17: TEASE ME

64 1 0
                                    

Nagising siya sa malambot na kama at malamig na hangin buhat sa aircon. Saglit na kumunot ang kanyang noo at nag-isip. Saka lamang niya naalala na nasa ibang bahay na siya at nasa kuwarto siya ngayon na inilaan ni Gavin para sa kanya. Napangiti siya nang maalala ang mukha ng binata.

Bumangon siya at lumapit sa may bintana. Binuksan niya ang kurtina. Saka lamang niya napansin na hindi pala iyon bintana kundi terrace. Binuksan niya ang sliding glass door at humawak sa handle ng terrace. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at huminga nang malalim. Ninamnam niya ang sariwang hangin na dumampi sa kanyang pisngi. Masarap iyon sa kanyang pakiramdam.

Idinilat niya ang kanyang mga mata at iginala niya ang paningin sa paligid. Nahagip ng mata niya si Gavin na nakaupo sa silya na nasa hardin at may hawak itong tasa ng kape.

"Gavin!" tawag niya dito sabay kaway. Lumingon naman ito at nakangiting itinaas ang tasa ng kape.

Tinanguan naman niya ito at nagmamadali siyang tumakbo pababa. Ngayon lang niya naramdaman ang ganitong excitement. Dati-rati, gumigising siya na para bang lagi na lang siyang aburido. Iyong wala man lang kagana-ganang bumangon sa umaga. Dumating na rin sa punto na ayaw na niyang bumangon pa. Tipong sawang-sawa na siya sa araw-araw na buhay niya.

Ngunit iba ang araw na ito. Hindi niya sigurado kung si Gavin ba ang dahilan ng kasiyahang nararamdaman niya ngayon? Basta isa lang ang alam niya, ramdam na niya ngayon palang ang sinasabi ni Gavin na bagong buhay. Ito ang nagbibigay pag-asa sa kanya.

"Hi," nakangiting bati niya kay Gavin saka umupo sa silyang nasa tabi nito. Nag-cross legs pa siya kaya naman lalong na-expose ang makinis niyang hita rito.

"Masarap bang matulog sa malaki at malambot na kama?" nakangiting tanong nito sa kanya.

"Mas masarap kung katabi kita," pabirong sabi niya sabay kindat. Inilapit pa niya ang kanyang katawan sa binata at tinitigan ito sa mga mata. Nag-beautiful eyes pa siya at bahagyang ngumuso.

"Zoey..." saway nito sa kanya.

Lumayo siya at tumawa. "Allergic ka ba sa akin? Bakit ayaw mo na nilalandi kita?"

"Hindi naman sa ayaw ko. Ayoko lang isipin mo na inaabuso kita."

"Sobrang gentleman mo. Ikaw na lang yata ang nag-iisang gentleman na nae-exist sa mundo," aniya.

"Marami pa naman siguro kaya lang ako lang ang natagpuan mo."

"E 'di masuwerte ako?" nakataas ang kilay na sabi niya.

"Ikaw nagsabi niyan," anito saka humigop ng kape.

"Patikim nga ng kape mo," aniya. Aktong kukunin sa kamay ng binata ang tasa nito.

"Ipagtitimpla na lang kita." Inilapag nito ang tasa sa maliit na round table na naroon saka aktong tatayo nang pigilan niya ito. Hinaplos pa niya ang kamay nito paakyat sa braso.

"Huwag ka nang mag-abala. Hindi naman talaga ako nagkakape sa umaga."

"Eh bakit, gusto mong tikman ang kape ko?" nagtatakang tanong nito.

"Wala lang. Baka lang kasi iba iyan sa lahat ng kapeng natikman ko noon," aniya saka binasa ang dila habang nakatitig sa binata. Kitang-kita naman niyang agad pinamulahan sa hiya ang binata. Iniisip siguro nito na iba ang tinutukoy niya at hindi talaga ang kape.

"Ikaw talaga Zoey, puro ka biro."

Tumawa naman siya nang malakas na parang walang pakialam kahit mawalan siya nang pose.

"Ang cute mo kapag nagba-blush," panunukso niya rito.

"Hindi ako cute, guwapo ako," ganting biro nito.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon