30: ABDUCTION

37 1 0
                                    

Pabalik-balik si Zoey sa paglalakad sa may sala. Hindi siya mapakali at matindi pa rin ang kaba sa kanyang dibdib. Mula nang umalis si Gavin dala ang baril nito ay takot na takot na siya sa maaaring gawin nito o sa kung anong mangyari dito.

Hindi niya mapapatawad ang sarili kung may mangyari mang masama sa lalaking pinakamamahal niya. Kasalanan niya ang lahat ng ito. Hindi dapat siya nagpahawak sa leeg kay Don Guillermo. Hindi dapat nagalit sa kanya si Gavin kung nakaya sana niyang magsabi dito ng totoo.

Ngunit hindi na niya maibabalik pa ang nakaraan. Kinamumuhian na siya nito. Hindi na niya nagawang pigilan ito sa balak na paghihiganti kay Don Guillermo. Dalangin na lamang niya na wala sanang masamang mangyari kay Gavin.

Bahagya pa siyang nagulat nang biglang mag-ring ang kanyang cell phone. Unknown number ang naka-rehistro roon. Agad niya itong sinagot.

"Hello, is this Miss Zoey?" tanong sa kanya ng isang boses babae sa kabilang linya.

"Y-yes. Ako nga," tugon naman niya. Kinutuban na siya nang masama sa boses palang ng babaeng kausap. Naririnig kasi niya ang paging machine sa background nito kaya't nahulaan niyang nasa isang hospital ito.

"Ma'am, narito po si Mr. Gavin sa Asian Hospital and Medical Center. Isinugod po siya dito kani-kanina lang. Nabangga po ang kanyang sinasakyan sa isang poste at nasa operating room na po siya ngayon."

Hindi naman siya nakatugon. Parang bomba iyong sumabog sa kanyang pandinig. Natulala siya at muntik na niyang mabitawan ang hawak na cell phone.

Mabilis na pinaharurot ni Mang Damian ang taxi na minamaneho patungo sa hospital na pinagdalhan kay Gavin. Abot-abot pa rin ang kaba sa kanyang dibdib habang nakasakay sa likurang bahagi ng taxi. Mula nang tumawag sa kanya ang nurse ng hospital ay hindi na nawala ang kaba sa kanyang dibdib. Panay ang tulo ng kanyang luha at panay rin ang usal niya ng panalangin.

"Diyos ko! Iligtas ninyo po si Gavin."

Mabilis siyang bumaba ng taxi nang tumigil ito sa tapat ng hospital. Halos takbuhin na niya ang reception area. Agad niyang nilapitan ang nurse na nakatoka roon.

"Nurse, saan po dinala si Gavin Jameson?"

Tumingin naman sa record ang nurse. "Nasa operating room na po siya, Miss."

"Nasaan ang operating room?" tanong pa niya.

"Doon po, Ma'am. Dumiretso lang po kayo roon." Itinuro nito ang kaliwang bahagi ng hospital at nakita niya ang arrow na nagtuturo kung saan naka-locate ang operating room.

Hindi na siya sumagot pa sa halip ay patakbo niyang tinungo ang operating room. Halos hindi na lumalapat ang mga paa niya sa lupa sa sobrang bilis ng kanyang takbo. Nang makita niya ang operating room ay agad niyang pinasok iyon. Nakita niya ang mga aparato na nakakabit sa duguang si Gavin. Nanikip ang kanyang dibdib at tila naubusan siya nang lakas.

"Miss, bawal po dito," sabi ng nurse sa kanya at bahagya siyang itinulak palabas. Umatras naman siya at hinayaang magsara ulit ang pintuan ng operating room. Nanghina na rin ang kanyang mga tuhod at pasandal siyang napaupo sa may pintuan ng operating room. Mariin niyang kinagat ang kanyang labi saka impit na umiyak.

"Gavin," sambit niya.

"Zoey, hija..." ani Mang Damian na hindi na niya namalayang nakalapit na sa kanya. Bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala.

Niyakap niya ang matanda. Sa mga oras na ito, masasandalan ang tanging kailangan niya. Hindi niya kaya ang sakit na nararamdaman ng mga sandaling ito. Para na rin siyang mawawalan ng buhay dahil sa nakita niyang kalagayan ni Gavin. Natatakot siya na baka bawian ng buhay si Gavin. Hindi niya iyon kayang tanggapin.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon