Hindi pinatulog si Zoey ng pagkikita nila ni Gavin. Hindi niya inaasahan na magkikita pa sila ulit ni Gavin. Ang unang pagkikita nila ay naging malaki na ang naging epekto sa kanya. Paano pa kaya ngayong alam niyang mapapadalas ang kanilang pagkikita?
Hindi niya akalaing kahit saan yata siyang estado mapunta ay kaya siyang sundan ni Gavin. Kahit ayaw na sana niya itong makita pa ay parang pinaglalapit pa rin sila ng tadhana. Sadyang mapaglaro. Tadhana ang naglayo sa kanila at tadhana rin ang naglalapit sa kanila. Hindi na sana niya nais pa na magtagpo ang kanilang landas kahit na sabik na sabik na siya rito. Iyon ay sa kadahilang alam niyang kapahamakan lang ang idudulot ng paglalapit nila.
Ilang beses na niyang napatunayan na napapahamak lang ang mga taong napapalapit sa kanya lalo na si Gavin kaya hindi na niya gugustuhin pa na mapalapit dito. Ayaw na niyang mapahamak pa ulit ito. At isa pa, habang may koneksiyon si Gavin kay Don Guillerno, alam niyang nasa kapahamakan silang dalawa o hindi lang sila, mas marami. Baka kahit ang nagmagandang loob na tulungan siya ay mapahamak dahil sa kanya. Ayaw na niyang mangyari pa iyon.
Ngunit paano pa niya malalabanan ang kanilang tadhana? Hindi niya basta na lamang niyang ipagtabuyan ito. Paninindigan na lamang niya na bago lamang niya itong nakilala. Paninindigan na lamang niya na ibang tao siya.
"You look sleepy," pansin sa kanya ni Dancel sa gitna ng meeting ng board. Pabulong siyang sinabihan nito at mahinang siniko. Halos mapayukyok na kasi siya sa kanyang mesa dahil sa sobrang antok. Hindi naman kasi talaga siya sanay sa ganitong klaseng meeting. Madali siyang mainip, sumabay pa na hindi talaga siya pinatulog ni Gavin sa sobrang pag-iisip dito.
Napatingin siya sa mga tao sa loob ng conference room na iyon. Halos lahat ay nakatingin na sa kanya. Nakaramdam siya ng pagkapahiya kaya naman napayuko siya at alanganing napangiti.
"I'm so sorry. Please proceed," aniya sa tagapagsalita na nakatayo sa unahan at nagre-report ng sales ng kumpanya.
Nagpatuloy naman ito sa pagsasalita habang siya ay pinilit na i-focus ang isip sa sinasabi nito. Nang matapos itong magsalita ay saka pa lamang siya nagsalita.
"I am glad that the report of our sales is continuing to grow. I hope that in the next few months, the income of the company will be consistent to grow. Thanks for all your cooperation. Meeting adjourned."
Nagtayuan na ang lahat at nag-umpisang maglabasan. Naiwan naman silang dalawa ni Dancel. Nakaalalay pa rin ito sa kanya sa kabila na busy rin ito sa propesyon nito bilang doctor. Malaki ang pasasalamat niya kay Dancel sapagkat hindi siya pinabayaan nito. Narito ito sa mga oras na kailangan niyang mag-adjust sa bago niyang kapaligiran.
"Hey, are you okay?" tanong sa kanya nito.
Ngumiti naman siya at tumango. "I just really don't like long meetings." Mahina siyang tumawa.
"Masasanay ka rin. Ito na ang magiging mundo mo. Mundo mong malayo sa kinagisnan mo," anito.
"Malayo nga ba?" aniya na napaisip. Alam niyang malapit lang si Gavin at anumang oras ay nalalapit na naman siya sa pagkikita nila ni Don Guillermo. Kung paanong hindi siya handa sa naging pagkikita nila ni Gavin ay lalong hindi niya alam kung handa na ba silang magkita ni Don Guillermo.
"You are overthinking again. Hindi iyan makabubuti sa'yo." Hindi mahirap para dito ang mahulaan ang kanyang nararamdaman dahil isa itong psychiatrist at ito ang nagpagaling sa kanya noon.
Bumuntong hininga naman siya. "I just can't help it."
"I know its hard for you to resist the presence of Mr. Jameson last night but come to think of it. Hindi ka niya kilala as Zoey at ikaw na ngayon si Candice. Ang nararamdaman ni Zoey para kay Gavin ay hindi nararamdaman ng isang Candice Smith. Pure business lang ang dapat na maging relasyon ninyong dalawa. Nothing more and nothing less."
BINABASA MO ANG
Untold Story Of The Billionaire's Escort
RomansaMatagal nang prostitute si Zoey kaya naman sanay na siyang binabastos lang ng mga lalaki. Wala lang iyon sa kanya. Sanay na siya! Kaya naman niyang ibigay ang katawan niya sa kahit sinong lalaki basta may katumbas na halaga pero nagbago ang pananaw...