Nakatutok ang mga mata ni Zoey kay Dr. Manuel habang nagkuk'wento ito tungkol sa nakaraaan ni Dancel. Pinahid niya ang luha na bigla na lamang tumulo sa kanyang mga pisngi. Nakaramdam siya nang matinding habag sa naging kalagayan ni Dancel. Ramdam na ramdam niya ang sakit na pinagdaanan ni Dancel.
"He was so broken that time but he doesn't show that to other people. He changes after that heartbreak."
Bumuntong hininga ito. Halata sa mukha nito ang awa sa anak-anakan.
"Napansin ko na nagkaroon siya ng split personality. From being a sheep to being a werewolf. Nagugulat na lang ako noon na parang nagiging ibang tao siya kapag nagagalit. Akala ko normal lang iyon pero as a psychiatrist, alam kong may problema sa kanyang mental health."
"Nagagamot po ba ang ganitong kondisyon?" tanong niya.
Umiling naman ito. "Unfortunately, there are no guidelines on how to treat DID. There is no specific medication that exists for DID. The only main treatment is psychotherapy or talks therapy."
Tumango-tango siya. "Paano po kung hindi maagapan ang ganitong sitwasyon? May tendency po ba na makasakit siya ng tao o hindi kaya ay ang sarili niya?"
"Yes. May tendency na manakit siya o saktan niya ang sarili niya. Kaya nga mino-monitor ko pa rin ang behavior ni Dancel lalo na ngayon na na-trigger ang kanyang trauma. Nararamdaman niyang hindi mo siya mahal kaya naman tumatatak iyon sa utak niya. Nagbabalik sa isip niya ang nangyaring pagkabigo niya sa pag-ibig noon at pag-iwan sa kanya ng mga taong mahal niya. He saw you as a different person. Nakikita niya si Trisha sa'yo."
Nakaramdam siya ng takot. Natakot siya sa maaaring gawin sa kanya ni Dancel sa oras na masaktan niya ang damdamin nito. Sa tingin niya ay hindi niya maiiwasan iyon. Wala siyang pag-ibig para dito at hindi niya kayang pilitin ang sarili na mahalin ito.
Hinawakan ni Dr. Manuel ang kanyang kamay at bahagyang pinisil iyon. "Please don't leave Dancel alone. Mas kailangan ka niya ngayon," pakiusap nito sa kanya.
"Pero..." Nais niyang tumanggi pero nakikita niya sa mga mata nito ang labis na pakiusap. Tumango na lamang siya.
"Salamat, hija. Kahit hindi ko tunay na anak si Dancel, napamahal na siya sa akin kaya ayokong may mangyaring hindi maganda sa kanya."
Tipid na ngiti lamang ang kanyang itinugon at nagpaalam na.
"Where have you been?" maawtoridad na tanong ni Dancel pagbukas na pagbukas pa lamang niya ng pinto. Napahawak siya sa kanyang dibdib sa sobrang pagkagulat. Hindi niya inaasahan na madadatnan niya ito roon.
Naabutan niya itong may hawak na baso ng alak sa kanang kamay at nakalapag iyon sa lamesa. Matalas ang tingin sa kanya ni Dancel. Namumula ang naniningkit nitong mga mata. Nanginginig na inihakbang niya ang kanyang mga paa palapit rito. Pasimple niyang itinago ang envelop sa kanyang likuran.
"What is that?" tanong pa nito sa kanya. Mabilis nitong nailipat ang tingin sa itinago niyang envelop.
"N-nothing," kinakabahang sagot niya.
Tumayo naman ito at sinalubong siya. Hinablot nito sa kanyang likuran ang envelop na hawak niya. Lalong naningkit ang mga mata nito habang tinititigan iyon. "This is mine. Saan mo nakuha ito? Bakit nasa'yo ito?" Tumaas ang boses nito na ikinagulat niya. Halos mapatalon siya sa sobrang takot. "I-I just accidentally saw it," nakayukong tugon niya. "Aarggh—" Nasakal siya sa ginawang pagsakal sa kanya ni Dancel sa kanyang leeg. Naiangat siya nito ng ilang pulgada mula sa lupang kinatatayuan niya. Hindi siya makahinga sa pagkakaipit ng ugat sa kanyang leeg. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang leeg. "D-Dancel..." sambit niya sa pangalan nito.
BINABASA MO ANG
Untold Story Of The Billionaire's Escort
RomanceMatagal nang prostitute si Zoey kaya naman sanay na siyang binabastos lang ng mga lalaki. Wala lang iyon sa kanya. Sanay na siya! Kaya naman niyang ibigay ang katawan niya sa kahit sinong lalaki basta may katumbas na halaga pero nagbago ang pananaw...