6: THE BIDDER

90 2 0
                                    

"Bye, Tay,"nakangiting paalam ni Zoey sa matandang driver nang makababa sa taxi. Binalingan pa siya nito. "Oy, ikaw! Umuwi ka na at huwag ka ng maglalasing. Tandaan mo, wala ka ng pera."

"Yes, Ma'am," biro niya dito sabay saludo. Naiiling na lang siya sa pang-iinsulto nito sa kanya palibhasa ay hindi nito alam ang tunay na status niya sa buhay.

Tinalikuran na siya ni Zoey. Tiningnan niya lang ito habang papasok ito sa loob ng casa.

"Saan kita ihahatid, hijo?" tanong naman ni Mang Damian bago muling paandarin ang makina ng sasakyan.

"Dito na lang po ako," magalang na tugon niya saka aktong bababa ng taxi.

"Ha?" Ikinagulat iyon ng matanda. Tumitig pa ito sa kanya na tila ba tinatantiya kung nagbibiro lang ba siya o seryoso sa sinasabi niya.

"You heard me right, Tay. Dito na lang ako at dito lang din po kayo," bilin pa niya sa matanda.

"Ha?" ulit ng matanda na para bang laging nagtataka sa sinasabi niya.

"Hintayin ninyo po ako at babalik din po agad ako. Mamaya na po ako magpapahatid sa inyo. Huwag po kayong mag-alala, babayaran ko po kayo sa abala."

Walang nagawa si Tatay Damian kundi ang tumango. Nginitian naman niya ito bago ito tinalikuran at nagpasyang sundan si Zoey sa loob ng Desire's Place. Nakita niya itong pumasok sa loob na isang kuwarto kasama ang isang kaibigan nitong sa tingin niya ay isang prostitute rin.

Matagal siyang naghintay hanggang sa mag-umpisa na ang bidding sa mga babaeng isa-isang lumalabas at sumasayaw sa gitna ng stage. Wala lang sa kanya na pinanood ang mga iyon. Sanay naman siya sa mga ganoong klaseng babae kahit na noong nasa America pa siya. Hindi nga lang sa ganoong lugar siya nakakakita ng mga ganoong babae, maging sa pampublikong lugar ay naglipana ang mga liberated na babae.

Bigla siyang kinabahan nang lumabas si Zoey at naglakad sa patungo sa gitna ng stage. Mabilis siyang nagtago sa madilim na sulok ng casa na iyon. Kitang-kita niya mula roon ang sexy na katawan ni Zoey na halos wala ng saplot. Suot nito ang isang tube top na may nakapatong na transparent na long sleeve at panty lace underwear. Kitang-kita niya ang malulusog nitong dibdib maging ang makinis nitong hita.

Napalunok siya habang pinagmamasdan itong gumigiling. Sa dami ng babae na lumabas at nagsayaw kanina, si Zoey lang ang nagpainit ng kanyang katawan. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganoon ang epekto nito sa kanya mula pa kaninang makita niya ito sa mismong bahay nito.

Isa-isang nilalapitan ni Zoey ang mga parokyano at tila inaakit ang mga iyon. Nagngingitngit naman siya sa galit habang pinagmamasdan ito pero pinigilan niya ang kanyang sarili na lapitan ito at hatakin palabas.

Nagsimula na ang bidding para kay Zoey. Gumitna muli si Zoey sa stage na para bang isa itong mamahaling antique na pine-presyuhan para makuha.

"30,000!" sigaw ng matandang parokyano na parang uhaw na uhaw na makipagtalik.

"50,000!" sigaw naman ng isang lalaking medyo may katangkaran. Mukhang mayaman ito at sa tantiya niya ay nasa treinta lang ang edad.

"100,000!" sabi naman ng isa pang lalaking may katandaan na rin ang itsura. Sa palagay niya ay nasa kuwarenta na ang edad nito. Lalo siyang nagngitngit. Hindi siya makapaniwalang ganoon kalaking halaga ang ipinupusta sa katawan ni Zoey para lamang makatalik ng mga ito.

"May hahabol pa bang bid sa 100,000 para kay Zoey?" tanong ng babaeng nagsasalita.

"100,000 is our last bid. May hahabol pa ba o isasara na ang bidding para kay Zoey?" tanong ng babaeng nagsasalita.

"500, 000!" sigaw niya kahit walang kasiguraduhang may makukuha siyang ganoong kalaking halaga. Isa lang ang tumakbo sa kanyang isip ng mga sandaling iyon. Hindi niya hahayaang mapunta si Zoey sa mga lalaking iyon.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon