56: SAVIOR

24 1 0
                                    

Gavin searched all over Manila area. Mula nang malaman niyang nawawala na naman si Zoey ay hinanap na naman niya ito. Wala siyang ideya kung saan pupunta si Zoey. Alam niyang hindi ito basta makakapagtago lalo na at kilalang-kilala si Candice pero bakit nahihirapan siyang hanapin ito?

Mahirap naman talagang hanapin ang taong hindi nagpapahanap. Naisip niyang balikan ang Desire's Place. Nagbakasakali siyang nagbalik roon si Zoey. Ngunit naisip din niyang baka nagkamali siya ng iniisip. Hindi pupuntahan ang isang Candice Valdez ang ganoong klaseng lugar.

Nagdadalawang-isip pa siya kung papasok ba siya sa Desire's Place o hindi. Tatalikod na sana siya nang bigla siyang tawagin ng babaeng pamilyar sa kanya.

"Gavin! Ikaw nga!" Lumapit ito sa kanya. Halatang kaysaya ng mukha nito nang makita siya.

"Hi Aloha," aniya. Tipid niyang nginitian ito.

"Mukhang malungkot ka," pansin nito sa kanya. "Hinahanap mo ba si Zoey?"

Kumunot ang noo niya. "Paano mo nalaman?"

"Wala lang. Naisip ko lang. Hindi ka naman pupunta dito kung hindi dahil sa kanya."

"Tama ka. So, andito nga ba siya?" paninigurong tanong niya.

"Nanggaling siya dito pero matagal na iyon. Mga dalawang linggo o tatlo na siguro. Hindi ko nga siya agad nakilala dahil ibang-iba na ang itsura niya. Nakumpirma ko lang noong hilahin niya palabas si Chelsea. Hindi na nga bumalik pati si Chelsea pagkatapos ng araw na iyon."

"Hindi bumalik?" Lalong kumunot ang kanyang noo. Bakit pati si Chelsea ay hindi makakabalik? Bigla siyang kinabahan na hindi niya maunawaan.

"Oo. Bigla na lamang siyang naglaho kasama si Zoey. Naiwan ngang nakatiwangwang ang kanilang bahay at napakagulo. Ang nakakapagtaka lang, puno ng grocery ang bahay niya pero walang tao. Naiwan lang din iyon roon. Ni hindi nga nagalaw man lang."

Biglang tumakbo sa utak niya ang senaryo na baka nga may masamang nangyari sa mga ito. May kumidnap kaya sa mga ito sa loob ng bahay? Isang tao lang ang naiisip niyang gagawa niyon. Si Don Guillermo. Ngunit bakit kailangang kasama si Chelsea kung alam niyang si Zoey lang ang kailangan nito? At kung nasa kamay nga nito sina Chelsea, bakit hindi ito tumawag sa kanya kapalit ng ebidensiyang kailangan nito? May ibang binabalak ba ang kanyang ama?

Maraming katanungan ang naisip niya at bigla siyang naguluhan ngunit kailangan pa rin niyang kumpirmahin. Walang lingon-lingon siyang sumakay ng kotse. Hindi na niya pinansin pa ang pagtawag ni Aloha sa kanya. Nagmaneho na siya patungo sa bahay ni Chelsea.

Dalawa o tatlong linggo na mula nang huli silang makita ni Aloha. Napakatagal na niyon at hindi niya alam kung may impormasyon pa ba siyang makakalap pagdating niya sa lugar na iyon ngunit nagbakasakali na rin siya.

Pagdating niya sa lugar ay agad niyang tinungo ang kuwartong inuupahan ni Chelsea. Nagtaka siya dahil nakabukas na ito at maayos na ang mga gamit sa loob. Malinis ang loob ng bahay na wari'y walang nangyaring anuman. Wala na rin ang sinasabi ni Aloha na mga grocery na naiwan roon.

Pumasok pa siya sa loob upang magmasid at nakarinig siya ng lagaslas ng tubig sa toilet. Dahan-dahan niyang nilapitan ito. Sumandal siya sa may pinto at pinakinggang mabuti kung may tao nga sa loob.

Lagaslas ng tubig at boses ng babaeng nahimig ang kanyang naririnig. Kumunot ang kanyang noo. Hindi kaya may bago nang nangungupahan sa kuwartong iyon?

Nagulat siya nang biglang magbukas ito. Nagulat rin naman ang babae pagkakita sa kanya. Mahigpit pa nitong tinakipan ang dibdib na natatabingan ng tuwalya.

"G-Gavin?" sambit nito.

"C-Chelsea?" paniniguro niya.

Lumabas naman ng banyo si Chelsea at nagdiretso sa may closet nito. Kumuha ito ng damit bago muling lumingon sa kanya.

Untold Story Of The Billionaire's EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon