85: NUISANCE

41 1 0
                                    


Masakit ang ulo ni Gavin nang magising siya. Tila may malakas na pumukpok sa kanyang ulo. Pilit niyang inalala kung anong nangyari. Agad siyang nakaramdam ng pangamba nang mapagtanto niyang nasa panganib si Zoey.

Mabilis siyang bumaba ng hagdan at natagpuan niya sina Mang Alvin, Tatay Damian at Sgt. Martinez na nakagapos ang mga kamay at paa. May takip rin ang bibig ng mga ito. Agad niyang dinaluhan ang mga ito at tinanggal mula sa pagkakatali. Inalis muna niya ang mga busal sa bibig ng mga ito.

"Anong nangyari? Nasaan si Zoey?" tanong niya.

"Dinukot siya ng mga tauhan ni Guillermo," tugon naman ni Sgt. Martinez. "Kasama rin si Aloha at Angela."

"Sina Angela at Aloha, iligtas ninyo rin sila. Pakiusap." umiiyak na sambit ni Tatay Damian.

"Oo, ililigtas namin sila. Ibabalik namin sila rito," sabi naman ni Gavin. Ikinuyom niya ang kanyang mga palad. Desidido siya sa gagawing pagligtas sa mga babae.

Nakalagan na niya ang mga ito at naupo na sila sa sofa. Tumatakbo ang kanyang isip sa masamang nangyayari kay Zoey at sa mga kasama nito. Labis siyang nag-aalala. Napupuno ang puso niya ng labis na pangamba at galit.

Sakto naman tumunog ang kanyang cell phone. Agad niya iyong sinagot.

"Hello," sambit niya.

"Hi, son! Still remember me?" tugon ng nasa kabilang linya.

"Don Guillermo?" paniniguro niya. Hindi niya alam kung paanong nalaman nito ang numero ng kanyang cell phone ngunit hindi na iyon mahalaga. Ang mahalaga ay tinawagan siya nito upang malaman niya ang kinaroroonan ni Zoey.

"Wow! You no longer call me father." Tumawa ito nang bahagya.

"You are not my father! Where is Zoey?"

"I guess you already know who your father really is."

"Answer me! Where is Zoey?" inis na sabi niya.

"Why are you in a hurry?" Tila nang-aasar pang sabi nito. "We're still talking about your real father."

"I know that Alvin is my father and not you! So please tell me, where is Zoey?" Lalong tumaas ang tono ng kanyang boses.

"Okay, relax. She is safe here," tugon nito.

"Siguraduhin mo lang dahil papatayin kita sa oras na may ginawa ka sa kaniya at sa mga kasama niya!"

"Pinagbabantaan mo ba ako? I should be the one telling you that, remember?" tila nakakainsultong sabi nito. "I hold the lives of these women. Ako dapat ang sinusunod mo."

"Anong gusto mo?" mariing tanong niya.

"You know what I want. The evidence. Give me the evidence that your mother kept and I will return your girlfriend and her companions."

"Paano ako makakasiguro na hindi mo sila sasaktan?"

"I have my word, son. When you don't follow my wishes, I will assure you that you will never see them alive," banta nito sa kanya.

Bahagya siyang nakaramdam ng takot sa banta nito pero hindi siya nagpasindak. Alam niyang kaya nitong gawin ang banta pero hindi niya papayagang mangyari iyon. Desidido na siya sa gagawing pagliligtas kay Zoey at sa mga kasama nito.

"Follow my instruction after this conversation. I'll text you where is the location. I want you alone. No police or else, I will surely kill them."

Pinutol na nito ang linya ng kanilang usapan. Nagngingitngit naman siya sa galit pagkatapos ng kanilang pag-uusap. Lalong humigpit ang pagkakakuyom niya sa kanyang kamao. Nanlilisik ang mga mata niya sa galit sa taong dumukot kina Zoey, Angela at Aloha.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon