"Nice to see you back, son," bati ng kanyang ama nang makarating si Gavin sa opisina nito.
"Marunong akong tumupad sa pangako," malamig ang tono na sabi niya. Naupo siya sa silya na nasa tapat ng desk nito. "What is my first mission?"
Ngumiti naman ang kanyang ama saka may kinuha itong isang attaché case at binuksan sa harapan niya. Naglalaman iyon ng mga malaking halaga ng pera.
"Here's the money. You will pay Mr. Chen for the illegal drugs that he will hand to you. That was 5 kilos of shabu."
Naningkit ang kanyang mga mata habang tinitingnan ang attaché case na may lamang pera. "Gagawin mo akong front para sa illegal transaction mo?"
"Yes, may reklamo ka ba doon?"
"Wala akong alam sa mga ganito," sabi pa niya.
"Don't worry son, Leo will assist you. He will teach you everything that you need to know about this business."
"Business ang tawag mo dito? Wala ka bang matinong negosyo bukod dito?" sarkastikong tanong niya kahit alam naman niyang maraming business ang kanyang ama. May food and beverage, may garments din at electronics supply pero front lang ang lahat ng iyon. Lahat ng iyon ay may illegal transaction na nagaganap.
"This illegal business that you talking about was also the business that gave you a living, especially when you used to live in States," giit nito.
Matagal nga siyang nag-aral ng high school at kolehiyo sa Florida noon. Kasama niya ang kanyang lolo at lola. Hindi niya nakasama ang kanyang ina dahil naiwan ito sa poder ng kanyang ama. Bihira siyang makauwi ng Pilipinas. Tuwing may okasyon lamang at kung may pahintulot pa iyon ng kanyang ama.
Sabik na sabik siya sa tuwing umuuwi ng Pilipinas para makita ang kanyang ina pero hindi niya akalaing sa muling pag-uwi nga niya ay patay na ito. Ni hindi na niya nakita ang labi nito dahil ipina-crimate na agad ng kanyang ama.
Ikinuyom niya ang kanyang kamao. Naningkit ang kanyang mga matang nakatingin sa kanyang ama. Sa tuwing nakikita niya ito, hindi mawala sa isip niya na ito ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina.
"Pinagmamalaki mo ang kayamanang pumatay din sa aking ina?"
"Son, how many times do I have to tell you that your mother committed suicide. She's mentally ill."
"Kung mentally ill si Mama, bakit hindi siya namatay sa isang mental facility? Bakit sa bahay siya namatay? Saan nanggaling ang baril na ipinutok niya sa sarili niya?" may halong panghuhusga sa tono ng kanyang pananalita.
"That gun is mine. My personal gun. Nakuha niya iyon sa drawer ko."
"You put your gun in your safety vault. No one knows the password except you."
"Are you accusing me of killing your mother?" Nagsalubong ang kilay nito at tumaas ang tono ng boses nito.
"Did you?" may pang-aasar pang sabi niya. Umiwas ito nang tingin sa kanya bago nagsalita. Tumalikod ito at kinuha ang wine na nakapatong sa maliit na mesa.
"You know that I love your mother. I can't do that to her."
"Really? Bakit hindi ka makatingin sa mata ko? I guess you are lying."
Muli itong humarap sa kanya. "Gavin, you are not here to investigate the death of your mother. You are here to work for me. That was our deal!" galit na sabi nito.
He gritted his teeth. Kahit anong gawin niya, hinding-hindi niya mapapaamin ang kanyang ama. Kailangan talaga niya ng matibay na ebidensiya upang mapatunayan na may kinalaman talaga ang kanyang ama sa pagkamatay ng kanyang ina.
BINABASA MO ANG
Untold Story Of The Billionaire's Escort
RomanceMatagal nang prostitute si Zoey kaya naman sanay na siyang binabastos lang ng mga lalaki. Wala lang iyon sa kanya. Sanay na siya! Kaya naman niyang ibigay ang katawan niya sa kahit sinong lalaki basta may katumbas na halaga pero nagbago ang pananaw...