Gavin: Good morning sweetheart, don't forget to eat your breakfast.
Napangiti siya nang mabasa ang mensahe na iyon galing kay Gavin. Kakadilat pa lang ng kanyang mga mata nang umagang iyon at nakahiga pa siya sa kanyang kama nang tumunog ang kanyang cellphone. Iyon agad ang mensaheng bumungad sa kanya.
Hindi niya akalaing ganoon lang kabilis mawawala ang sama ng loob niya dito at ganoon lang niya kadaling mapapatawad ito. Tunay na gahibla lamang ng buhok ang pagitan ng galit at pag-ibig. At nanaig ang pag-ibig kaysa galit. Mas nangibabaw ang pagkasabik kaysa sama ng loob.
Magre-reply na sana siya nang may isang mensahe ulit na pumasok sa kanyang cellphone. Binuksan muna niya iyon. Galing naman ang mensahe kay Dancel.
Dancel: Good morning, my sweet Candice. See you later.
Medyo nagtataka na siya sa ikinikilos nito. Hindi naman ito ganoon ka-sweet sa kanya dati. Mula nang mag-propose ito sa harap ng media, naging mas extra sweet ito sa kanya na para bang tinotoo na nito ang pagiging magkasintahan nila. Madalas na rin itong may bulaklak para sa kanya. Inisip niyang dahil lang iyon sa paghingi nito ng tawad sa kanya.
Bumalik siya sa mensahe na galing kay Gavin at ni-reply-an ito.
Zoey: Hi sweetheart, thanks for reminding me. Pero mas masarap siguro kung ikaw ulit ang magluluto ng breakfast ko.
Ilang segundo pa lang nang i-send niya ang mensahe na iyon ay may reply na agad galing dito.
Gavin: Kung pumayag ka lang ba naman na magsama na tayo, e di sana araw-araw mong natitikman ang luto ko pati katawan ko.
Namula ang kanyang mukha at biglang nag-init. She imagine Gavin's naked body. Kinagat niya ang kanyang labi bago muling ni-reply-an ito.
Zoey: You are so naughty. Baka mamaya patulan ko na iyang gusto mo.
Gavin: Why not? Let's make love again.
Lalong nag-init ang mukha niya. Hindi lang niya na-imagine ang hubad na katawan nito kundi maging ang kanilang mainit na pagniniig noon. Naramdaman niya ang pamamasa ng kanyang ari kahit ini-imagine palang niya ang mainit nilang tagpo.
Kagat labi ulit siyang nag-reply.
Zoey: Don't dare me. Baka hindi mo na kayanin.
Gavin: Kahit matagal na akong walang practice, magaling pa rin ako.
Zoey: Nagyabang ka na naman.
Gavin: Hindi iyon basta yabang lang. Bakit di mo subukan?
Nagiging erotic na ang kanilang usapan. At kahit na sa mensahe lamang iyon ay hindi niya mapigilang madala ng kanyang emosyon. Tumataas ang kanyang libido. And her body wants sex at this moment. Kapag hindi pa niya itinigil ang ganitong usapan ay baka mag-solo siyang paligayahin ang sarili.
Zoey: Stop teasing me, Mr. Jameson. I have work to do this morning and I have no time for sex.
Gavin: Then let's make it after a dinner date?
Zoey: Dinner date?
Gavin: Yes. I will prepare a dinner for two after your work.
Parang biglang kiniliti ang kanyang tiyan. Na-excite siya sa paanyaya nitong hapunan pero parang mas na-excite siya sa magaganap pagkatapos niyon. Hindi agad siya naka-reply kaya naman isang mensahe na naman galing dito ang natanggap niya.
Gavin: No reply. Is that a yes?
Zoey: Yes. See you at dinner.
Iyon lang at inilapag na niya ang kanyang cellphone. Ayaw na niyang pahabain pa ang kanilang usapan dahil baka hindi na siya makapasok sa trabaho at magpasya siyang makipagkita na lang dito. Ang lakas ng epekto ni Gavin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Untold Story Of The Billionaire's Escort
RomanceMatagal nang prostitute si Zoey kaya naman sanay na siyang binabastos lang ng mga lalaki. Wala lang iyon sa kanya. Sanay na siya! Kaya naman niyang ibigay ang katawan niya sa kahit sinong lalaki basta may katumbas na halaga pero nagbago ang pananaw...