"Kumusta kayo?" bati ni Sgt. Martinez pagdating na pagdating nito.
Sabay-sabay naman silang napalingon sa dakong pinanggalingan ng boses nito. Magkakasama sila ngayon sa sala at nanonood ng telebisyon. Kasama na nila ngayon sa sala si Mang Damian, Mang Alvin at Angela.
Kumunot ang kanyang noo nang makita ang kasama nitong babae. Nakasuot ito ng medical scrubs na printed. Nakangiti ito sa kanila habang papalapit kasama ang pulis.
"Siya si Miss Hannah, isang psychological therapist," pakilala ni Sgt. Martinez sa kasama nitong babae.
"Kumusta kayo?" bati naman ng babae.
"Maayos naman po," sagot naman ni Gavin saka tumingin sa kanya na tila nagsasabi sa kanyang "heto na ang taong tutulong sa'yo."
Muli niyang ibinaling ang tingin sa babae. Bigla siyang nakaramdam ng kaba na hindi niya maipaliwanag nang magtama ang kanilang paningin.
"Ikaw ba si Zoey?" tanong nito sa kanya.
Tumango naman siya at alanganing ngumiti.
"Handa ka na ba sa therapy mo?" tanong pa nito.
"Ang totoo, kinakabahan ako," aniya sabay tingin kay Gavin. Bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala. Natatakot siya sa magiging epekto ng therapy sa kanya.
Bahagya namang pinisil ni Gavin ang kanyang mga kamay na hawak-hawak nito.
"Kaya mo iyan," pagpapalakas ng loob na sabi nito sa kanya.
"Bago tayo magsimula, kailangang i-orient ko muna kayo sa mga posibilidad na puwedeng mangyari sa therapy na ito," sabi ng doctor.
Iginiya naman ito ng pulis paupo sa sofa na nasa tapat nila.
"Isinasagawa ang therapy sa mga taong nakaranas ng trauma at nagkaroon ng pansamantalang pagkawala ng memorya. Nakatutulong ito para mabawasan ang stress na nagdudulot sa atin ng pagkalimot sa mga bagay na naganap. Ang panggagamot na gagawin natin sa iyo ay isang paraan na ginagawa na sa maraming mga bansa at napatunayang nakakatulong at nagbibigay ng mga medikal at therapeutic na mga benepisyo, lalung-lalo na sa pagbawas ng sakit at pagkabalisa. Maaaring mabawasan din nito ang mga sintomas ng demensya o dagliang pagkalimot."
"Ano po bang panggagamot ang tinutukoy ninyo?" tanong pa niya.
"Hypnosis ang tawag dito. Isa itong kooperatibong pakikipag-ugnayan kung saan ang kalahok o pasyente ay tumugon sa mga mungkahi ng hypnotist."
"Hypnotist? Hindi po ba iyon iyong parang papatulugin ka tapos hindi mo na alam ang nangyayari sa iyo? Para kang nahihibang?" sabi naman ni Angela na ikinatawa nila.
"Hija, ang hypnotist ay nagsisilbi bilang isang uri ng coach o tutor na ang trabaho ay upang tulungan ang taong maging hypnotized."
"Ah oo nga pala, hypnotized. Iyon din po ang ginagawa ng mga nambubudol, di po ba?" Nakakamot sa ulo na sabi nito.
Muli silang natawa kay Angela. Maging ang doctor ay hindi naiwasang matawa.
"Iba ang pambubudol sa panggagamot, hija," sabi naman ni Doctor Hannah.
"Tumigil ka na nga sa pang-uusisa," saway naman ni Mang Damian sa anak. Tumahimik naman ito at yumuko at muling nakinig sa sinasabi ng doctor.
"Maaaring itanong ninyo kung paano ba gumagana ang hipnosis? Ang hypnosis ay may maliit na pagkakahawig sa mga stereotypical na paglalarawan. Habang ang hipnosis ay madalas na inilarawan bilang estado ng kawalan ng tulog na pagtulog, mas mahusay itong ipinahayag bilang isang estado na nailalarawan sa pamamagitan ng nakatuon na atensiyon na nagpapataas ng pagmumungkahi at matingkad na mga pantasya. Ang mga tao sa isang hypnotic na estado ay madalas tila nag-aantok at naka-zoned out, ngunit sa katunayan sila ay nasa isang estado ng hyper-kamalayan. Sa sikolohiya, ang hypnosis ay tinutukoy minsan bilang hypnotherapy at ginagamit para sa maraming layunin kabilang ang pagbawas at paggamot ng sakit. Ang hipnosis ay karaniwang ginagawa ng isang sinanay na therapist na gumagamit ng paggunita at pandiwang pag-uulit upang manghimok ng isang pampatulog na estado," mahabang paliwanag nito.
BINABASA MO ANG
Untold Story Of The Billionaire's Escort
Lãng mạnMatagal nang prostitute si Zoey kaya naman sanay na siyang binabastos lang ng mga lalaki. Wala lang iyon sa kanya. Sanay na siya! Kaya naman niyang ibigay ang katawan niya sa kahit sinong lalaki basta may katumbas na halaga pero nagbago ang pananaw...