"Pambihira, kagaganda ninyo at kase-sexy, wala kayong mga pera? Wala namang nakalagay sa sign board ko na libre ang mga tulad ninyo, sasakay-sakay pa kayo. Minamalas tuloy ang biyahe ko." Galit na ibinaba sila ng driver sa isang kalagitnaan ng daan.
"Sorry na kuya, may humahabol kasi sa amin kaya nakalimutan namin ang pera namin," paliwanag naman ni Chelsea.
"Wala naman akong pakialam kung may humahabol sa inyo. Ang hanapbuhay ko ang mahalaga sa akin, pinepeste ninyo." Pinaharurot nito ang sasakyan at iniwan sila roon.
Tahimik lang naman si Zoey habang nag-iisip ng hakbang. Iniisip rin niya kung nakalayo na ba sila sa humahabol sa kanila? Malayo-layo rin naman ang nilakbay ng jeep na sinakyan nila. Iyon nga lang dahil lutang siya habang nasa biyahe, hindi na niya matandaan kung nasaang lugar na sila at kung ano nga bang biyahe ang nasakyan nila. Basta na lang kasi sila pumara ng sasakyan na hindi tinitingnan ang signboard nito.
Naglakad-lakad siya. Hinabol naman siya ni Chelsea.
"Anong plano mo?" tanong nito sa kanya.
"Wala pa."
"Ano? Hindi puwedeng wala. Magugutom tayo sa lugar na ito. Hindi ko pinangarap na maghalungkat ng basura para makakain 'no?" maarteng sambit nito.
"Dinanas ko na iyon," simpleng sagot niya na patuloy pa rin sa paglalakad. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa.
"Pero ayaw kong danasin iyon. Siguro kapag nasiraan na ako ng bait, puwede pa."
"Dinanas ko na rin iyan," balewalang sabi niya.
"Zoey naman! Gusto mo rin bang danasin ko ang dinanas mo?"
"Nasa'yo iyon kung hindi ka titigil sa kakasalita," inis na sabi niya. hindi kasi siya makapag-isip nang maayos. Kanina pa siya nagmamasid sa paligid at nagbabakasakaling makakita ng signboard na tumutukoy sa kinaroroonan nila. Nakakita naman siya ng isang vulcanizing shop na may nakalagay na address sa ibaba ng sign board nito.
"Antipolo, Rizal," sambit niya.
Mula Alabang ay nakarating sila sa Rizal. Napakalayo na niyon mula sa kanilang pinanggalingan. Mula sa sign board ay bumaba ang tingin niya sa lalaking nakahubad at nagbu-vulcanize ng gulong. Hinila niya si Chelsea sa kamay at tumawid sila papuntang vulcanizing shop.
Tumikhim siya para kunin ang atensiyon ng lalaki. Nginitian niya ito nang lumingon ito sa kanila.
"Hi," bati pa niya.
"Hello," ganting bati naman niyon.
"Nakakahiya man pero maaari ba kaming makikain sa inyo?" nahihiyang sambit niya. Kanina pa kasi kumukulo ang kanyang tiyan. Dapat kasi ay magluluto na rin sila ng tanghalian noong bigla namang dumating si Don Guillermo at ang mga alipores nito. Ang siste, gutom sila ngayon dahil lagpas na sa tanghalian ang oras ngayon. Alas dos-kinse na ng hapon base sa wall clock na nakalagay sa itaas ng dingding sa shop na iyon.
Medyo nagulat ang lalaki sa tinuran nila. Nagtataka ito at nag-iisip kung nagbibiro lang o nagti-trip lang silang dalawa.
"Kuya, seryoso po kami. Kanina pa kami nagugutom. Baka naman meron ka diyan kahit tinapay man lang," sabi naman ni Chelsea.
Napakamot naman sa ulo ang lalaking nasa beinte anyos lang yata ang edad. Mukha pa kasi itong bata talaga. Totoy na totoy pa nga ang itsura nito pero may magandang hubog na rin ang katawan. May kaitiman nga lang ng kaunti ito. Marahil ay laging nakabilad sa araw.
"Sandali lang at tatawagin ko si Kuya Vil," anito saka tinalikuran sila. Pumasok ito sa loob ng bahay na karugtong ng vulcanizing shop na iyon.
Makalipas lang ang ilang minuto ay lumabas na rin ito kasunod ang isang lalaki na may katandaan ng kaunti rito. Mukhang nasa kulang sa treinta ang edad. Kung hindi siya nagkakamali, nasa beinte-siyete o beinte-otso ang edad nito.
BINABASA MO ANG
Untold Story Of The Billionaire's Escort
RomanceMatagal nang prostitute si Zoey kaya naman sanay na siyang binabastos lang ng mga lalaki. Wala lang iyon sa kanya. Sanay na siya! Kaya naman niyang ibigay ang katawan niya sa kahit sinong lalaki basta may katumbas na halaga pero nagbago ang pananaw...