang mga mata. Hindi niya akalaing sa ganoong paraan mawawala ang kanyang pinakamamahal. Hindi niya matanggap! Sobrang sakit! Daig pa niya ang pinapatay nang paulit-ulit.

Binalingan niya ng matalim na tingin si Don Guillermo. Nagtangis ang kanyang mga ngipin. Nagpumilit siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa pagitan nina Angela at ng tauhan ni Don Guillermo. Sinunggaban niya si Don Guillermo at malakas na pinaghahampas ng kanyang kamao.

"Hayop ka! Demonyo ka!" galit na galit na sambit niya.

Gigil na gigil ang bawat paghampas na ginawa niya rito. Kung may patalim lamang siya ay nasaksak na niya ito ng paulit-ulit. Puno ng galit at paghihinagpis ang kanyang puso dahil sa walang awang pagpatay nito kay Gavin.

"Papatayin kita! Demonyo ka!"

Panay naman ang salag nito sa mga pagbayo na ginagawa niya.

"Stop her!" utos nito sa tauhang nasa likuran niya.

Puwersadong hinila naman siya nito upang makabalik siya sa upuan. Nagwawala pa siya hanggang sa makaupo kaya naman malakas siyang sinuntok sa sikmura ng lalaki. Dumaing at namilipit siya sa sakit. Umikot ang kanyang paningin at nawalan siya ng malay. Narinig pa niya si Angela na umiiyak at binabanggit ang kanyang pangalan.

Nagising siya sa kakaibang amoy sa kanyang paligid. Napakabango nito at nakakaengganyong langhapin. Sininghot pa niya ito nang paulit-ulit dahil nagustuhan niya ang amoy nito. Ngunit pagdilat niya ay napansin niyang nasa isang silid siya na hindi pamilyar sa kanya.

Medyo madilim ang paligid sapagkat tanging ilaw lamang na nagmumula sa lampshade na nasa gilid ng kama at nakapatong sa side table ang tanging nagbibigay ng liwanag sa paligid.

Biglang sumagi sa isip niya ang nangyari bago siya nawalan ng alaala. Awtomatikong naglandas ang luha sa kanyang mga mata nang maalala ang pagsabog ng building na kinaroroonan ni Gavin.

"Gavin," sambit niya sabay hagulgol. Tila may pumipiga sa kanyang puso habang inaalala ang mga ngiti at mga pinagsamahan nila ni Gavin na hindi na maibabalik pa.

"I am glad you're awake."

Inilinga niya ang paningin sa paligid kung saan nanggaling ang boses. Iniluwa ng pinto ang isang bulto ng lalaki. Base sa hubog ng katawan nitong may kalakihan ay tila nakikilala niya ito. Naglakad ito palapit sa kanya at nasinangan ng ilaw ang mukha nito.

Agad na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha pagkakita sa mukha ng lalaki. Dumilim ang kanyang anyo at naningkit ang kanyang mga mata. Nagtangis ang kanyang mga ngipin at ikinuyom niya nang mariin ang kanyang kamao. Mabilis siyang tumayo at binayo sa dibdib ang lalaki.

"Demonyo ka! Hayup! Walang puso! Walang kaluluwa! Dapat ikaw na lang ang namatay!" patuloy na panunumbat niya kasabay ang malakas na pagbayo. Gigil na gigil siya rito.

Pinigilan nito ang kanyang braso. Mahigpit siyang hinawakan nito.

"Stop hitting me if you don't want me to take you where your boyfriend is!" banta nito sa kanya.

Marahas niyang inagaw ang kanyang braso mula sa pagkakahawak nito.

"Sana nga isinama mo na lang ako!" mariin niyang sabi.

"Not yet, baby." Hinaplos nito ang mukha niya pababa sa kanyang leeg.

Agad na kinilabutan siya sa paghawak nito at base sa tinging ipinupukol nito sa kanya. She sees nothing in his eyes but lust. Iniiwas niya ang kanyang mukha at umatras siya upang makalayo rito.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon