71: INFORMATION FROM A STRANGER

27 1 0
                                    

Nakaempake na ang kanyang mga gamit para sa pagbabalik nila sa Maynila. Hindi maipaliwanag ni Zoey ang saya na nararamdaman niya. Para bang sabik siyang makarating roon. Pakiramdam niya, mahahanap niya roon ang nawawala niyang pagkatao.

Nagulat siya ng bigla siyang halikan ni Dancel sa kanyang batok at yakapin nang mahigpit sa kanyang bewang. Agad siyang nagpumiglas at lumayo. Hindi niya maunawaan ang kilabot na nararamdaman niya sa tuwing malapit sa kanya si Dancel lalo na kapag naglalambing ito ng ganoon sa kanya.

"What's wrong?" kunot noong tanong nito sa kanya.

"Nothing," sambit niya sabay iling. Ipinagpatuloy niya ang ginagawa nang hindi man lang tinitingnan si Dancel. Labis na pagkailang ang nararamdaman niya sa mga sandaling ito. Hindi siya komportable sa presensiya nito.

Muling lumapit sa kanya si Dancel at niyakap siya. Inulit nito ang paghalik sa kanyang leeg. Maliliit na halik na nagbibigay sa kanya ng matinding kilabot. Literal na nananaas ang kanyang mga balahibo. Mabilis siyang lumayo kay Dancel at sinaway ito.

"Stop it, please."

Nagsalubong naman ang kilay ni Dancel. "Why are you so aloof?"

"Naiilang lang ako. Hindi ako sanay sa ginagawa mo," aniya.

"Hindi sanay? Nawalan ka lang naman ng alaala pero ginagawa naman natin dati ito," sabi pa nito na tila may malalim pang ibig sabihin.

"Hindi pa lang siguro handa ang isip ko sa ganyang bagay sa ngayon," nakayukong sabi niya.

Marahas na bumuga naman ng hangin si Dancel. Halatang dismayado sa kanyang pagtanggi.

"Okay fine. Let's do it after the marriage." Tumalikod na ito sa kanya at naiwan siya sa loob ng kanyang kuwarto. Nilingon pa niya ito hanggang sa tuluyan itong mawala sa kanyang paningin.

Ipinagtataka talaga niya kung bakit ganoon na lamang ang damdamin niya para kay Dancel. Parang estranghero ito para sa kanya. Hindi tuloy niya makumbinsi ang sarili na maniwala dito na mahal nila ang isa't isa. Hindi siya makapaniwala na talagang fiancé niya ito.

Muli niyang tiningnan ang singsing na nasa kanyang daliri. Iba talaga ang pakiramdam niya kapag tinitingnan ang singsing na iyon. Iba kasya sa nararamdaman niya kay Dancel na siyang nagbigay nito.

"Bakit kaya ganoon?" Iyon lagi ang tanong na gumugulo sa kanyang isip.

Tahimik lang siya habang nasa biyahe. Halos natulog nga lang siya sa eroplanong kanilang sinakyan. Mahigit apat na oras din ang naging biyahe hanggang sa makarating sila sa condo unit niya sa Maynila.

Inilinga niya ang mga mata sa paligid. Pamilyar ang lugar na iyon sa kanya pero hindi pa rin niya matandaan kung tumira talaga siya rito tulad ng sabi sa kanya ni Dancel.

"Nasaan ang kuwarto ko?" tanong niya kay Dancel. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya kaya naman nais na niya sanang magpahinga.

"There!" Itinuro ni Dancel ang kuwarto na nasa kaliwang bahagi. May pinto iyong gawa sa narra.

"Salamat," tugon niya saka mabilis na nagtungo sa loob ng kuwarto. Inilapag lamang niya ang kanyang gamit saka patakbong tinungo ang kama. Agad na inihiga niya ang kanyang patang katawan sa malambot na kama at ipinikit ang mga mata.

Agad rin naman siyang dumilat nang maramdaman ang pagdagan ni Dancel sa kanya.

"Dancel," sambit niya. Itinulak niya ito upang ilayo ang katawan nito sa kanya.

Sa halip na sumagot ay idiniin pa nito ang katawan sa kanya. Pinabigat nito iyon kaya naman nahirapan siyang muling itulak ito. Inilapat nito ang labi sa kanyang labi. Mariin at mapusok siyang hinalikan nito. Umungol siya na may pagtanggi. Pilit niya pa ring iniiwas ang kanyang labi rito at itinutulak ito palayo.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon