36: SAVE BY WHOM?

39 1 0
                                    


Yakap-yakap ni Zoey ang kanyang sariling katawan. Takot na takot siya sa matalim na kidlat at kulog sa gitna ng malakas na ulan. Ang daming bagay ang pumapasok sa kanyang isip. Nakakarinig siya ng malakas na putok ng baril at nakakakita siya ng patay na tao sa kanyang gunita. Nakikita rin niya ang isang lalaking tumatawa na parang demonyo.

"Aaahhh!" malakas na sigaw niya kasabay ang pag-iyak ng malakas.

Pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang ulo sa dami ng mga alaalang hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling.

Humagulgol siya habang nanginginig pa rin ang buong katawan sa takot at lamig. Walang tao sa paligid. Sobrang dilim. Ilang araw na siyang naglalakad. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Basta dinadala lang siya ng kanyang mga paa sa kung saan.

Ilang araw na ring walang laman ang kanyang tiyan. Hindi niya alam kung saan kukuha ng pagkain. Nagkakalaman lang ang kanyang tiyan kapag may napupulot siya sa basurahan. Ngunit dahil wala sa sarili, hindi niya alam na bulok na ang kanyang kinakain.

May biglang bumusinang sasakyan kaya napalingon siya. Tinakpan niya ang kanyang mga mata dahil nakakasilaw ang liwanag mula roon. May lumabas na tao mula sa sasakyang iyon. Hindi niya maaninag kung sino pero nakaramdam siya nang matinding takot kaya tumakbo siya.

"Miss!" tawag sa kanya nito pero nagpatuloy lang siya sa pagtakbo. Mas binilisan pa niya pero hinabol siya nito. Nagwala siya nang mahawakan nito ang kanyang braso.

"Bitiwan mo ako!" Patuloy siyang nagpupumiglas pero nakakapit pa rin ito sa kanyang braso.

"Ahhh! Bitiwan mo ako!" ulit niya.

"Miss, huwag kang matakot. Tutulungan kita," sabi nito sa kanya pero hindi siya naniwala.

"Ayokong maniwala sa'yo. Sasaktan mo ako. Papatayin mo ako!" sabi pa niya at pilit itinutulak ang lalaki.

"No. Hindi kita sasaktan. Promise." Nagtaas pa ito ng kamay at ngumiti.

Tinitigan ni Zoey ang mukha nito. Maamo ang guwapong mukha ng lalaki. Kahit basang-basa na rin ito dahil sa ulan ay nananatili itong nakangiti sa kanya. Para siyang nakakita ng isang anghel. Humikbi siya at niyakap ito.

"Gavin!" sambit niya. "Ang tagal mong dumating. Bakit ngayon ka lang?"

"Shhhh... you are safe now, Miss," sabi ng lalaki habang hinahagod ang kanyang likod.

Idinilat niya ang kanyang mga mata nang makarinig siya ng kaluskos. Inilinga niya ang kanyang mapaningin. Hindi niya alam kung nasaan siya. Nagising siyang nakahiga sa isang malambot na kama at nasa hindi pamilyar na kuwarto. Kahit pilitin niyang alalahanin kung paano siya nakarating doon ay hindi niya maalala.

Pinagmasdan niya ang kanyang sarili. Hindi na basa ang kanyang mga damit at napalitan na iyon ng maayos na bestida. May mga bandage na rin ang mga sugat niyang nakuha niya kung saan-saan.

May pumasok na isang lalaki sa loob. Kasunod pa ang isang lalaki na mas matanda kaysa sa isa. Ang isang lalaki ay guwapo at matikas at sa tingin niya ay kaedad lamang niya ito. Ang kasama nitong matandang lalaki ay may hawig din dito ngunit sa tingin niya ay nasa lagpas kuwarenta anyos lang. Nakasuot ang mga ito ng puting damit na gaya ng sa isang doctor.

Lumapit ang mga ito sa kanya. Agad siyang bumangon at napaatras. Isiniksik niya ang sarili sa sulok ng board ng kama. Punong-puno pa rin ng takot sa kanyang mga mata habang nakatingin sa dalawang lalaki.

"I am glad that you're awake," sabi ng mas batang lalaki.

"Kumusta ang pakiramdam mo, hija?" tanong naman ng mas matanda.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon