Napanganga pa si Mang Damian nang makita siyang lumabas sa mansion matapos niyang makipag-usap sa ama. Wala itong kakurap-kurap na nakatitig sa kanya. Para itong nakakita ng isang greek god na bumaba sa lupa.
Hindi naman niya ito masisisi dahil ibang-iba na ang kanyang porma ngayon. Naka-business suit siya na mamahalin at may hawak na itim na attaché case. Sinadya niyang magpalit ng suot upang maisakatuparan ang kanyang planong pagtubos kay Zoey mula sa kamay ni Aloha. Alam niyang hindi sapat ang limang daang libong piso na ibinayad niya kagabi para tuluyang matubos si Zoey.
Hinawakan niya ang baba ni Mang Damian at iniikom ang bibig niyon. Tila naman napahiya ito at yumuko.
"Tay, bumalik na po kayo sa inyong bahay. Kapag tumawag si Zoey sa inyo para kumpirmahin ang nangyari kagabi, sabihin ninyo na wala kayong alam. Basta inihatid mo lang kami sa apartment niya. Wala na kayong sasabihing iba bukod doon. Wala rin po kayong pagsasabihan tungkol sa nangyari ngayon. Nagkakaintindihan po ba tayo?"
Tumango naman ang matanda at nagmamadaling sumakay sa taxi. Pero bago ito umalis ay nagtanong pa ito sa kanya.
"Paano ka?" Iniisip nitong hindi siya makakauwi nang walang sasakyan.
"I have my car. Don't worry."
Tumango naman ang matanda at pinaandar na ang sasakyan at umalis.
Nagtungo naman siya sa Desire's Place sakay ng kanyang magarang kotse matapos niyang manggaling sa bahay ng kanyang ama. Dinala niya ang sasakyang ibinigay nito sa kanyang kaarawan noong nakaraang taon. Dire-diretso siyang naglakad patungo sa receptionist na nakatayo sa lobby.
"Where is Aloha?" tanong niya sa receptionist.
"Nagpapahinga po siya sa kanyang kuwarto sa second floor," sagot naman ng babae.
"Can you assist me to her?" pakiusap na tanong niya.
"Ay naku Sir, sorry po. Hindi po siya puwedeng gisingin."
Inilabas niya mula sa kanyang wallet ang sampung libo piso at inilapag iyon sa harapan ng babae.
"Take me where Aloha is. Now!" maawtoridad na utos niya rito.
Kuminang naman ang mga mata ng babae at agad na lumapad ang pagkakangiti. Kinuha nito ang sampung libong piso at ibinulsa iyon.
"Tara po!"
Iba talaga ang nagagawa ng pera, naisaloob niya. Awtomatiko ang nagiging reaksiyon ng mga tao kapag nakakita ng pera. Nakakapagpabago ng isip. Tsk.
Inihatid siya nito sa second floor kung saan naroon ang kuwarto ni Aloha. Kumatok ang babae ng ilang ulit bago may nagbukas niyon. Nakasimangot na mukha ng babae ang lumabas mula roon. Halatang naalimpungatan iyon.
"Di ba't sabi ko kapag oras ng pahinga ko, bawal akong istorbohin?" inis na sabi ni Aloha sa babae. Hindi agad siya napansin nito.
"Pasensiya na, Ma'am. May naghahanap po kasi sa inyo. V.I.P," nahihiyang sabi nito sabay turo sa kanya.
Lumingon naman si Aloha sa gawi niya. Naningkit ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Kinikilala siya nitong mabuti.
"Mr. Jameson, right?" sambit nito.
Tipid siyang ngumiti. "Glad you remember."
"Of course! Sino bang hindi makakakilala sa lalaking nag-bid ng 500,000 pesos sa isa sa aking mga star." Agad na umabrisyete si Aloha sa kanyang braso. Malapad ang ngiti ng babae na pinapasok siya sa loob ng kuwarto nito.
"Come and sit here, Mr. Jameson." Iginiya siya nito sa isang mahabang sofa at doon pinaupo. Inayos pa nito ang sarili bago tumabi at humarap sa kanya. "Anong maipaglilingkod ko sa'yo?"
BINABASA MO ANG
Untold Story Of The Billionaire's Escort
RomanceMatagal nang prostitute si Zoey kaya naman sanay na siyang binabastos lang ng mga lalaki. Wala lang iyon sa kanya. Sanay na siya! Kaya naman niyang ibigay ang katawan niya sa kahit sinong lalaki basta may katumbas na halaga pero nagbago ang pananaw...