69: MEMORY LOSS

26 1 0
                                    

Amoy ng ammonia ang gumising sa natutulog na diwa ni Zoey. Idinilat niya ang mga mata at bumungad sa kanya si Dancel. Nakangiti ito sa kanya. Ngiting tagumpay!

"Hi sweet Candice," sabi nito sa kanya sabay haplos sa kanyang pisngi. Iniiwas niya ang kanyang mukha ngunit tiningnan niya ito nang masama. Kinikilabutan siya sa hawak nito. Para itong nakakadiring nilalang para sa kanya. Kinamumuhian niya ito.

"You are still so aloof. Tsk!" palatak nito habang naiiling. Tinalikuran siya nito at may kinuha ito sa table na nasa hindi kalayuan.

Pasimple niyang inilibot ang paningin sa paligid. Pamilyar ang lugar na iyon sa kanya pero alam niyang hindi iyon ang rest house nina Dancel. Purong puti ang kulay ng dingding ng kinaroonan niya ngayon. Medyo may kaliitan din ang kuwarto na iyon na halatang pribado lang at para sa isang pasyente. Napansin niyang pang-hospital bed ang kanyang hinihigaan. Napalitan na rin ang kanyang damit ng stretched jacket na sinusuot lamang ng isang baliw. Kaya pala, hindi siya makakilos nang maayos kanina pagkagising niya.

Nagpumiglas siya kahit alam niyang hindi siya makakawala sa ganoong uri ng damit.

"Hayup ka! Anong plano mong gawin sa akin?" gigil na gigil na sabi niya. Nais niyang saktan ito sa sobrang galit niya. Kung kaya lang sana niyang makawala sa pagkakagapos niya. Kaya lang, habang pinipilit niyang kumawala ay tila humihigpit iyon.

Ngumisi lang ito sa kanya habang papalapit ito. May hawak itong isang syringe na may lamang likido. Bigla siyang kinabahan. Alam niyang ituturok iyon sa kanya ni Dancel anumang oras mula ngayon.

"Relax, my sweet Candice. It won't hurt you. It's only like a bite of an insect," anito sa kanya saka itinusok sa kanyang syringe sa kanyang braso. Tumagos iyon sa puting tela na suot niya. Naramdaman niya ang sakit ng pagtusok niyon at ang unti-unting pagpasok ng likido sa kanyang katawan. Unti-unti siyang nakaramdam ng pamimigat ng kanyang pilik-mata. Nilalabanan niya iyon pero wala siyang magawa kundi ang ipikit iyon.

"Sleep tight my sweet Candice and forget about Gavin," anito sabay halakhak na tila isang demonyong nagtagumpay sa masamang plano. Nakangising tiningnan niya ang maliit na bote na kinalalagyan ng gamot.

Anticholinergics— iyon ang gamot gamot na itinurok niya sa walang malay na si Zoey. Ito ang gamot na magpapahina ng memorya ni Zoey at magiging dahilan para makalimutan nito ang ibang bagay tungkol sa nakaraan. Walang maaalala si Zoey kundi ang mga bagay lamang na sasabihin ni Dancel.

"S-sino ka?" tanong ni Zoey sa lalaking nasa harap niya. Ginising siya nito mula sa pagkakatulog. May dala itong tray ng pagkain at isang maliit na mesa. Inilagay nito iyon sa harap niya. Ngumiti ito sa kanya saka naupo sa silyang nasa gilid ng kama.

"I know you can't still remember me but it's okay. Don't force yourself. Kain ka na."

Tiningnan niya ang pagkain. Biglang kumulo ang kanyang tiyan. Parang ang tagal nang walang laman ng kanyang tiyan. Kahit na nagtataka ay kumain siya. Pinuno niya ang kanyang tiyan. Napabilis pa nga ang kanyang pagsubo dahil sa sobrang gutom. Nakatingin lang naman ang lalaki sa kanya.

Matapos niyang kumain ay tinitigan niya ang lalaki habang inaalis nito ang tray sa kanyang harapan. Hindi niya alam kung talagang kilala niya ang lalaking ito. Ni hindi ito pamilyar sa kanya.

"Sino ka ba talaga?" tanong ulit niya.

"Ako ang fiancé mo, Candice. I am Dancel," pakilala nito sa kanya.

"Candice?" Bigla siyang nagtaka kung bakit tinawag siya nito sa ganoong pangalan. Hindi niya maalala na may ganoon siyang pangalan. Hindi rin naman niya alam kung ano nga ba ang kanyang pangalan. Para siyang nakatulog at paggising ay wala na siyang memorya. Wala siyang maalalang kahit ano. Hindi lang ang kanyang tiyan ang walang laman kundi pati na rin ang kanyang utak.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon