Candice Valdez Smith.
Paulit-lit niyang binigkas ang pangalang iyan sa kanyang isip. Sa wakas ay alam na niya ang buong pangalan nito. Nakuha niya iyon nang balikan niya ang shooting range na pinuntahan nito kanina. Hiningi niya sa isang staff doon ang attendance log book ng mga iyon kung saan nakasulat ang mga pangalan ng mga pumapasok at umaalis sa lugar na iyon.
Pabalik na siya sa kanyang bahay. Napagod rin siya pagsunod sa babaeng kamukha ni Zoey. Parang walang kapaguran ito at kung saan-saan napunta. Pagkatapos kumain sa restaurant ay agad din itong umalis kasama ang lalaki at nagpunta sa isang studio na hindi niya alam kung photo shoot studio o acting worshop studio. Naguguluhan siya sa mga nilalakad ni Candice. Bakit kailangan nitong magpunta sa kung saan-saang lugar sa loob lang ng isang araw? Namimisteryosohan pa rin siya sa pagkatao nito.
Kung si Zoey nga ito, hindi ito magpupunta sa mga lugar na pinupuntahan ni Candice.
Bumuntong hininga siya. Sigurado ang puso niya na si Zoey at si Candice ay iisa pero iba ang sinasabi ng isip niya dahil sa mga nakita niyang ikinikilos nito.
Agad niyang tinawagan si Jerwin, isa sa mga detective na ini-hire niya sa paghahanap kay Zoey. Idinayal niya ang numero nito sa kanyang cell phone at agad naman nitong sinagot.
"Please do me a favor. Research for the identity of Miss Candice Valdez Smith," utos niya dito.
"Sino iyon, Sir?"
"Kaya nga gusto kong alamin mo kung sino siya. Gusto kong makilala ang Candice na iyon," inis na sabi niya.
"Pero paano po si Zoey?"
"Just do what I said. Forget Zoey for a while." Inis na pinatayan niya ito ng cell phone. Halos lahat ng kanyang ini-hire na detective ay parang walang mga silbi. Nauubos na ang savings niya dahil sa mga ito pero wala namang nagiging output. Kung hindi pa siya kumilos ay wala pa sanang progress ang paghahanap niya kay Zoey.
Atleast he has one hint. Sa ngayon, anghahawakan muna niya ang kutob na si Zoey ay si Candice.
Tuloy-tuloy pa rin ang pagsunod niya kay Candice. Halos araw-araw yata niya itong sinusundan. Ngunit napansin niyang ang una hanggang isang linggo niyang pagsunod ay iisa lamang ang pinupuntahan nito. Pabalik-balik lang ito sa mga lugar kung saan niya ito unang sinundan.
Nasa shooting range na naman ito ngayon at panay ang pagpa-practice kung paano bumaril. Araw-araw ay nakikita niya ang pag-i-improve sa pagbaril nito base sa nakita niyang mga tama sa target nito. Mukha ngang mas madali pa itong matuto sa kanya.
Ilang buwan din siyang nag-training ng shooting bago niya na-perfect ang bulls eye nang sunod-sunod samantalang si Zoey ay less than a week lang yata. Mukhang determinado ito sa mga ginagawa nito.
Nag-ring ang kanyang cell phone kaya iniwas muna niya sandali ang tingin kay Zoey na nakatayo sa hindi kalayuan.
"Hello," Si Jerwin ang nakarehistrong tumatawag sa kanyang cell phone kaya agad niya iyong sinagot. "Anong update?"
"I have a copy of Candice's documents here in my hand. Saan po tayo magkikita para maiabot ko sa inyo ang mga dokumento?"
"Wait me in my house in an hour." Agad niyang pinatay ang tawag at pinaharurot ang sasakyan. Lagpas isang oras bago siya nakarating doon dahil sa sobrang traffic pero matiyagang naghintay ang lalaking detective sa kanya.
Naabutan niya itong nakaupo sa silyang nasa may garden. May umuusok na kape nakapatong sa mesa na nasa harap nito. May isang slice din ng cake na nakalagay sa platito. Marahil ay idinulot iyon ni Mang Damian habang wala pa siya.
Tumayo ito nang makita siya. "Good morning, Sir Gavin," bati pa nito sa kanya.
Tinanguan lang niya ito bago naupo sa isang silya na nasa harap nito.
BINABASA MO ANG
Untold Story Of The Billionaire's Escort
RomanceMatagal nang prostitute si Zoey kaya naman sanay na siyang binabastos lang ng mga lalaki. Wala lang iyon sa kanya. Sanay na siya! Kaya naman niyang ibigay ang katawan niya sa kahit sinong lalaki basta may katumbas na halaga pero nagbago ang pananaw...